Chapter 15

635 21 1
                                    

Dulcinea's POV

"Bat' ka nakasimangot?" Malambing kong pagtatanong sakanya.

Nasa biyahe na kami ngayon papuntang party, kanina pa siya walang imik. Ano na naman kayang problema niya?

He even tied my hair to expose the heckey on my neck.

So? Problema na naman ng ferson na ito?

"Wala." Tipid niyang sagot pero nasa daan parin ang tingin, ilang buntong hininga rin ang kanina pa niya pinapakawalan, o talagang pinahalata lang niyang may problema talaga?

"Meron e, sabihin mo na, bebi..." Paglalambing ko saka idinantay ang palad sa braso niya.

Hindi siya sumagot ng ilang segundo.

"Hindi mo ako pinagbigyan." A mixture of sullenness and annoyance prevailed in his tone.

Nakapagat labi akong napanguso.

Yown naman pala... Hay naku.

Umayaw kasi ako kanina nung sinabi niya "paisa muna." Syempre malalate na kami tapos masisira din ang make up ko kapag sasabak pa kami sa digmaan, kaya sinabi kong pag-uwi nalang namin.

"Mamayang pag-uwi natin, makapaghintay naman yan-" Maalumanay kong sabi na agad niyang pinutol.

"Ako, hindi ako nakakapaghintay, Nea." Malalim na boses niyang saad.

I brought my body even closer and leaned my chin on his shoulder. "Sorry na... Pag-uwi natin promise. Sa condo ko o sa bahay mo?" Ngising bulong ko saka iginalaw ang kamay ko papunta sa tiyan niyang matigas, hinaplos ko ito ng marahan.

Sumulyap siya sa'kin saka unti-unting kumurba ang ngiti sa labi. "Of course in my place. You can't scream in your condo, remember?" Maloko niyang usal.

Ang dali lang niyang suyuin, hindi na magkakahirapan pa.

Nakarating kami ng De Luxury Hotel. Pinagbuksan niya ako ng pintuan.

Sinipat muna niya ang kabuuan ko, hindi nakaligtas sa'kin ang bahagyang pagproblema ng mukha niya. Okay naman kasi ang suot ko... Hindi naman masyadong showy.

Hinawakan niya ang waist ko saka kami naglakad papasok.

I looked up at him. He was looking dashing in a tailored men's dress shirt that added elegance. He left the first three buttons undone, revealing just a hint of his beautifully sculpted chest.
 
After we entered, it was inevitable that Zac would grab many people's attention. Especially the women.

Tss. Kahit tunawin pa ninyo siya sa kakatitig, nothing will change the fact that this man is mine.

"Hala bakla ka! Buti nakarating ka?" Tili ng bride na si Angel, saka bumaling kay Zac. Napairap ako nang lumamlam ang aura niya. "Naku, ang pogi naman ng kasama mo, Nea." Magiliw niyang bulalas saka nagpacute pa.

Tingnan mo to, buntis na nga lahat-lahat, lumalandi parin.

"Wag mong titigan malandi ka, may Gerald ka na nagpapacute ka pa sa boyfriend ko." May pagkaseryosong sita ko.

Hindi niya ako pinansin, parang napapaso ang pwet niya habang nakatitig kay Zac! "Hi, Angel nga pala. And you are?" Pagpapakilala niya sa sarili saka naglakad ng kamay.

Nasan na ba ang groom at para magtigil na ito.

"Yasir." Boses ni Zac na nasa gilid ko saka kinuha ang kamay ni Angel, pinakatitigan ko ang kamay nila.

Nandidilim ang paningin ko! Mukang makakasakal ako ng buntis ng wala sa oras.

Ayaw niyang bitiwan ang kamay ng boyfriend ko ha...

Eyes don't Lie (Quadro Series #2)Where stories live. Discover now