Chapter 64

323 21 3
                                    

Yasir's POV

"Bago mo siya pinatira rito, siguro naman alam mo na ang magiging impact sa mga bata." Devina exclaimed seriously.

She's here again. Nung nakaraang araw, nandito na naman siya, kulang nalang magdala na siya ng mga damit niya rito at dito na tumira.

I bent down and rubbed the back of my neck. Ugh! Fucking cramps again.

"Alam naman nating hindi siya si Nea, Zac, so I don't understand why you have to keep her. Ano nalang ang magiging reaction ng mga anak mo kapag nalaman nilang kumupkop ka ng kamukha ng Mommy nila?" There was a hint of annoyance in her tone.

Iniisip ko kung saan ako pwedeng magrelax ng walang naririnig na kahit ano mang ingay.

"Ano bang plano mo sakanya?" Untag niya. "Zac, are you listening? Kanina pa ako salita nang salita rito." The pitch in her voice increases.

That's why I tiredly raised my face straight to her face.

Kunot na kunot ang kilay niyang may expression ng pagtatanong.

I adjusted my sitting position and blew out some air, then crossed my arms over my chest. "My two damn ears are on you, Devina. Hindi ibig sabihin na hindi ako sumasagot ay hindi na rin ako nakikinig." I impatiently answered.

Rinig ko ang paghinga niya ng malalim at ang pagbagsak ng balikat niya.

Her eyelids dropped. "Baka pwede mong sabihin sa'kin kung ano talagang kailangan mo sakanya?" Her please tone. "Zac, baka nakakalimutan mong ako ang naging katuwang mo sa lahat ng bagay simula pa noon, lalong-lalo na nung nawala ang asawa mo, pero bakit ngayon pakiramdam ko balewala nalang ako para sayo." She added bitterly.

I shook my head slowly. I fucking knew what her point was. Hindi talaga niya maiwasang isingit ang feelings niya, ilang beses ko bang dapat linawin? Nakakaburyo na.

"We've talked about this fucking several times, Devina. You know I've never given you false hope because I know you'll only get hurt. Pero ito na naman tayo... Wala nang katapusan." I looked away and let out some exasperated sighs.

"Bakit hindi nalang kasi ako, Zac? Ako yung nandito para sayo, pero bakit hanggang ngayon wala parin-"

"It's still Nea, Devina." Diretsong pagpuputol ko sa pag-a-alburoto niya.

Her eyes swam with tears. Masakit na katotohanan, but my wife is still what I want and long for.

Her face was wrinkled with sadness. "Ang asawa mo parin?" Mapait siyang tumawa ng mahina. "Talaga, Zac? Kung si Nea parin, bakit nandito ngayon si Thalythia? Huh? Ano yun? Para maibsan ang pangungulila mo dinisplay mo siya rito at isiping siya si Nea-"

Ramdam ko ang pagkawala ng kulay sa buong mukha ko dahil sa sinabi niya.

I violently stood up and hit the table hard with my shaking and clenching palm.

My lips set into a hard line. "Will you fucking shut your fucking mouth!? I don't need fucking words coming from you!" I screamed furiously.

Her mouth twitched in fear.

"So you'd better leave, NOW" I firmly ordered

She slowly stood up and took the bag she was carrying, then looked at me first with tears shimmering in her eyes, and she nodded. "A-alis na ako." Pigil emosyon niyang sabi, pagkatapos ay saka siya diretsong lumabas ng office.

I closed my eyes tightly and clenched my fist. "Shit!"

Sa lahat ng ayoko ay ang pinangungunahan ako kung ano bang dapat at hindi ko dapat gawin.

Thalythia's POV

"Dalawang araw lang naman tayo doon, Zavie, pero mag-iisang maleta na ang mga gamit na gusto mong isama." Pagkumpuni ko ng mga gamit sa maliit na maleta.

Karamihan sa laman ay puro mga laruan lang naman niya.

