Chapter 75

368 26 2
                                    

Dulcinea's POV

Lumabas ako ng bahay dala ang niluto kong pulutan dahil dumating kanina ang mga kaibigan niya galing pang ibang lugar.

Nasa pergola sila nag-iinuman dahil natutulog na ang mga anak namin at baka magising sila sa ingay.

Kilala ko ang ilan sa kanila dahil meron din sila nung kasal sa Beach Hotel.

Pagkarating ko ay bumungad na agad ang tawanan at sari-saring usapan.

Sumulyap muna ako sa gawi ni Zac.

Nang biglang humarang sa harapan ko si Kit, kaya napatunghay ako rito at ngumiti ng tipid.

"Ako na." Ngiting pagprisinta niya, saka agad hinawakan ang magkabilaang gilid ng mangkok, kaya sa likod ng mga kamay ko dumantay ang palad niya.

"Uh-sorry..." Awkward niyang paumanhin.

Kaya agad kong hinila ang kamay ko at alanganing ngumiti.

"Nea." Malamig ngunit mahihimigan ang mapanganib na boses galing sa likuran ni Kit.

Kaya umatras ako ng isang beses.

"Salamat rito, nag-abala ka pa." Bulalas ni Kit, pagkatapos ay bumalik muli sa kinauupuan niya't inilapag ang mangkok sa mesa.

Kaya napalunok akong tumingin kay Zac.

Hindi na maipinta ang paglukot ng mukha niya na para bang may ginawa akong kasalanan, kaya umiwas ako ng tingin at gumalaw, saka ako tumalikod.

Ano na naman bang ginawa ko at ganun nalang niya ako tingnan? Nagdala lang naman ako ng pulutan nila, at walang masama ron.

Pumasok muli ako rito sa loob ng bahay, saka ako dumiretso ng kitchen para hanguin pa ang ibang niluto ko.

Ilang sandali pa... "Ah!" Napatalon ako sa gulat nang umikot bigla ang katawan ko padiin ng likod ko sa counter edge ng kitchen.

Bumungad sa akin ang naghuhurementirong pustura ni Zac habang mahigpit nakahawak sa braso't baywang ko. "Sinong nagsabi sayong lumabas ka?! Huh?" Namumula ang mga mata niya sa galit nang pinasandahanan ang suot ko. "At talagang ibinalandra mo pa ang balat mo sa kanila. Alam mo ba kung ilang lalaki ang naroon?!" Paghiyaw niya. Maging sentido at leeg nito ay naghihimutok na sa ugat dahil sa galit.

Kumibot ang mukha ko nang idiniin pa niya ako lalo. Napahawak ako sa dibdib niya. "Nagdala la-ang naman ako ng-"

"Oh, talaga?" Mariing pagkagat niya sa pang-ibabang labi, kita ko pa ang pamumuo ng dugo roon. "Ano yung nakita kong nagpahawak ka pa ng kamay?!" Pagputol niya.

Malalim ang paghinga kong tinitigan siya. "Hindi ako nagpahawak ng kamay! Nahawakan lang niya dahil sa pagkuha ng dala ko. Magkaiba yon, Zac!" Papaubos na pasensiya kong bulalas.

Gigil na lumangit-ngit ang ngipin niyang nagpalunok sa akin. "Umakyat ka ngayon din sa kwarto." Mariin niyang utos.

"Za-ac-"

"Hintayin mo ako dun." Pagdidilim ng aura niya. "Mamaya ka sakin." Kasabay ng pagbitaw niya sa pagkakahawak ng braso't baywang ko.

Pagkatalikod niya ay idinantay ko ang siko ko sa counter ng kitchen para makakuha ng suporta dahil namamalat ang tuhod ko sa pagkakatayo.

Bumugso ang ilang malalim at kapos kong paghinga...

Hindi ko na maintindihan kung ano ba dapat at hindi dapat gawin sa pamamahay na to.

Wala akong nagawa kundi sundin ang sinabi niya.

Nanatili lang ako't tumunganga rito sa loob ng kwarto ng ilang oras.

Eyes don't Lie (Quadro Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon