Chapter 40

477 13 5
                                    

Dulcinea's POV

7:45 p.m.

Umaambon sa labas, pumapasok ang simoy ng hangin dito sa kwarto dahil nakabukas ang veranda, nandoon kasi si Zac, nagpapahangin.

Tatlong araw na ang nakalipas simula nung gabing sumabog ang nararamdaman ko, kinabukasan nun... Hindi na niya ako ikinukulong, malaya na akong nakakababa pero hindi parin ako pwedeng lumabas ng bahay.

Kinakausap na rin niya ako, pero minsan lang kapag may sasabihin o itatanong. Okay na iyon sa'kin at least hindi na gaya nung nakaraang linggo.

Naisipan kong bumaba ng kama at naglakad papunta sa kung nasan siya.

Nakatalikod siya with a glass of liquor in his hand, nakatingin siya sa kawalan na halatang malalim ang iniisip.

I came to his side. I took a deep breath and rested my elbow on the railings.

Ilang minutong katahimikan.

"Ilang buwan... O taon mo akong pinagplanuhan?" Paos niyang tanong na nagpatigil ng paghinga ko.

Unti-unti ko siyang nilingon, hirap akong kumurap.

I have to answer his question; I don't have to lie, oras na siguro para sa pagpapaliwanag ko. Hindi ko na sasayangin, at baka... Baka kapag nalaman na niya ay maging maayos na kami ng tuluyan.

Ibinuka ko ang bibig ko. "Isang taon."

Ramdam ko ang pagkapit niya sa basong hawak niya.

"Ang totoo niyan... Kilala naman na talaga kita noon pa." Bulong ko.

Flashback...

"Aray!" Napahawak ako sa noo ko dahil sa pagpitik ni Mira.

Sinimangutan ko siya at inirapan.

"Yan, titig pa. Para ka nang tanga diyan kakasilip sakanya." She said it so loudly that I looked around.

"Sus, hayaan mo siya, Mira. Gusto siguro niyang maging ika 99 sa babae ng lalaking yun." Panggagatong ni Tina.

Tss. 99 talaga? Kung kaya ko namang maging number one...

Hayst, binalik ko ulit ang paningin sa lalaking napupusuhan ko, ang gwapo talaga niya... Nakakalaglag matres ang pagtawa niya, shet! Ugh! Lahat ng anggulo, lahat-lahat walang pangit sakanya. Sayang lang at hindi  manlang ako makalapit ng malapitan, ito lang ako nasa malyo, enough to stare at him.

Kailan ka kaya magiging akin. Yasir Zacharias Cavendish?

Kumurba ang ngiti sa'kin.

"Hoi, tama na yan. Anong oras na, Nea may next class pa tayo! Alalahanin mong first year palang tapos babagsak ka na agad, aba, wag ganun sis, baka kurutin ka ng Nanay mo sa singit, kaya halika na." Boses ni Mira saka niya hinila ang braso ko.

Te-ka, hindi pa busog ang mga mata ko e!

"Kung ako sayo? Itigil mo na ang pagpapantasiya sakanya, kitang-kita mo naman kung ilang babae ang pinagpapalit-palit niya oras-oras, saka graduating na yan, sa susunod na taon wala na siya rito, tapos yang feelings mo? Mawawala na rin, sigurado yan." Dagdag ni Tina saka hinila rin ang isa ko pang braso.

Ano daw? Feelings ko mawawala? Hindi no! Never.

Simula nung tumungtong ako ng college, naagaw na talaga niya ang buong atensiyon ko. Hindi ako nag-e-entertain ng iba dahil siya lang talaga ang gusto ko. Mahirap man siyang abutin ay ayos na sakin basta't makita ko lang siya araw-araw.

Eyes don't Lie (Quadro Series #2)Where stories live. Discover now