Chapter 76

535 24 13
                                    

Dulcinea's POV

"Ang tagal ni Daddy." Mainiping bulalas ni Zavie.

Nauna na kaming bumaba't lumabas kanina. Gaya ng hiling ng mga bata, manonood kami ng Cine ngayon. Gusto ko nalang magpaiwan kanina dahil baka may makamata pa sa'kin pag sasama pa ako, pero ayaw naman ng mga batang maiwan ako kaya eto, sasama na rin...

Hinaplos ko ang buhok niya. Tumingin ako kay Zavler. Kakapagupit lang niya ng buhok na si Zac na mismo ang gumawa.

Napangiti ako. Gwapong-gwapo kasi ito sa suot niyang brown cargo pants, white shirt na pinatungan ng brown sweatshirt tapos beige leather sneakers para sa kanyang paa.

"Uh, I just noticed; we're wearing the same color." Untag ni Zavie, kaya pinasandahanan ko rin ang suot niya.

Oo nga, ngayon ko lang din napansin.

I wore a maroon midi-slit dress, which I paired with heeled mules, and then I just tied my hair. While she is wearing a maroon puff-sleeve dress paired with white plain shoes,
 
"Wow, daddy, we're wearing the same outfit color." Manghang boses ni Zavler.

Kaya napatingin ako kay Zac habang naglalakad papalapit.

Napatikhim ako ng mahina dahil biglang nagbara ang lalamunan ko.

He wore brown cargo shorts, a white plain polo, and white sneakers. Kaya lumabas ang mamuscles niyang braso't bumakat ang hugis ng matigas niyang dibdib.
 
I glanced up at his face. He also wore Bulgari sunglasses, while his hair was neatly combed backwards.

"Stop criticizing..." Namamalat na bulong niyang nasa harapan ko na pala.

Kaya napakurap-kurap akong umiwas ang tingin.

"We look like a family now." Galak na boses ni Zavler.

Kaya bumaling ako sakanya at ngumiti.

"Wala na ba kayong nakalimutan?" Pagtatanong na boses ni Zac sa amin kaya sabay kaming tatlong umiling.

Kaya nagpunta na kami ng garahe. Binuksan ni Zac ang pintuan ng backseat, ako nama'y inalalayang makapasok si Zavie pagkatapos ay si Zavler.

Idinungaw ko pa ang kalahati ng katawan ko sa loob ng backseat, saka ko inayos ang pagkakaupo nilang pagkapatid. Nginitian ko sila pagkatapos ay saka ko iniurong ang katawan ko para maisara ni Zac ang pintuan.

Gumalaw ako't bubuksan na sana ang pintuan ng front seat, nang maramdaman kong pumulupot ang braso niya sa tiyan ko dahilan kung bakit mapaharap ako sakanya.

Hindi nakaligtas sa akin ang agarang paglunok niyang hindi ko maaninag kung saan nakatingin ang mga mata niya. "You're showing too much skin." Malalim nitong tono, saka gumalaw ang kaliwang kamay niya papunta sa balikat ko't humaplos papunta sa likod ko, saka nito hinila ang tali ng buhok ko dahilan kung bakit ito lumugay.

Hindi pa siya nakuntento at kumuha pa ito ng kapirasong buhok at ipinwesto sa harapan.

Kita kong nag-igting ang bagang niyang agad na kinuwit ang pagitan ng dress kong nakatakip sa dibdib ko't itinaas pa. "I really don't want them exposed to the public; they should only be reserved for my eyes." Mapang-akin niyang boses.

Napamaang akong hindi naka-imik.

He let out a deep breath and came even closer, kaya napaatras ako nang wala sa oras.

Ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya? Nawala ba sa isip niyang nasa loob lang ng sasakyan ang mga bata-

"I can't open the door for you if you keep blocking it." Simpleng sambit nito.

Eyes don't Lie (Quadro Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon