Chapter 46

435 19 12
                                    

Warning!!!
Patnubay at gabay ni Author ang kailangan dahil sa huling parte ng kabanatang ito ay naglalaman ng maselang ganap na hindi naaangkop sa mga bata pa.

Dulcinea's POV

"Hey, wife. Why are you crying? Where's mom?" Nag-aalang tanong ng asawa ko.

Kararating lang kasi niya, pero maaga pa naman kumpara sa oras ng uwi niya dati.

Pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang likod ng mga daliri niya saka niya masuyong hinalikan ang noo ko.

Suminghot-singhot ako. "Kasi... Si Zavie kanina ko pa siya pinapatahan, pinadede ko na siya dahil ang akala ko nagugutom lang, pero iyak parin siya ng iyak..." Iyak kong pagsusumbong.

Para akong bata... Hindi ko mapigilan ang emosyon ko lalo na kung umiiyak si Zavie napapasabay na rin ako sa pagngawa.

Kinuha ni Zac ang kamay ko saka dinala sa labi niya. "Tahan na, baby..." Ngumiti siya. "Kanino ba siya magmamana diba?" Ngiti niyang labas ngipin.

Inirapan ko siya saka hinampas ang dibdib nito. "At talagang nakuha mo pa akong inisin?"

Hinila niya ako para yakapin. Hinalikan niya ang gilid ng ulo ko. "Walang perpektong magulang, wife, kaya ayos lang kung parang pakiramdam mo mahirap, but we can get used to it as long as we're here to support each other. Hmmn?" Humiwalay siya sa yakap saka hinaplos ang pisngi ko. "Okay, wife? I love you, baby..." Malamyos niyang boses.

Lumunok ako at tumango-tango saka huminga ng malalim. "Okay, baby. I love you too." Pagtahan ko.

He's right, naninibago lang siguro ako kaya feeling ko nagkukulang ako bilang isang Nanay.

"Nagugutom ka na ba?" Malambing niyang tanong kaya umiling ako, kaya tumango-tango siya.

Kakakain ko lang kanina dahil nagluto si Mommy Dela ng soup. Simula nung nanganak ako, araw-araw siyang dumadalaw rito para may kaagapay ako sa pag-aalaga, nakakahiya na nga dahil pati ako inaasikaso niya.

I looked at Zac, who was already opposite Zavie's crib; he bent down to caress his daughter's cheek.

As time went on, especially when I gave birth, Zac became more responsible. Gumigising siya ng maaga para magluto, bago pumasok sa hospital, sinisigurado niyang maayos kaming iiwan niya. Sa gabi, napupuyat siya sa pagbabantay at lagi kaming nagigising ng madaling araw pero pinapatulog niya ulit ako dahil siya na ang bahala. Pinagsasabay-sabay niya lahat, wala akong natanggap na kahit konting reklamo mula sakanya kahit nahahalata na ang pagod niya pero tuloy parin...

Napakagat labi ako nang maramdaman ang pag-iinit ulit ng ilot at gilid ng mga mata ko.

Anong nagawa kong mabuti, para biyayaan ako ng ganitong asawa...

Lumunok ako at pinigilan ang pagluha nang lumingon siya sa'kin, kaya ngumiti ako na ginantian niya rin ng matamis na ngiti.

Napalipat ang atensiyon namin nang marinig naming gising na si Zavler.

Humakbang si Zac pakaliwa saka yumuko, kasabay ng pagtayo ulit niya ng tuwid, ay ang pag-ahon niya kay Zavler sa crib. "Gising na ang buddy ko ah... Akuching-kuching..." Saka niya hinalikan ang pisngi ng anak. "Hmnn... Ang bango-bango..." Masuyo niyang tono habang inaayos ang magulong buhok ni Zavler.

Napangiti ako. Dalawang buwan simula nung inakala kong hindi ko sila kayang iluwal ng normal. Si Zavler ang unang lumabas, siya rin ang kamuntikan nang mawala sa'min, buti nalang pinapasok si Zac sa Delivery room nung araw na iyon kaya kasama namin ngayon si Zavler. Siya ang pinakatahimik, bihira lang siyang umiyak at mayamot kumpara kay Zavie na sobrang iyakin at mayayamutin na hindi ko naman ikakailang nagmana sa'kin nung baby pa ako, sabi ni Mama noon na oras-oras daw akong ngumangawang hindi magpatulog.

Eyes don't Lie (Quadro Series #2)Where stories live. Discover now