Chapter 68

283 14 2
                                    

Thalythia's POV

"Zavie, wala na rito iyong nagtitinda oh, iba nalang... Sa store nalang tayo bumili." Pagpapaintindi kong ani.

May kausap sa phone ang daddy niya kaninang nakita ni niya ang nagtitinda ng ice cream at dahil sa kagustuhan niyang bumili kami ay wala siyang pasabi na tumakbo para habulin ito, kaya hinabol ko rin siya dahil maraming mga sasakyan ang umaarangkada sa highway.

Hindi na kami nakapagpaalam kay Sir kaya siguradong manenermon na naman iyon mamaya.

"Nakita ko pa kanina rito..." Pagpadyapadyak niya.

Huminga ako ng malalim at luminga-linga sapaligid.

Nasan na ba kasi iyon? Bigla nalang kasing nagkumpunan ang mga sasakyan kanina kaya nawala sa paningin namin.

Tumawid na rin kami rito sa kabilang kalsada pero Hindi na talaga namin mahagilap.

Yumuko ako at iniharap siya sa'kin. "Marami namang ice cream sa store, baby, sabihin nalang natin sa daddy mo-"

Kumibot ang mukha niya dahil sa aburido. "Ayoko! Gusto ko non!" Pagpipilit niyang napasabunot pa sa kanyang buhok na agad kong pinigilan.

"Okay, okay, halika, tingnan natin sa kabila." Maalumanay kong sabi, saka hinawakan ang kamay niya.

Hayst! Itong batang ito talaga...

We crossed the other side of the road again.

Inilinga ko ulit ang paningin ko, pero wala na talaga.

Hinarap kong muli siya, saka ko siya pinantayan. Naiiyak ito sa inis dahil hindi niya nakuha ang gusto niyang ice cream.

Hinaplos ko ang pisngi niya, saka ko siya nginitian. "Ganito, bibili tayo mamaya ng ingredients at ako na mismo ang gagawa ng ice cream para sayo, kung hindi mo natatanong, marunong akong gumawa at gagawin kong mas masarap kaysa sa gusto mong ice cream, okay ba yun?" Malambing kong sabi.

Unti-unting lumiwanag ang mukha niya at suminghot, pagkatapos ay tumango siyang ikinalaki ng ngiti ko.

I fixed her hair, then I stood up. "So, halika na? Baka nagagalit na ang daddy mo." Usal ko, saka ko ulit hinawakan ang kamay niya.

We are now walking back to where Sir Zac's car is.

Tatawid pa kami sa kabilang kalsada nang biglang may mahagilap ang paningin ko.

Wala sa sarili akong napalunok. Humigpit rin ang pagkakahawak ko nang kamay ni Zavie.

Nahigit ko yata ang hininga ko...

Napakurap-kurap akong iniiwas ang tingin, umakto akong normal at hindi nagpahalata.

Diretso lang sa direksiyon ng katawan ko't hindi ulit lumingon sa parteng iyon, para akong natutuod.

Nanlaki ang paningin ko nang hindi ko namalayang pagbitaw ni Zavie sa kamay ko at bigla itong tumakbo patawid!

Nahinto ang hininga ko nang makita't marinig ang busina ng sasakyan paparating.

"Zavie!" Dumagundong ang malakas kong pagtawag sakanya.

Huminto siya at unti-unting lumingon sa akin.

Sunod-sunod na pagbusina...

Palakas nang palakas.

Walang alinlangan kong ikinaripas ang nangangatal kong mga paa.

Zavie.

Nagising lang ang kamalayan ko nang mahila ko ang dalawang braso niya para pagpalitin ang pwesto namin kasunod ng pagtulak ko sakanya...

Eyes don't Lie (Quadro Series #2)Where stories live. Discover now