Chapter 70

401 22 4
                                    

Thalythia's POV

Nakatulala kong Ikinukumpuni ang mga gamit ko sa maletang dala ko noong unang tumuntong ako rito.

Ngayong gabi, aalis akong matiwasay...

Dadalhin ko ang mga ala-ala kahit sa saglit lang na pamamalagi ko rito.

Ang hirap isiping sa paglayo kong ito ngayon ay hindi ko na sila pwedeng makasama o lapitan manlang, mananatiling tatanawin ko lang sila sa malayo, at magiging sapat na iyon para sa'kin.

Napalunok ako't huminga ng malalim, napatigil ako saglit at saka ikinalma ang sarili kong emosyon.

Bakit naging ganito kahirap?

Hindi ko akalaing hiram ko lang ang pagkakataon sa bawat araw na nakasama ko sila. At ito ako ngayon, magpakalayo-layo na...

Ilang sakripisyo na ba ang kailangan dumaan? Ilang pagtitiis pa ba?

Isang banayad na pagbuga ko ng hangin habang nakatunghay ang ulo ko't napapikit.

Wag kang iiyak...

"Ha! Kaya ko to..." Pagkasabi ko ay siya namang pagkibot ng emosyon kong namuong mainit na luha pababa sa pisngi ko.

Hindi ko na nga napigilan at hinayaan na ang sariling umiyak ng tahimik.

Iiyak ulit, tapos pipiliting maging maayos ulit.

Napahikbi akong isinara ang maleta.

Kailangan... Dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nadamay sila.

Nandito na sila... Ulit. At kapag nalaman nilang nagpapakalatkalat ako ay siguradong-

Napatigil ako't mabilis na pinunasan ang luha ko, nang biglang kumalabog ang pintuan.

I swallowed hard and composed myself before I faced him.

Pagkaharap ko ay siya namang pag-urong ng dugo ko sa katawan.

Sa bilis niyong humakbang papunta sa harapan ko...

I was dumbfounded by his posture. Hindi ko ma-explain kung anong emosyon ang naroon.

Pagkalapit na pagkalapit ay mabilis niyang hinawakan ang magkabilaan kong braso na nagpaiktad ng kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko.

Namumula ang buong mukha niyang labis ang pagkunot ng kilay at ang paglapat ng mariin ng labi niya't nag-igting ng kanyang panga.

Napakurap-kurap akong hindi makapagsalita.

Pinasandahanan muna niya ang buong mukha ko, pagkatapos ay bumagsak ang mga mata niya sa katawan ko na para bang may hinahanap.

Nanlalamig ang dalawang kamay kong tinantiya ang paghawak sa ibabaw ng braso niya. "Si-ir?" Nangangatal kong pagtawag rito dahil para itong wala sa sarili habang sinisipat ang katawan ko.

"Uhhhh!" Pagdaing ko nang bigla niyang paikutin ang katawan ko patalikod sakanya.

Binitiwan niya ang kaliwang braso ko't pumasandahan ang mga daliri niya sa likod ko pababa papunta sa...

Kaya mabilis akong humarap sakanya.

Nakatulala itong gumalaw ang nag-u-ulap niyang paningin sa mga mata ko.

Kinakabahan akong ilang beses na lumunok. "May... May kailangan ka-a ba?" Kinakapos kong pagtatanong.

Bumibigat na rin ang paghinga ko.

Labis na kinakatakot ko ang hindi niya pagsasalita ngayon.

Kaya hindi ko ipinahalata ang pag-atras ko ng dahan-dahan...

Eyes don't Lie (Quadro Series #2)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt