Chapter 59

400 17 2
                                    

Thirds Person POV

"Daddy..." Patakbong pagsalubong ni Zavie kay Zac, saka yumakap sa hita ng ama na lagi niyang ginagawa.

Ginulo ni Zac ang buhok ng anak, saka ngumiti pagkatapos ay tumingin kay Zavler na prisenteng naglalakad papalapit sa kanila.

"Look, Daddy, I have five stars; are you proud of me again?" Inosenteng pagtatanong ni Zavie kay Zac.

Tumawa ng mahina si Zac at yumuko para mabuhat ang anak. "Yes, of course, baby, I'm always proud of my two little angels." Malambing niyang sagot sa anak, saka hinalikan sa pisngi.

Pagkatapos ay bumaling siya kay Zavler. Hinihintay niyang magsalita rin ito.

Ngumiti si Zavler at ipinakita ang dalawang kamay sa ama.

"Meron din ako, Daddy. My new teacher told me that I'm doing a great job." Masayang pambungad niya sa ama.

Yumuko pa si Zac para sana bigyan ng halik sa pisngi si Zavler nang sumalisi ito.

Nagtataka niya itong tinitigan  "Why? I'm going to kiss my baby boy too. Ayaw mo ba, anak?" Malamyos na tanong ni Zac rito.

Umiling naman si Zavler, saka luminga-linga sa paligid na nakuha naman agad ni Zac ang gustong iparating nito. Nahihiya ito dahil maraming tao ang nasa paligid, ayaw na ayaw kasi niyang nilalambing siya ng ama kapag nasa public place sila.

Kaya huminga ng malalim si Zac at nginitian si Zavler. "Okay, son, I got you." Saka niya ito kinindatan at ginulo ang buhok nito. Pagkatapos ay kinuha nalang niya ang kamay ni Zavler, saka sila naglakad papunta sa sasakyan.

"Zavler is a big boy na kasi, Daddy, kaya ako nalang po ang baby mo ngayon." Paghagikgik ni Zavie habang nakakapit sa leeg ni Zac.

Tumawa naman ng mahina si Zac sa sinabi ni Zavie. Madaldal talaga ito na walang kaduda-dudang namana niya sa Mommy nila.

Habang nasa biyahe sila ay wala paring tigil ang pagkwekwento ni Zavie sa naging ganap sa maghapon nila ng kanyang kambal. Si Zac naman ay walang sawang nakikinig lagi sa mga anak.

"Ayoko sa bagong teacher namin ngayon, Daddy." Boses ni Zavie na nasa backseat.

Nagtataka namang binalingan ni Zac ang front mirror.
"Why? Did she scold you? Tell me, baby, and I will talk to her."

"I like her." Boses naman ni Zavler. Medyo nagulat si Zac dahil ngayon lang nagsalita si Zavler na gusto ang isang tao, dati-rati kasi ay hindi ito nagsasabi kung gusto ba niya ang mga taong nasa paligid niya o hindi.

"Basta ako, ayoko sakanya." Pagdidiin ni Zavie sa kambal.

"Did she do something on you, Baby? Why don't you like her?" Pagtatanong ni Zac kay Zavie.

Hindi sumagot ang anak kaya napahinga ng malalim si Zac at itinuon muli ang atensiyon sa daan. Sa isip nito ay mukhang kailangan niyang makausap ang bagong teacher nila at kumpirmahin na rin kung bakit ayaw sa kanya ng anak.

Sumapit ang gabi...

Nasa office room si Zac, nilalaro ng kaliwang mga darili niya ang ballpen na hawak habang nasa ibabaw naman ng bibig niya ang kanan nitong mga daliri.

Pumasok ulit sa isip niya ang nangyari nung nakaraang linggo. Pagkatapos ng tagpong iyon ay pinatawag niya kaagad si Silver para makapagpasagawa ng malalim na imbistigasyon tungkol sa babaeng iyon.

