Chapter 77

469 23 6
                                    

Warning!!!
Panibagong gabay para sa mga mambabasa, dahil ang kabanatang ito ay naglalaman ng-alam niyo na yan, sus kayo pa! Konting pakurot~

Dulcinea's POV

Nandito ako ngayon sa kitchen, nagluluto para sa breakfast mamaya.

Sa makalawa na ang birthday ni Zac, at request ng mga bata na sa Acuaverde Beach Resort sa Batangas namin icecelebrate. Maganda doon, siguradong mag-eenjoy ang mga bata.

Hindi pa ako nakakabili ng ipanreregalo sakanya. Oo nga't hindi siya mapili pero dapat special ang ibibigay ko...

Nagiging okay naman na kami, pero wala pa talagang masinsinang pag-uusap tungkol sa mga bagay-bagay. Tahimik lang siya't ramdam kong iniiwasan niyang mag-isip tungkol sa pangunahing problema namin. Kaya hinahayaan ko na lang din, hihintayin ko nalang na siya ang magbukas ng usapan dahil ayoko siyang pangunahan at baka bumalik lang sa panlalamig ang lahat.

A few moments later, I felt a bulk behind me, and I knew it was Zac.

Napagalaw ako nang dumungaw ang mukha niya sa gilid ko patingin sa nakasalang, pagkatapos ay itinukod nito ang dawang palad sa magkabilaang gilid ko't dumikit pa, dahilan kung bakit pigil ang pag-igik ko nang nararamdaman ko ang namumukol niyang pagkalalaki sa itaas ng pwitan ko.

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang bang marinig na naging ungol ang paghinga niya...

Napalunok ako nang bahagya pa nitong idikit ang kanya sa likod ko.

Kaya taranta akong napatikhim para mawala ang pagbabara sa lalamunan ko. "Uh-ah, mala-pit na itong maluto." I managed to announce.

I felt his face turn in front of my left cheek; that's why his hot breath landed on my skin.
 
Kulang nalang ay halikan na niya ang pisngi ko dahil sa sobrang lapit niya.

Napatigil ako sa paghinga nang humaplos ang hininga niya pababa sa leeg ko.

Para akong tuod na hindi makagalaw sa kinatatayuan...

"Damn, l like your sensational scent in the morning." Garalgal niyang daing, saka ko naramdaman ang paghalik niya ng balikat kong nagpatayo sa balahibo ko. "It's hard to hold back anymore." Namamaos niyang dagdag na nagpausbong ng paru-parong naglalaro ko sa tiyan.

Para akong napapaso...

Hindi ko akalaing paglipas ng mahabang panahon at ngayong kasama ko na siyang muli ay mas matindi pa pala sa inaakala kong pakiramdaman ang paninibago ulit sa ganitong intimacy, mas maalab.

I swallowed violently when the back of his left hand caressed my left arm slowly. "Za-ac." Kagat labi kong daing, nang gumalaw rin ang isa pa niyang palad pahaplos sa baywang ko kasunod ng pagtaas niya ng laylayan ng spaghetti strap kong suot, saka nito ipinasok ang nakakapaso niyang palad pataas.

Umawang ang labi kong papapikit na nang...

"Dad..." Boses ni Zavler.

Oh God. Papalapit siya dito sa kitchen!

Maging si Zac ay napatigil at napabuga ng hangin. "Fuck." Banayad niyang bulong at pumagilid.

Ilang paglunok ang nagawa ko't tarantang inabot ang kung anong mang bagay ang pwede kong mahawakan.

Simple kong sinulyapan si Zac. Wala sa sarili nitong binuksan ang faucet at itinapat ang dalawang kamay. Siguro ay iyan na lang din ang naisip niyang gawin bago pa makapasok rito si Zavler.

"Wow, Teacher, I smell burning hotdogs from here." Dahan-dahan at natatawang anunsiyo ni Zavler na ikinalaki ng mga mata ko.

Shit!

Eyes don't Lie (Quadro Series #2)Where stories live. Discover now