Chapter 13

628 20 0
                                    

Dulcinea's POV

"Mine!"
"Hala, ang swerte mo gurl!"
"Ang gwapo!"
"Sabaok!"
"Walang poreber, ipagpapalit ka rin niyan."
"Pahiram!"
"Rentahan ko bhie! Mga 1M."
"Ngina! Sana all nalang."
"Si Doc Zac ba yan!?"
"Si Fafa Zacccc."
"Nakabingwit ng ulalam!"
"May-ari and doctor siya ng Astra Hospital diba?"
"Pakaldag Papi!"

I frowned as I scrolled through the comments.

Tsk! Anong pahiram? Mine? Ngina ng mga ito, akin lang ang bebi ko!

Hindi ko naman alam na aabot sa libo-libo ang reacts and comments. Sana pala hindi ko nalang ipinost, nawalan tuloy ako ng mood!

Sa susunod hindi ko na siya isasama sa mga post ko, ang daming umaangkin! Kaloka!

I took a deep breath, then cautiously dropped the phone on top of the bed, then stood up.

I'm always here at his house whenever he's not busy, and even when he's busy. Kumbaga, wala akong pinipiling oras.

Nandito ako sa kwarto niya ngayon, nasa ibaba naman siya may kausap sa phone. Importante yata...

Humakbang ako papalapit sa closet niya, karamihan sa mga damit niya ay hindi de color, nasa ayos ang mga damit niya at iba pang gamit niya rito.

Nagtungo ang mga mata ko sa malaking salamin. My chin fell back when I noticed something strange in the mirror. I came closer.
 
I realized...
 
This is a hidden mirror door! Pag' hindi ka talaga palapansin sa mga bagay-bagay, hindi mo aakalaing may secret door dito.

Napalunok ako at sumulyap muna sa may pintuan.

Hindi ka naman pakealamera, Nea... Hmnn, talagang curious lang ako. Curious lang talaga.

Wala naman sigurong masama?

Napakagat labi ako't unti-unting binubuksan ito, nakalimutan yata niyang ilock...

Huminga ako ng malalim.

Ano kaya ang nasa loob nito? Humakbang ako dahan-dahan papasok.

Madilim...

"Ahh!" Impit kong paghiyaw, napatakip ako ng bibig saka ako napapikit ng mariin.

Ang tanga Nea! Basta-basta ka nalang humahakbang!

Ikinapa ko ang kamay ko sa pader, hinahanap kung nasan  ang switch.

Ayown!

Binuksan ko ang ilaw.

Pinakatitigan ko ang hagdan pababa.

Kung nagpadalos-dalos ako, siguradong didiretso ako pababa nang hindi umaapak sa bawat palapag ng hagdan.

Sinimulan ko nang humakbang pababa. May kalakihan ang secret room niya...

Ano kayang meron dito? Pagkababa ay luminga-linga ako sa kabuuan ng kwarto.

Wala namang masyadong gamit...

Bumaling ako saibang direksiyon.

Humakbang ako papunta roon.

Napakurap-kurap akong pinasandahanan ng tingin ang mga nasa malaking stante.

"Nea." Malalim at malambing na boses ni Zac mula sa likod ko.

Napaharap ako sakanya, tinitingnan niya ako, hinihintay siguro niya ang sasabihin ko kung bakit ako nandito...

Ano bang sasabihin ko? Sasabihin ko bang "sorry ang pakealamera ko?"

Napakagat labi ako, humahagilap ng pwede kong sabihin.

"So-orry, ahmn-" utal kong paghingi ng paumanhin dahil sa kapangahasan kong pumasok dito ng wala siyang permiso.

Eyes don't Lie (Quadro Series #2)Where stories live. Discover now