Chapter 54

356 12 2
                                    

Yasir's POV

The gunfire has stopped so it's a sign that the raid is over. Ilang buhay na ba ang nawala nang dahil sa droga? Maging ako hindi ko na rin mabilang. Wala na akong pakealam kung ilan na ang nadaling buhay basta ang direksiyon lang nang pagsama ko rito ay para makita ang asawa ko kung nandito ba siya o wala.

Pero napatunayan kong wala siya rito...

"It's over, uuwi na ako." Bagot kong sabi kay Yrjo. Hahakbang at lalagpasan ko na sana siya nang magsalita ito.

"Nagkakamali ka." He exclaimed, which is why I looked at him again.

Napatingin ako sa hawak niyang baril matapos ikinasa. Tiningnan niya ako ng malalalim niyang tingin. Maya-maya pa ay gumalaw ang mga mata niya sa gilid ko. Kaya wala ako sa sariling gumalaw, saka umikot kung saang direksiyon nakatingin ang mga mata niya.

Pagkalingon ko ay...

"Nea." Bakas ang hinanakit sa pagbitaw ko ng pangalan niya.

I swallowed and dropped the gun I was holding. My chest rumbled stronger because of the intense longing. Nag-iinit ang leeg pataas sa mukha at tainga ko.

I miss my wife damn much...

Kumibot ang mukha ko dahil sa emosyon.

Humakbang siya papalapit. Ilang hakbang pa bago siya tuluyang makalapit sa akin nang mabilis kong iginalaw ang katawan ko at agad siyang yinapos sa baywang para mawala ang space sa pagitan namin. Maiinit ang bawat paghinga kong yinakap siya ng mahigpit na mahigpit. Isiniksik ko ang mukha ko sa leeg niya. Nanginginig ang katawan kong ayaw siyang bitiwan. "Wi-fe, bumalik ka na sa'min. Miss na miss ka na namin ng mga anak mo, please... Parang awa mo na." Hirap kong bulong.

Ramdam ko ang pag-i-init ng mga mata ko dahil sa pagpipigil ng emosyon.

Sa ilang araw na iyon habang wala siya sa tabi ko ay hindi ako makatulog sa gabi kakaisip kung maayos lang ba siya o kung iniisip niya rin ba kami...

Sa kabila ng lahat, hindi pumasok sa isip ko na kamuhian o magalit manlang sakanya.

"We need you baby, please..." Garalgal kong bulong.

Nang gumalaw ang kamay niya sa likod ko at gumanti ng yakap ay ang nagpapikit sa'kin ng mariin.

"Babalik na ako sayo." Marahang bulong niya na nagpagising ng dugo kong ilang araw nang natutulog.

I nodded quickly. "Thank you, baby." I repeatedly exclaimed, then kissed her on the side of her head.

Nabuhayan ang loob ko sa pagkakataong ito, alam kong hindi niya kami magawang baliwalain... Alam kong kahit anong mangyari ay babalik at babalik siya sa'min dahil kami ang pamilya niya. Kaya kong iwaksi ang lahat ng nangyari basta manatili siya sa amin.

Bumitaw kami sa yakap. Tinitigan ko ang mukha niyang maaliwalas ngayon,  I missed everything about her.

She smiled, then reached my cheek and caressed it.

Napapikit ako at napabuntong hininga ng palihim. Kinuha ko ang palad niyang nasa pisngi ko at dinala sa labi ko para halikan ng paulit-ulit. "Uuwi na tayo..." Masuyo kong bulong.

Nagmulat ako kasabay ng pagtango niya, kaya gumalaw ako paikot habang hawak ang kamay niya ng mahigpit. Humakbang kami ng dalawang beses nang humakbang din si Yrjo sa tapat namin.

I was alarmed when he raised his gun and pointed it at me. "Yrjo." I swallowed and stared at him, confused.

Mas lalo kong hinigpitan ang kamay ni Nea nang lumipat ang pagkakatutok ng baril sa pwesto niya

Eyes don't Lie (Quadro Series #2)Where stories live. Discover now