Chapter 60

460 18 2
                                    

Third person POV

"Boss, nasakin na ang whole document ng ipinagawa mo." Pambungad ni Silver sa kabilang linya.

Banayad ang paghinga ng malalim ni Zac habang pinaghahandaan ang maririnig mula kay Silver.

Nasa veranda siya ngayon habang may hawak na sigarilyo. Humithit muna siya rito bago magsalita. "Spill it out" Simpleng utos niya.

"Pero boss, uunahan ko sa pagsasabi ng 'sorry' but she's not her." Pagbalanse ng boses ni Silver.

Napapikit ng mariin si Zac, alam niya, at inaasahan na niyang ito ang maririnig niya mula rito, pero hindi parin niya maiwasang kurutin ng katotohanan.

Iniisip niya ngayon na ilusyon lang iyon, ilusyong makita ang mukha ng asawa sa ibang katawan.

"Her name is Thalythia Reese Danielle, 25 years old. She graduated as a teacher at San Lucas Academy and is currently teaching at-

"Tell me her address." Biglang bulalas ng bibig ni Zac.

"But sir-" hindi pagsang-ayon ni Silver.

"Just give me now the fucking address." Matigas na boses niyang pag-u-ulit.

Hindi niya alam kung bakit gusto nitong malaman kung saan nakatira ang babaeng iyon. Hindi niya maintindihan ang sarili't napapasunod ito ng kanyang damdamin.

"Sta Isabel Street 321." Walang nagawang pagsagot ni Silver.

Kaya agad na pinatay ni Zac ang tawag pagkatapos ay inihulog nito ang stick ng sigaringyong hawak at inapakan.

Humakbang siya papasok sa loob ng kanyang kwarto at basta nalang nitong inihagis ang phone sa ibabaw ng kama at agad nitong hinila ang damit patanggal sa kanyang katawan bago siya pumasok ng bathroom.

Pagkatapos niyang maligo ay nagsuot lang ito ng maong short na pinarisan ng white shirt, saka niya inayos ang buhok.

Humakbang siya palabas ng closet at nagtungo sa ibabaw ng mesang nasa gilid ng kama at dinampot ang susi ng kotse niya, saka siya naglakad agad palabas ng pintuan ng kanyang kwarto.

Bumaba siya ng hagdan at diretsong lumabas ng main door.

Naglakad siya papunta sa garahe.

Bago siya pumasok sa loob ng kotse ay sumulyap muna siya sa suot nitong watch.

7:34 p.m.

May nagtulak sakanya para puntahan ang lugar na ibinigay ni Silver dahil hindi na nito kayang ipagpabukas pa.

Alam niya sa sariling hindi ito ang asawa ngunit naguguluhan ito sa inaakto ng kalooban niya. Kalahating bahagi niya ang pumipigil dahil iniingatan niya ang tiwala ng asawa kahit wala na ito. Kalahati naman sa kanya ay ipagpatuloy lang ang pag-alam tungkol sa babaeng iyon.

Habang nasa biyahe ay hindi niya maiwasang mag-isip ng ikakagulo ng sitwasyon, pero kailangan nitong alamin ang mga bagay-bagay. Alam nitong hindi coincidence ang pagkakapareho ng mga mukha nila.

Pagkarating nga niya malapit sa tapat ng gate ng bahay ay pinatay nito ang makina at ilang saglit na nanatili siyang nasa loob ng kotse habang nakadungaw sa pintuan ng bahay.

Huminga siya ng malalim at napapikit. "Damn. Why am I doing this?" Napahilamos siya sa sariling mukha at napabunga ng hangin.

Pabalang niyang isinandal ang likod sa inuupuan at napahilot sa batok. "She's not my, baby..." Pagkumbinsi niya sa sarili at lumunok. Pero kahit isaboses niyang hindi ito ang asawa ay hindi pumapasok sa kailaliman ng kanyang pagkatao.

Pumikit siya at muling nagmulat. Umayos siya ng upo at tatangkain na sanang buhayin muli ang makina ng kotse nang marinig nitong bumukas ang pintuan ng bahay kaya naman napabaling siya doon.

Biglang nangunot ang kilay at nakaramdam ng kakaibang pakiramdam sa hindi malamang dahilan.

Lumabas kasi sa gate ang isang lalaki kasanunod nito ang babaeng kamukha ng asawa.

Ngumiti ang babae sa lalaking kausap na nagpahigpit ng pagkakahawak ni Zac sa monobela.

Rinig niyang nagpaalam na ang lalaki pagkatapos ay sumakay na ito sa motor na nasa gilid ng gate, pagkaalis nga nito ay ang agarang paglabas ni Zac sa kotse at padabog na isinara ang pintuan dahilan ng paglingon ng babae.

Hindi maintindihan ni Zac ang emosyon, basta nalang itong naglakad papalapit sa babaeng umatras na ng isang beses habang nanlalaki na ang mga mata at itinuro si Zac. "Namumukhaan kita... Ikaw yung manyak na bigla nalang nang-aakap." Mabilis niyang usal habang pinapasandahanan ng tingin si Zac.

Hindi iyon pinansin ni Zac at lumapit pang hindi na maipinta ang mukha dahil sa nagkakahalo-halong nararamdaman, na hindi nito alam kung ano ba dapat ang ipakitang emosyon.

"Oh-huh, teka... Bakit ganyan ka makatingin? At saka bakit mo nalaman itong bahay ko?" Kinakabahang tanong niya at ipinagpatuloy ang pag-atras.

"Sino ang lalaking iyon? Huh?" Biglang tanong niya. Hindi na nito alintana ang kung anong lumalabas sa bibig niya dahil mababasa sa expression palang nitong galit na.

"Bakit mo ba-" Hindi niya naituloy nang mabilis na hawakan ni Zac ang magkabilaang braso nito.

"How dare you use my wife's face to smile and talk to that fucking guy?!" Pagbugso ng hasik niya habang papahigpit ang pagkakawak nito sa braso ng babae.

Namumula na ang mukha ng babaeng pilit kumakawala. "Ahh-aray! Nasasaktan ako-hmnp!" Pagpiglas niya. "Ano bang problema mo? Naka high ka ba? Ha? Sino bang asawang pinagsasabi mo?! Baliw ka!" Paghiyaw nitong sinabayan pa ng pagtutuhod sa gitna ni Zac.

Kaya napabitaw si Zac at sinapo ang pagkalalaki. "Fuck!" Hasik niya.

Nang makita nitong papasok na sa gate ang babae ay pinilit niyang maglakad nang mabilis habang sapo ng isang palad niya ang ari.

Isasara na sana ng babae ang gate nang mabilis itong pinigilan no Zac gamit ang libreng kamay niya.

"Lubayan mo ako?! Tulong!" Naiiyak niyang paghingi ng saklolo.

Nang hindi na nito kayang makipagtulakan ay agad itong kumaripas ng takbo papunta sa pintuan, kaya malayang malakas na itinulak ni Zac ang gate pabukas at mabilis din niyang inihakbang ang mga paa para mapigilan din ang pagsasara ng pintuan ng bahay.

"Let me fucking in!" Pagdagundong ng boses ni Zac.

Binabalot siya ng inis at galit na hindi na niya makontrol.

"Tatawag ako ng pulis! Please... Umalis ka na!" Paghagulgol ng babaeng ibinibigay ang lakas para hindi makapasok si Zac.

Pero mas malakas si Zac kaya nakapasok ito ng walang kahirap-hirap.

Mabilis na umatras ang babae habang umiiyak, nanginginig ang mga labi nito. "Si-no ka ba?! Ano bang kailangan mo sa'kin?" Iyak niya. "I-yong lalaking si-nasabi mo ba? Tubero yun kung yan ang gusto mong malaman, kaya please..." Pahikbi niyang pagsagot dahil sa takot.

"Anong kailangan ko sayo?" Mahina't malamig na tanong ni Zac rito. "Hindi ko rin alam." Bumagsak ang balikat niya't wala sa sarili niyang sambit.

"Kung... kung ganun, ple-ase, lumabas ka na." Pagsusumamo ng babae.

Sa pagkakataong ito ay nagising na ang diwa ni Zac at Napasabunot ng kanyang buhok. "What the fuck..." Pagmumura nito sa sarili pagkatapos ay agad na lumabas ng pintuan.

Napakuyom ang kamao niyang lumabas ng gate.

Pagkarating sa harapan ng kotse ay malakas niyang sinipa ito ng tatlong beses. "Wake up... Fucking-ahhh!!!" Pagsipa pa niya ng ilang beses.

Dumadagundong ang pagtibok ng malakas ng puso niya dahil sa hindi na maipaliwanag na kasalukuyang nararamdaman.

"Wake the fuck up, Yasir!" Galit niyang hasik sa sarili, pagkatapos ay walang pakundangan niyang malakas na sinuntok ang mukha ng dalawa hanggang apat na beses para magising ng tuluyan sa kabaliwan.

Wala sa sarili siyang sumalampak sa sahig at itinukod ang mga siko nito sa magkabilaang tuhod.

Habol niya ang hininga habang pinipisil ng mariin ang mga palad. Namumula na ang mukha at mga mata niyang hirap na rin sa paglunok.

Hindi nito lubos akalaing magpapakita siya ng ganoong emosyon sa harap ng babaeng iyon.

@dikaPinili_

Eyes don't Lie (Quadro Series #2)Where stories live. Discover now