Chapter 82

658 35 11
                                    

Dulcinea's POV

Tumagilid ako't iginalaw ang mga kamay para kapain si Zac sa gilid ko, nang mapagtanto kong wala siya rito sa higaan. Kaya naman nagmulat ako ng mga mata't kumurap-kurap.

Unti-unti akong bumangon, saka ko kinusot ang mga mata ko't binalingan ang orasan.

11:34 p.m.

Ang akala ko umaga na...

Huminga ako ng malalim. Umuwi rin kasi kami kaninang hapon, biglaan. Tinatanong ko si Zac kung bakit uuwi kami agad dahil 2 days pa sana kami sa Batangas pero ang sabi lang niya, may kailangan pa siyang tapusin.

Kaya ito, pagkarating namin kanina't matapos kumain at mapatulog ang mga bata, humilata kaagad ako dahil na rin siguro sa pagod sa biyahe.

I fixed my hair and then got out of bed.

Bumaba ba siya?

Bumaling ako sa pintuan ng veranda dahil nakabukas ito, kaya pala mas lalong sinasakop ng lamig ang buong kwarto.

Gabi na ah, hindi pa ba siya inaantok?

Inihakbang ko ang mga paa ko papunta doon.

Hinawi ko ang puting kurtina't napagtanto ko ngang nandito siya.

Nakaharap ang likod niya rito sa bungad habang nakatukod ang mga siko sa railings.

Mukhang malalim ang iniisip niya...

Humakbang pa ako papalapit hanggang sa marating ko ang likod niya't malambing kong inihaplos ang mga kamay ko sa baywang niya payakap sa tiyan nito.

Dahilan kung bakit itingilid niya ang mukha pasilip sa aking nasa likuran niya.

Gumalaw siya at hinaplos ang mga kamay ko. Rinig ko pa siyang huminga ng malalim. "Wife, bakit bumangon ka pa?" Namamalat niyang pagtatanong.

Bumitaw naman ako sa pagyakap sakanya at nagtungo ako sa gilid niya, pagkatapos ay itinaas ko ang tingin rito.

Sumalubong ang ngiti niya't inihaplos nito ang likod ng mga daliri sa pisngi ko.

Pinakatitigan ko ang mga mata niya, alam kong may bumabagabag sa asawa ko.

"May problema ba?" Magaan kong tanong sakanya.

"Walang problema, baby." Nginitian muli niya ako, saka ulit ibinaling sa harapang direksiyon ang mukha niya.

Nanatili lang akong pinag-aaralan ang bawat expresyon nito.

"Naiisip ko lang ang kapatid ko." Pagkurba ng ngisi niya, pero kitang-kita roon ang lungkot.

Kaya bumuntong hininga ako't bumaling rin sa harapang direksiyon. "Si Yrjo ba?" Balanse ang tono kong pagtatanong muli, saka ko ulit siya sinulyapan.

Tumango siya. "Five years ko siyang sinumpa, kinalimutan bilang kapatid at itinuring siyang kalaban." Lumunok siya ng marahas para mapagtakpan ang nararamdaman. "I almost killed him with my own bare hands." Pagbulong nito sa huling sinabi.

Nang dahil sa'kin, nasira silang magkapatid na hindi naman dapat.

"Zac, alam kong hindi ko na dapat inuungkat ang naging dahilan, pero kasi, gusto kong malinawan ang lahat; gusto kong maging maayos na lahat sa pagitan natin..." Pagbubukas ko ng usapan. "At sa pagitan niyong magkapatid. Nagalit ka sa kapatid mo nang dahil sa'kin, pero kung tutuusin, malaki ang naging sakripisyo ni Yrjo sating dalawa."

Kita ko ang pagdiretso ng mga mata niyang saglit na natigilan nang dahil sa sinabi ko.

I am going to have to try to explain myself this time.

Eyes don't Lie (Quadro Series #2)Where stories live. Discover now