Ilang gabing nagsumiksik sa utak niya ang hindi makalimutang imahe ng babae, kamukhang-kamukha niya ang asawa nitong walang kaduda-duda, maging boses ay katulad ng boses ni Nea.

Ngunit mas nangingibabaw sa utak nito ang nagsasabing hindi iyon ang asawa dahil kitang-kita ng dalawang mata niya kung paano paglamayan ang katawan ni Nea noong mga panahong iyon.

Pero hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit, kung bakit gustong-gusto niyang malaman ang kasagutan sa lahat ng tanong na bumabagabag sa kanya. May nagtutulak sa kanya para alamin ang mga bagay-bagay tungkol sa misteryosong babae.

Huminga siya ng malalim at napahilamos sa kanyang mukha.

Napabaling siya sa pintuan ng may kumatok, kaya napatayo siya at naglakad papunta sa pintuan at binuksan ito.

Bumaba ang tingin niya kay Zavler na nasa bungad habang may hawak na malaking illustration board.

"Hmn, son? Do you need something?" Malambing niyang tanong sa anak.

Tumango naman si Zavler kaya pinapasok siya ni Zac sa loob at kinuha ang isang upuang nasa gilid at ipinwesto sa gilid ng swivel char nito, saka niya binuhat si Zavler at pina-upo sa upuan, pagkatapos ay naupo rin siya at hinarap ang anak.

"Anong gagawin ni Daddy, anak?" Pagtatanong niya kay Zavler habang kinukuha ang hawak nitong board.

Malinis pa ito at wala pang kahit na anong sulat.

"Our teacher said we made a family tree, daddy." Sagot ni Zavler na nagpapawi ng ngiti ni Zac.

Hindi dahil hindi niya iyon kayang gawin, kundi-  "Daddy, what does mommy look like?" Malambing niyang tanong sa ama.

Napalunok si Zac at binalingan si Zavler na nakatingin na sa kanya.

Simula nung nagkaroon ng kamalayan ang mga anak ay hindi niya kailanman binanggit si Nea dahil ayaw niyang masaktan ang mga ito.

"I'm sure she's beautiful, right, daddy?" Malungkot na ngumiti si Zavler habang titig na titig kay Zac.

Bumuntong hininga si Zac at tipid na ngumiti at tumango. "Yeah, she's mo-re than beautiful, son." Pagbabara ng lalamunan niya.

"Daddy, did you miss her?" Mahina't seryosong tanong ni Zavler.

Tumango ulit si Zac ng magkakasunod-sunod. "So much." Pagtindig ng boses niya habang nakatitig sa anak. Ipinapakita nitong matatag siya, malakas ang loob at hindi basta-basta sinasakop ng mapanghalukay na emosyon. Pero ang katotohanan ay nakatago sa pinakamalalim niyang pagkatao, na pwedeng makita ng mga anak sa kahit na anong oras.

Dahan-dahang iginalaw ni Zavler ang maliit na kamay sa braso ni Zac. "Daddy, are you hurt?" Pagtatanong niyang muli.

Napatigil sa paghinga si Zac at pinigilan ang pagkibot ng emosyon nito, ayaw niyang kung maari ay iniiwasan niyang makita ng mga anak na siya'y mahina.

Namumula ang mga mata ni Zac habang pinapanatili ang pag-ngiti. "No-o, no, baby, I'm not." Hirap at paghinga niya ng malalim, saka hinaplos ang likod ng ulo ni Zavler.

Sa simpleng katanungan ng anak ay nasasaktan ang kalooban niya lalo na at tungkol ito kay Nea.

Malalim na tinitigan ni Zavler si Zac sa mga mata. "Alam niyo po kung ano ang turo ng teacher ko, daddy? Kung alam mo daw pong nagsisinungaling ang kausap mo, titigan mo lang daw po siya sa mga mata." Bulalas niya. "Dahil makikita mo raw po rito ang totoong sagot." Dagdag niya.

"So Daddy, you're not good at lying. Because eyes don't lie." 

@dikaPinili_

Eyes don't Lie (Quadro Series #2)Where stories live. Discover now