Chapter 28

494 12 2
                                    

Yasir's POV

"Are you alright?" I patted Yitro's shoulder.

We are here at the airport. His flight was sudden and it was tonight, so I was the only one with him here dahil busy si Yvor. He really intended to leave without telling us. Sira ulo talaga. Ngayon ko lang din nalaman na hiwalay na pala sila ni Rebecca. And that was slightly shocking dahil ang buong akala ko talaga maayos sila.

"No. Sa tingin mo maayos ako sa lagay na to?" He asked me back emotionless.

Tumango-tango lang ako. Well, alam ko namang hindi.

"Hanggang kailan ka don?" Pag-iiba ko ng tanong dahil halatang depress na depress siya.

Sa tingin ko naman, kailangan muna niyang umalis para maka recover, at makapag-isip-isip. Sarado ang isip niya ngayon and he can't even talk properly. I'm worried na baka sakanya mapunta ang sakit dati ni dad.

"Hanggang sa gusto ko." Tipid niyang sagot.

I took a deep breath. "Just call me if you need anything, baka mamaya mabalitaan nalang namin na nagpakamatay-"

"Hindi ako ganyan kababaw." he blurted out.

I raised my eyebrows. Really? Ano palang tawag niya sa hiwalayan nila ni Rebecca? Hindi ba yun kababawan? Dahil lang sa selos na pinalaki niya, yan tuloy ang naging resulta.

If I were him, I wouldn't fucking do that. Hindi ko papakawalan at sasaktan si Nea dahil lang sa nagselos ako. But, actually, yes, we are twins, pero hindi naman kami pare-pareho ng ugali. Siguro dun lang kami nagkakatalo-talo.

Pero okay pa itong si Yitro sa usaping pagseselos. Pano nalang kung si Yrjo na, hahaha.

"Basta magsabi ka lang kung may kailangan ka, o kailangan mo ng kausap." Sinseridad kong sabi.

"Hindi ko kailangan ng kausap. Saka wag kayong tawag nang tawag, sabihin mo diyan kay Yvor." Malamig niyang boses.

I just shrugged my shoulders. Hindi naman ako ganun, assuming... Sinasabi ko lang na tumawag siya pag may kailangan. Pero sinabi ko lang yun baka kasi isipin niyang nag-iisa lang siya. But the truth is, I don't want to be disturbed.

He stood up, so I stood up too. I turned the things he was carrying. Grabe, hinakot ba naman lahat. Mukhang wala ng balak umuwi rito.

"Mag-iingat ka dun, mamimiss-" pagtikhim ko nang pabalang niyang hinablot ang maleta niya saka niya ako inirapan.

"Tangina mo. Napaka sagwa mo." Mariing bulong niya.

Pinigilan kong wag humagalpak...

Tsk, tsk, tsk. Kahit kailan talaga mainisin ang isang ito.

I put my both hands in my pocket as he walked away.

I shook my head and grinned. "Yitro! Ipapakamusta nalang kita kay Rebecca!"

"Fuck you!" Pagmumura niya habang naglalakad.

Oh, mahal kong kapatid... Ganyang ba talaga pag' broken?

Well, siguro nga.

I was about to turn around when my phone rang, so I looked to see who was calling.

Si Mom.

"Anak. Ano itong sinabi ni Debbie na aalis ng bansa si Yitro? Bakit wala akong alam? Nanay niyo ako pero nagsasarili kayo ng problema. Bakit hindi niya sinabi sa'kin? Ganyang na ba talaga kayo kapag nakabukod na? Nasan si Yitro? Kakausapin ko, kasama mo ba siya?" Sunod-sunod na pambungad niya.

"Mom. wrong timing kayo, kaaalis lang niya." I said directly.

"Ano?!" Gulat niyang boses kaya napapikit ako ng mariin.

"Mom, relax. Puso niyo. Wag niyo siyang alalahanin. Uuwi din yun agad. Hayaan muna natin siya. Saka matanda na ang anak niyo, hindi na yun sanggol." I stated.

"Pero-" I cut her off.

"No buts, mom."

Wala siyang nagawa kundi ang intindihin ang pagpapaliwanag  ko dahil yun lang naman ang pagpipilian. Ayoko siyang mastress pa kung ano na bang ganap sa buhay naming magkakapatid. Gusto lang namin na si Debbie lang ang tutukan nila. Lalo pa ngayong...

