Chapter 16

583 17 1
                                    

Dulcinea's POV

"Bakit ngayon ka lang babae ka?" Boses ni Tina, nandito sila sa sopa kasama ang boyfriend niya.

Hmn, nagsosolo pala itong dalawang ito ha. Di' sana maya-maya pa akong umuwi.

"Ano yang pinapanood niyo?" Tanong ko sabay silip sa TV.

Para silang mga bata, cartoons ba naman ang pinapanood...

"Gaga, pumunta ka sa kwarto mo nandun si Doc Zac." Untag ni Tina habang sumusubo ng popcorn.

Nandito siya? Tsk. Dalawang araw niya akong tiniis, pagkatapos nang party nung gabing yun idineretso niya ako rito sa condo ko. Tinanong ko kung ano na naman bang problema pero wala siyang isinagot. Tapos kinabukasan, hindi manlang siya nag text o tumawag manlang, as in hindi siya nagparamdam.

"Dumating siyang lasing kanina, hinahanap ka niya sa'min kaya pinapasok na lang namin siya sa kwarto mo para dun ka nalang niya antayin." Dagdag ni Riley.

Tumango naman ako saka naglakad papunta ng kwarto.

Pagkabukas ko ay tumambad sa'kin ang bulto niyang naka dapa sa may kama ko,  nag-alis pa siya ng pang-itaas na damit.

Nakatulog yata kakahintay...

I stepped inside, then slowly closed the door.
 
I went to my mini table, then took off the bag I was carrying, and then I stepped towards the bed.

Sinakop niya ang kama ko dahil sa laki niya...

Umupo ako sa space sa may gilid niya, alam kong tungkol doon sa hindi ko pagsagot nung gabing yun sa mga naging tanong niya, Maybe he thought that I didn't love him.

Ang tanga ko naman kasi...

I took a deep breath and stroked his back. "Zac..." I gently wake him up while raising my hand to his hair.

I called his name a few more times when he finally moved.

Gumalaw ang mga muscles niya sa likod at braso nang dahan-dahan siyang humilata, nagtaas-baba ang adams apple niya ng ilang beses. Nakapikit parin siya, namumula ang labi niyang unti-unting umawang.

Ilang segundo ko pang pinakatitigan ang mukha niya...

When he gradually opened his eyes, he looked straight at me, namumungay iyon at bahagyang namumula na halatang hindi pa nahihimasmasan.

Umungol siya saka bumangon, aalalayan ko na sana siya nang hawakan niya ang magkabilaang kong siko. "Buti naman umuwi ka na. Alam mo ikaw..." A mixture of smiles and frowns prevailed on his face as he moved his head bowed and looked back at my face. "You don't love me, Nea... Haha."Umiling-iling siya saka napapapikit-pikit.

Huminga ako ng malalim, "Mahal kita bebi, hindi lang ako nakasagot dahil-" Hindi ko naituloy nang magsalita siya kaagad.

"Dahil hindi mo naman talaga ako mahal... Dahil kung mahal mo ako, magpapakasal ka sa'kin. Pero hindi, alam mo bang sumama ang loob ko sayo ng isang araw? Pero syempre, namimiss kita saka hindi kita matiis." He exclaims hoarsely as he reaches for my arm and back to get closer to him.

"Sagrado ang kasal Zac, hindi naman pwedeng magpapakasal tayo kaagad, hindi pa nga natin lubos na kilala ang isa't isa." Seryosong ani ko habang nakadantay ang braso ko sa dibdib niya. "Pano kung... Kung, magsisi ka sa huli? Huh? Kaya wag sana tayong magpadalos-dalos" Napalunok akong lumamlam ang tono ng boses ko. "Wag nating madaliin, wala naman tayo sa karera, bebi. Darating din tayo diyan, huh?" Pagpapaintindi ko.

Nagtiim ang bagang niyang naka-usli ang titig sa'kin. "Ano pa bang problema? Bakit ayaw mo pa? Or maybe it's because you think our relationship is just a game? Ang akala mo siguro gindi ako seryoso? I'm fucking serious Nea. So serious." His voice was strong, saka niya ako agarang iniangat para mapakandong paharap sakanya. "Kung mahal mo talaga ako, papakasal ka sa'kin. Magpatali ka sakin, please? I want you to be part of my surname, Nea. Be mine completely, baby." The words he uttered were unfiltered.

Oo, gustong-gusto ko nang matali kami sa isa't isa. Pero, pano kung pagsisihan lang niya na ako ang pinakasalan niya pagdating ng panahon?

I was surprised when he violently inserted his palm inside my skirt, pinigilan ko ang kamay niya dahil nagiging agresibo siya sa pagbibitaw ng mga salita at paggalaw. "Za-ac. Teka, uhhh..." Malalalim at mabilis ang bawat paghinga ko habang pinipigilan ang mahigpit na paglamas ng malaking palad niya sa balat ko.

"O baka naman... May iba pa. May lalaki ka ba Nea? May iba pa ba bukod sa'kin? Meron? Huh? Dulceana?" Hindi magkamayaw ang matigas niyang tono sa pagtatanong, palakas nang palakas na rin ang boses nito.

Napakagat labi ako ng mariin saka agarang umiling, para siyang nakawala sa rehas dahil sa pagbagsik ng mga mata niyang ngayon ko lang nakita, nakakatakot na kahit anong oras ay pupwede siyang sumabog dahil sa pagkaaburido, matinding inis at galit.

Hindi ko alam na ganito siya kapag nasa loob niya ang alak...

"Za-ac... A-no ba, tinatakot mo ako." Ilang beses akong lumunok, nanlalamig na rin ang palad kong iginalaw ng dahan-dahan papunta sa pisngi niya.

Unti-unting nagbago ang aura niya nang matapos kong makapagbitaw ng salita, napakurap-kurap siya saka dahan-dahang inilabas ang kamay sa loob ng skirt ko.

"I'm... I'm sorry." Mahinang paghingi niya ng tawad, binitiwan ko ang kanina ko pa pinipigilang paghinga. Napapikit ako ng mariin saka agad na yumakap sakanya. "I'm really sorry, bebi. Kung ano-anong pumapasok sa utak ko, hindi ko lang mapigilan. Sorry kung natakot ka... Huh?" Malambing niyang boses saka yumakap pabalik at hinalikan ang leeg ko. "Mahal na mahal lang kita at ayoko nang maagaw ka sa'kin kaya ako nagkakaganito, mahal na mahal lang kita, Nea." Dagdag niyang bulong.

Nagmistulang parang bula ang mga nararamdaman ko kanina.

Humiwalay ako saka ngumiti, hinaplos ko ang pisngi niya. "Mahal na mahal din kita, Zac. Sayo lang ako, sayo lahat-lahat..." Pagpapanag ko ng loob niya.

Tumango siya, napapikit siya ng mariin saka hinawakan ang kamay kong nasa pisngi niya at hinalikan ng mariin.

Ilang beses pa siyang humingi ng tawad sa'kin, naiintindihan ko naman dahil dala lang siguro ng init ng ulo niya at pagtatampo kaya nakakapagpakita siya ng ganung klaseng emosyon.

@dikaPinili_

Eyes don't Lie (Quadro Series #2)Where stories live. Discover now