Chapter 11

724 25 0
                                    

Dulcinea's POV

"Zac." Pag-agaw ko ng atensiyon niya. We're in his office room here at his house. I'm just waiting for him to finish what he's doing before we cook. Siya lang pala... Taga nood at taga kain lang pala ako, kumbaga wala akong ambag!

Inayos niya ang suot na eyeglasses saka dahan-dahang lumingon sa'kin. Saka ko itinapat ang phone sa mukha niya, napangiti ako...

Para siyang napaka inosente sa aura niya ngayon, pero ang totoo niyan may malanding tinatago sa loob-loob.

"Smile, bebi..." malambing at nakangiti kong utos sakanya.

He put down the ballpoint pen he was holding, adjusted his sitting position, and sexyly fixed his hair with his fingers.

Tsk, magpapapogi pa kasi, dati na ngang gwapo...

"Tama na yan, nakakangalay ka namang picturan." Napanguso kong saad, napakagat labi ako ng matamis siyang ngumiti labas ngipin.

Ack! Ang gwapo niya!!!

Tumikhim ako saka pinindot ang camera botton-oh... Nakaflash pala hahaha.

"Ulit, para kang dadalhin sa lamay rito dahil sa sobrang liwanag." Natatawa kong usal saka ulit itinapat ang phone ko.

"Nakakangalay ngumiti bebi, bilis na." Malambing niyang reklamo.

"Hmn, one, three..." Sabay pindot ulit ng botton, napaurong ang baba niya.

"Ang speed naman ng pagbibilang ng bebi na yan, nakalimutan pa yung "two"." Natatawa niyang tono saka hinila ang upuan ko papalapit pa sa kinauupuan niya. "Pagtingin." Ani niya saka sumulyap sa screen.

"Hmn, ang gwapo mo, Zac." Sabi ko saka izinoom ang litrato niya.

"Maliit na things, bebi." Buong boses at may pagmamalaki niyang sabi saka iniakbay ang braso sa'kin at hinalikan niya ako sa gilid ng ulo.

"Tayong dalawa naman." Ani ko saka sinalubong ang labi niyang hahalikan pa sana ulit ako sa gilid ng ulo ko, smack lang iyon dahil lumihis ako kagaad nang papailalimin sana niya ang halik. "Hmn, ikaw ang maghawak, bebi." Sabi ko saka ibinigay sakanya ang phone ko.

Kagat labi niyang kinuha saka inianggulo sa harap namin, pareho kaming ngumiti ng matamis.

We did different poses.
 
"You have IG, bebi?" I asked while editing the background of our shots.
 
"Wala, why?" Tanong niya, nasa ginagawa na nito ulit ang atensiyon.

"I'm going to post our pics on IG, itatag sana kita kung meron." Sagot ko saka pinagmasdan ang mga pictures namin.

"Pass it to me," he said, I turned to him when he handed his phone to me while his attention was still on his laptop.

Kinuha ko naman ito, walang pass code ang phone niya...

"Pwedeng kalikutin?" Mahinhing tanong ko, tumango naman siya kaya napangiti ako.

"Ang alin? Betlog ko?" He asked giggling.

Kita mo ito, kung ano-anong lumalabas sa bibig niya.

"Kung kakalikutin ko yan, hindi ka matatapos diyan, bebi." Pabiro kong ani.

Pinagmasdan ko ang mukha niya, maaliwalas at hindi matanggal-tanggal ang ngiti sa pustura niya. bukod sa full package na ang physical appearance niya ay hindi ka pa malulugi sa ugaling meron siya. Napakagentle niyang tao, yun nga lang buraot sa kama...

Kapag siya ang mapapangasawa ko soon, magpapaanak ako ng dose para hindi siya makapangbabae at sa'min lang matutuuon ang atensiyon niya. Pero, mukhang malabo...

Eyes don't Lie (Quadro Series #2)Where stories live. Discover now