Dadalo kasi kami sa kasal na kakilala ni Sir Zac. Minabuti ko na kahapon na wag nang sumama dahil nagiging awkward na simula nung naging tagpo namin nung nakaraang araw, pero inaalala ko naman ang mga bata, syempre hindi maiwasang makiparty ang Tatay nila kaya sino ang mag-aasikaso sakanila doon kung sakali man, kaya sasama na rin ako, two days lang naman.

"The things are mine, not yours." Pabalang niyang sagot.

Napailing ako.

Hayst, ang sabi ko nung una kong pagtapak rito na kukunin ko ang loob niya para magustuhan din ako pero habang tumagatal mas lalo pa yatang lumala. Pero ano pa nga ba kundi ang magtiis pa...

I closed her suitcase, then put it on the side, and later I will put it in the car.

Napamaywang akong bumaling sakanya. Her freshly bathed hair is still messy and has not been combed yet because she first dressed the doll she is holding.

Kaya humakbang ako para kunin ang dischargeable blower pagkatapos ay saka ako sumampa ng kama at naupo.

"Patuyuin muna natin ang buhok mo bago natin itali, hmn?" Maalumanay kong sabi.

"I hope Tita Ninang is here so she can do that instead of you." Patay malisya niyang bulong na ikinatigil ko.

Napalunok ako sa kaisipang malayong mas malapit siya kay Devina sa kahit na ano mang anggulo.

Pero ganun talaga...

Huminga ako ng malalim, saka ipinagpatuloy ang pagpapatuyo ng buhok niya.

Pagkatapos ay itinali ko na ito para mas maayos tingnan.

Naayos ko na rin lahat ng dadalhing gamit niya kaya aasikasuhin ko rin si Zavler na kasalukuyang nakasalampak sa ibabaw ng kama habang tinutupi ang mga damit niyang dadalhin.

Hindi na talaga niya ako naantay...

Nakakahaplos lang ng puso dahil kahit hindi maayos ang pagkakatupi ay ginagawa niya talaga ang best niyang sinusubukang maperfect. Nakakadagdag pa ang pagkunot na kilay niya habang ginagawa na akala mo talaga napakaproblemadong gawain.

Gumalaw ulit ako nang sumulyap siya sa'kin kasabay ng alanganing pag-ngiti niya. ""Sorry, teacher, I can't do it properly." Malamlam niyang sambit na nagpalaki ng ngiti ko.

Sumampa rin ako ng kama at tinulungan siya sa pag-aayos. "Malaki na talaga ang Zavler namin-" nahinto ako sa pagsasalita nang may makapa ako sa mga gamit niya.

Sinulyapan ko muna siyang seryosong inuulit-ulit ang pagtutupi bago ko inilabas ang bagay na nasa kamay ko.

Isa itong nagupit na cardboard paper, nakaguhit rito ang imahe ng isang babae, guhit bata lang pero maaninag talagang ginawa para sa isang tao.

"I have never seen mommy, kahit litrato manlang ay wala po kami ni Zavie, teacher. Ang sabi lang ni Daddy nung nagtanong po ako ay napakaganda raw ng mommy namin... Sobra daw po." Banayad niyang bulalas. "That's why I tried to draw, teacher. I know my work isn't good yet, but I can perfect it when I grow up." Mahihimigan ang lungkot na pilit tinatakpan ng pagsigla ng boses niya. "Hindi ko po alam kung anong totoong itsura niya, pero gusto ko lang po siyang laging maalala."

Napatulala akong bumaling sakanya. Namumungay ang mga mata niyang dinaanan ng lungkot pero nginitian niya lang ako na para bang ipinapahiwatig na ayos lang ang lahat.

Tumatagos sa akin ang bawat katagang binitawan niya, napakataba ng puso niya para bigkasin ang mga ito.

Ramdam ko ang labis na pangungulila nila ng isang ina na kailanman hindi nila naramdaman.

Bumibigat ang pakiramdam kong may mapagtanto... Tumutulo na pala ang hindi ko namamalayang luha pababa sa pisngi ko, na agad-agad kong pinunasan.

@dikaPinili_

Eyes don't Lie (Quadro Series #2)Where stories live. Discover now