Chapter 53

357 13 1
                                    

Third Person POV

"Mahirap ba ang ipinapagawa ko?! Iisang tao lang ang ipinapahanap ko, hindi niyo pa makita! Mga bobo!" Galit na hiyaw ni Yasir, saka malakas na hinampas ang table niya.

Napalunok si Silver, at hindi kaagad nakapagsalita.

Apat na araw na simula nung ipinahanap ni Yasir ang asawa. Apat na araw na ring mainit ang ulo niya at laging nagagalit.

"Boss, gumagalaw na ang mga tauhan natin sa iba't ibang karatig na lugar, simula pa nung pinatawag mo ako. Patuloy parin kami sa pag-i-imbistiga. Tahimik kaming gumagalaw ayon sa sinabi mo. Hindi kami pwedeng magpadalosdalos dahil baka may makatunog, pero ginagawa namin ang lahat-" Hindi niya naituloy nang mabilis na lumapit si Yasir rito at basta nalang kinwelyuhan.

Lukot na lukot ang pustura ni Yasir, halata ang matinding galit at halo-halong emosyon sakanya. "Sa susunod na ipapatawag kita at wala paring balita sa asawa ko..." His voice was firm, while his burning eyes were red. Pahigpit nang pahigpit ang pagkakakwelyo nito kay Silver na napatahimik dahil sa ngayon lang niya nakita ang ganitong emosyon ni Yasir na dati ay laging maalumay.

"Pupugutan kita ng ulo. Naiintindihan mo? Kaya umayos kayo ng ibabalita sa'kin dahil kahit na anong oras pwede ko kayong isa-isahin." His voice cooled down, and he let go of Silver's collar as a warning.

"Yes boss." Mahina niyang sagot habang napapalunok at iniayos ang nagulong kwelyo niya.

"What are you fucking waiting for?" Yasir exclaimed without emotion.

Tumango si Silver at dali-daling lumabas ng pintuan.

Yasir stepped back in front of his table, closed his eyes tightly, and grabbed the edge of the table. Without saying a word, he flipped it over, causing it to make a loud noise.

Nagdikit ng mariin ang ngipin at labi niya habang inaabot ang batok saka napahilot ng mariin dito. "Mga walang kwenta!" His voice echoed throughout the office room.

Napahilamos siya sa sariling mukha at pwersang napasabunot sa buhok habang nag-uugat ang kamao, leeg at sintido nito.

Mabibigat ang paghinga niyang napalunok nang kumikirot na naman ng sakit ang ulo niya. Kaya nagkuyom ito ng kamao.

Maya-maya pa ay bumukas ang pintuan, mabibigat na lagapak ang bumungad papasok.

"Ganyan ka mabaliw sa iisang babae? Masisiraan ng bait ng dahil sa nawawalang asawa?" Magkahalong mapang-uyam at seryosong boses ni Yrjo. "O sa asawang nagtatago at ayaw magpahanap?" Ngising tanong nito.

Nag-angat ng tingin si Yasir at matiim na tiningnan ang kapatid. Humakbang siya paabante at huminto nang makaharap si Yrjo. "Baka nakakalimutan mong mas baliw ka sa'kin." Mabagsik niyang pagngisi pabalik.

Humakbang ng isang beses si Yrjo. "Pero hindi ako desperado kagaya mo." Bulalas niyang nagpapawi ng ngisi ni Yasir at mabilis na kinwelyuhan si Yrjo.

Bagot na hinawakan ni Yrjo ang pagkakahawak ni Yasir sakanya at mariing tinanggal ito. "Tatanga-tanga ka. Hinahayaan mong babae ang sisira sayo. I told you before, didn't I? But you didn't listen." Ani niya nang matanggal niya ng tuluyan ang pagkakahawak ni Yasir sakanya. "Mahina ka." Pagdidiin nito.

Hindi na maipinta ang pagkakalukot ng mukha ni Yasir, naluluha ang namumula niyang mga mata dahil sa gigil na kagustong pagsusuntukin ang kapatid dahil sa pangmamata nito sakanya.

Humakbang si Yrjo papunta sa gilid ni Yasir, saka itinayo ang natumbang mesa. "Hahayaan mo bang masiraan ka ng ulo ng tuluyan? Why don't you use your fucking ass at ikaw mismo ang gumalaw." Saad niya, saka itinabingi ang mukha.

Eyes don't Lie (Quadro Series #2)Where stories live. Discover now