(Bzzzrtt...)

May tumatawag na naman. Tsk.

It's Devina.

"Zac, we need you here now. This is an urgent emergency!"

A few minutes ago before I got to the hospital, I went straight to the E.R.

I was about to enter nang sumalubong si Devina. "Thanks God, you're finally here."

"What is her name?" I inquired.

"Hindi pa matukoy. But she is one week pregnant at malaki ang tendency na makunan siya." She replied.

I stepped into the room.

Tumambad sa'kin ang nakahilata at walang malay na si...

Rebecca.

Dulcinea's POV

Humakbang pa ako ng dalawang beses saka huminto.

Ilang buwan na ba?

Matagal-tagal na rin simula nung pumunta ako rito.

Umupo ako saka ibinaba ang dala kong basket ng prutas. Kinuha ko rin sa bag ko ang dalawang kandila at isang posporo, sinindihan ko ito saka inilagay sa gilid ng dalawang lapida.

Huminga ako ng malalim saka iwinaksi ang mga dahon na nasa gilid nito. Inihaplos ko ang kamay ko sa lapida ni Mama. "Ma, pasensiya na po kung ngayon lang ulit ako nakadalaw." Pinasandahanan ko ang pangalan niyang naka-ukit. "Nagtatampo po ba kayo sa'kin?" Lumunok akong kinakausap siya.

Matampuhin kasi si mama, pero malambing at maalaga ito, kaya sure akong nalulungkot sila dahil ilang buwan ko silang natiis na hindi bisitahin.

"Dibale mama, nagdala po ako ng paborito nating snacks and fruits." Naluluha akong ngumiti. Hindi ko mapigilan ang emosyon ko...

It's been a few years since kinuha sila sa'kin. Sobrang sakit dahil nawala sila sa mismong kaarawan ko... Hindi manlang nila ako nabati ng "happy birthday." Hindi ko manlang sila nakasama sa mismong graduation ko, wala manlang kaming pictures together para idikit sa dingding.  I wasn't even given a chance to say I love them so much.

I was alarmed and wiped the tears that fell from my eyes.

Saka hinarap si Papa. Ngumiti ako. "Papa... Alam niyo po bang bukod sa pagmamahal at pagpapahalaga niyo sakin noong nabubuhay pa po kayo, meron na pong Zac na nagpapatuloy nun ngayon. May boyfriend na po ako, sinunod ko po yung bilin niyong graduate muna bago magpaligaw." Natawa ako ng mahina habang rumaragasa ang pagbugso ng damdamin ko. "Hindi po pala niya ako niligawan, pero kahit po diretso kasintahan na ay mahal na mahal po niya ako. Inaalagaan po niya ako, hindi po niya ako sinasaktan, binibigay po niya sa'kin lahat. Siya po ang nagluluto para sa'min kahit pagod po siya galing trabaho dahil hindi ko pa po maisaulo ang pagluluto hanggang ngayon papa..." Humikbi akong hinaplos ang lapida niya. "A-ang swerte ko po diba? Swerte ko na nga po sa inyo bilang mga magulang, swerte pa po ako sa lalaking mahal na mahal ko ngayon." Hinayaang ko lang ang sarili kong magpalamon ng nararamdaman.

"A-yun lang po Ma, Pa." Paghagulgol ko. I miss them so much... I want to hug them. Sobra akong nangungulila...

"Miss na miss ko na po kayo... Pero okay lang po ako. Nasa ayos na lagay po ako, balak ko nga pong magtake ng board exam nitong susunod na taon at magtrabaho yun po ay kung hindi pa po ako buntis nun dahil hindi naman po nagpapaawat si Zac. Kapag po nangyari yun, siguradong hindi niya ako hahayaang magtrabaho. Kaya ayun po, basta wag po kayong mag-alala sa'kin huh? Mahal na mahal ko po kayo." Suminghot-singhot akong pinunasan ang mga luha ko saka muling ngumiti.

Huminga ako ng malalim at iniayos ang dala ko ring bulaklak para sakanila at nang maka-uwi na, dahil baka maunahan pa ako sa pag-uwi ni Zac. Hindi pa man din ako nakapagpaalam.

Magpapaalam na sana ako sakanila nang...

"Nandito ka rin pala." Boses ng nasa likod kong nagpatigil sa'kin...

@dikaPinili_

Eyes don't Lie (Quadro Series #2)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα