Chapter 86

313 6 6
                                    

Third person's POV

"Bantayan mong maigi yan." Mahigpit nitong pagmamado kay Jigs na nasa labas lang nang pintuang-silid kung nasaan si Nea.

Tumango naman ito kaagad.

Tiningnan muna siya ni Thalythia ng taimtim, hinanap sa kabuuan nito kung mapagkakatiwalaan pa ba niya ito sa lahat ng oras.

Nang makumbinsi si Thalythia ay agad itong humakbang paalis.

Sa abandonadong bahay nila dinala si Nea, liblib at walang kabahayang nasa paligid.

Ilang buwang nanahimik si Thalythia, nagtago habang pinag-iisipan ang mga susunod niyang hakbang at una nga niyang naisakatuparan ang pagbihag sa kapatid para malaya nitong maisasagawa ang pangalawang plano... iyon ay ang pagpasok sa eksena bilang si Nea.

Malaki ang ngisi nitong prisenteng naglalakad habang binubuo na ng imahinasyon nito kung paano makakamit ang tagumpay na matagal na niyang ipinangako kay Jackson at Mr. Otokawa.

Pumasok siya sa isa pang silid, kung saan ay nasa loob ang ilan pa nitong mga kasamahan kabilang na si Feb.

Pagkapasok ay agad nitong dinukot ang pakete ng sigarilyong nasa bulsa ng kanyang leather jacket bago niya ito hinubad at basta nalang inihagis sa nagkumpulang mga kahoy na mesang nasa gilid.

Napatayo si Feb sa pagkakaupo at agad humakbang papunta sa gilid ni Thalythia. "Ano na? Nasan na ang pinag-usapan nating kabayaran ng serbiyo ko? Kanina pa ako naghihintay rito ah." Mahihimigan ang pagkainip nitong bulalas. "Wag mong sabihing hindi ka tutupad?"

Thalythia tiredly moved her body towards Feb. She gave her an emotionless look for a moment then she again lowered her eyes to the cigarette she was holding and pulled out a stick and brought it to her lips and lit it.

Thalythia dragged her tired body towards Feb. After giving her a brief, dispassionate glance, she once more lowered her gaze to the cigarette in her hand, drew out a stick, put it to her lips, and lit it.

Suminghot siya't bumuntong hininga bago hithitin ang sigarilyong nasa pagitan ng mga labi niya at ibinuga ang makapal na usok diretso sa pagmumukha ni Feb.

Hindi niya inalintana ang bahagyang pag ubo niya't muling bumwelta. "Malaki rin ang naging parte ko, hindi basta-basta ang naging papel ko sa plano para lang maging malinaw sayo." Bumabalot na sa boses nito ang inis. "Alam mong kung hindi dahil sa akin, hindi magiging matagumpay ang pagdala sakanya rito."

Pero nanatili lang ang walang pakealam ni Thalythia sa mga pagpapaalala ni Feb sa naging parte nito sa grupo.

"Kaya bayaran mo ako ngayon din."

Napabuga ng hangin si Thalythia at binitiwan ang sigarilyong hawak sa sahig, pagkatapos ay saka niya ito mariing inapakan.

"Pwede ba? Wag kang atat, hindi ako nakalimot sa kasunduan, pero wag ngayon, may kailangan pa akong mas importenteng hakbang na gagawin." She said as her brows furrowed in annoyance.

Pero imbis na sumang-ayon si Feb ay mas lalong ipinagpilitan ang kagustuhan. "Hindi naman pwede sa akin iyon, ang usapan ay usapan. Sinabi mong pagkarating na pagkarating niya rito, agad mo ring iaabot ang pera." Pagmamaktol niyang nagsisimula nang tumaas ang boses.

Nang titigan lang siya ni Thalythia ng blankong ekspresyon ay agad at pilit na napatawa si Feb sa pakiramdaman ng pagkainsulto dahil sa kawalang isang salita ng kaharap niya.

Kaya naman umayos si Feb ng pagkakatayo't maangas na ngumisi nang may halong pagbabanta. "Baka gusto mong makarating kay Mr. Cavendish na bihag niyo ngayon si Nea." Pananakot nitong tono at humakbang pa ng isang beses papalapit kay Thalythia. "Ano? Hindi mo parin ibibigay?"

Eyes don't Lie (Quadro Series #2)Where stories live. Discover now