Chapter 91

265 14 2
                                    

Third Person POV

Sa kalaliman ng gabi, nagpapapalit-palit ang paghupa at ang pagdagundong muli ng pagputok ng mga baril sa paligid.

Maingat ang bawat galaw ni Nea habang buhat si Zavler. Nasa paligid parin sila ng factory at hindi pa nakakalayo ng tuluyan dahil nagkalat sa buong lugar ang mga nagbabarilang hindi matukoy kung sino ang mga kalaban o kakampi.

"Mommy..." Bulong ni Zavler habang nakayakap ang mga braso sa leeg ni Nea.

Humigpit ang pagkakayakap sa anak habang matalas na binibigyan ng pansin ang paligid kung may tao bang paparating.

"Shh... Don't be scare, baby; mommy's here." Bulong niya't hinaplos ang likod ng ulo ng anak. "I will protect you no matter what happens."

Tumango si Zavler ng taimtim.

Nasa likod sila ng sirang sasakyan, pansamantalang nagtatago habang kumukuha ng tiyempo para lumipat muli.

Ilang segundo pa nang muling namayani ang nakakabinging katahimikan.

Nea moved slowly to take a peek at where they were now; no bulk of people could be seen approaching or anything.

Isinunod niyang itiningala ang paningin sa mga gusaling nasa paligid; wala bakas ng taong nakamasid o nakapwesto.

Kaya naman tumayo na siya ng tuluyan at maingat na iniapak ang mga paa sa maruming sahig.

Habang walang ingay na ipinagpatuloy ang paghakbang ay siya paring paglinga-linga niya sa magkabilaang gilid, sa harapan ng tinutungo at paminsan-minsang lumilingon sa likuran.

"I can walk now, Mommy; you can put me dow-"

Hinaplos lang ni Nea ang likod nito. "I can carry you until we leave this place, baby, so don't worry about me, okay?" Bulalas niya sa mahinang boses.

Ilang saglit pa nang makarating sila sa pwesto kung saan nakapaligid ang naglalakihang tangke.

When Nea's feet suddenly stopped, she immediately swallowed. Feel the heavy footsteps of the person coming.

Katahimikan...

Nang dahan-dahang umatras ang mga paa niyang papahigpit ang pagkakayapos sa anak habang nakatuon ang atensiyon sa kaharap na bahagi.

Segundo ang lupas nang...

"Nea..."

Agad na gumalaw si Zavler. "Is that Daddy, Mommy?" Pabulong na pagtatanong nito sa tapat ng tainga ni Nea.

Hindi siya kaagad sumagot sa anak dahil hinihintay pa nitong muling magsalita ang may-ari ng tinig para makasigurado.

"Nea..." Pag-uulit ng boses na iyon sa mas mabagal at mapaglarong ritmo.

Na nagpaalarma kay Nea, nang mapagtantong hindi iyon boses ng kanyang asawa kundi nanggagaling ang tinig mula kay...

Teo.

Before the man's bulk was revealed, she moved swiftly, took a stealthy step to the left, and crouched against the edge of the big tank.

INT. Factory Hall

A loud bang.

Umusok ang dulo ng baril na hawak ni Yasir matapos niyang paputukan sa ulo ang nakatalikod na lalaki, dahilan kung bakit tumalsik ang ilang dugo sa mukha niya.

Then he moved again, about to leave the dark factory hall to look for his wife and son, nang mahinto siya sa kinatatayuan dahil sa liwanag na nagmumula sa stage.

Eyes don't Lie (Quadro Series #2)Where stories live. Discover now