Chapter 58

335 17 6
                                    

Third Person POV

"Zac, tumayo ka na, lasing na lasing ka na oh." Problemadong boses ni Devina habang pilit hinihila ang kamay ni Yasir na naka yuko habang may hawak na bote ng alak.

Magulo ang buhok nito at gusot-gusot ang suot na maroon long sleeve.

"Hmn..." Pag-ungol niya, saka dahan-dahang nagtaas ng tingin. Napikit-pikit ang mga mata niyang ngumiti kay Devina. "Alam-hik-mo ikaw? You always worry about me, huh." Pag-ngiti niya.

Napatigil si Devina sa paghila Kay Zac, malungkot itong nakatingin. "Mahal kita e." Mahina niyang sambit.

"Kaibigan talaga kita-hik-cough!" Dagdag ni Yasir na nagpalaglag ng balikat ni Devina, saka pumikit ng mariin at huminga ng malalalim para pigilan ang nagbabadyang luha nito.

Ngumiti ng tipid si Devina at yumuko konti para maalalayan si Zac. "Dahan-dahan." Bulalas nito.

Nang makarating sila sa loob ng bahay ay pahirapang ini-akyat ni Devina si Zac sa hagdan.

"Wai-it, where are we? This is not my fucking house." Pasuray-suray at pabaling boses ni Zac at inihinto ang mga paa sa paghakbang.

Napaigik si Devina. "Zac ano ka ba nandito tayo sa bahay mo, so put your feet up." Pagkibot ng boses nito.

Humagikgik ng mahina si Yasir. "Kung ito yung bahay ko-hik." Paghinto niya habang papahina ang pagtawa nito. "Bakit walang Neang sumalubong sa'kin?" Pabulong nitong sambit, saka huminga ng malalim.

Napalunok si Devina at hindi nakasagot. Binalingan niya ang mukha ni Zac.

Wala nang umimik sa kanila hanggang marating nila ang kwarto nito.

Dahan-dahan siyang inihiga ni Devina sa kama, pagkatapos ay nagtungo ito sa paanan ni Zac at tinanggal ang suot na sapatos nito.

Then she stepped to the edge of the bed and sat down.

Tinitigan niya si Zac ng ilang segundo.

"Ugh..." Paggalaw ni Zac at napalunok habang nakapikit.

Iginalaw ni Devina ang kaliwang kamay at humaplos sa pisngi ni Zac. Masuyo niya itong pinasandahanan ng tingin at napangiti ng mapait. Pagkatapos ay kusa nitong iginalaw ang sarili at iyinuko ang mukha at walang pasabi niyang hinalikan ang labi ni Zac.

Maya-maya pa ay gumalaw ang labi ni Devina para mas lalong magdikit ang labi nila. Her hand went to Zac's long sleeve and undid the fourth button.

"Zac, ako nalang, please..." Bulong nito sa pagitan ng paghalik niya.

"Nea." Boses ni Zac na nagpamaang kay Devina.

Unti-unti nitong inilayo ang mukha at dahan-dahang ini-alis ang kamay sa ibabaw ng damit ni Zac.

She blinked with tears in her eyes.

No matter what she does, she cannot replace Nea in Zac's heart. Limang taon na ang nakalipas at nanatiling buhay sa pagkatao nito ang pinakamamahal.

Lumuluhang ngumiti ng tipid si Devina. Bakas sa kanya ang hindi kawalan ng pag-asa. Pag-asang balang araw ay matututunan rin siyang mahalin ni Zac. "Alam kong darating din iyong araw na mamahalin mo rin ako, gaya ng pagmamahal ko sayo.  
I assure you that when that happens, I will never hurt you." Buong boses nito at muling hinaplos ang pisngi ni Zac, saka tumayo at naglakad palabas ng kwarto.

Ilang segundo pa bago makalabas si Devina.

Nagmulat si Zac at kumurap, saka bumaling sa pintuan. "Did she fucking-hik-kiss me?" Paos niyang tanong sa sarili at napapikit ng mariin, saka tumagilid at inabot ang isang unan, saka nito isinubsob ang mukha at mariing pinunasan ang labi gamit ang tela ng unan. "My Nea must be mad right now. I'm sure she will say, 'How dare her to kiss what's mine?'" Pagngisi nito at mahinang humalakhak habang bumabalik sa isip niya kung gaano kaselosa ang asawa. "Oh, baby, I ask for forgiveness-hik-again. Alam mo namang hindi ko gustong may ibang humahalik sa'kin, right? So, forgive me, wife. I love you so much..." Malambing nitong tono na ani mo'y kinakausap talaga ang asawa.

Eyes don't Lie (Quadro Series #2)Where stories live. Discover now