12:30 na ng makarating ako sa silid akalatan. Hindi na ako magugulat kung ito ay malaki, dahil parang lahat ng silid dito ay malalaki. Merong dalawang palapag ang silid, maayos na nakasalansan ang mga libro, narito rin ang ilang mga larawan. Sa unang palapag, sa gitna, nakalagay ang mga mesa at upuan na kung saan ay pwedeng dun ka magbasa. Mahigpit rin na ipinagbabawal ang pag-iingay sa loob.

Ang hinahanap ko,

Ang libro ng mga halimaw.

Agad ako pumunta sa may book keeper upang magtanong kung saan ko mahahanap ang libro. Pero hindi niya ako sinasagot sa halip ay tinanong niya ako kung myembro na daw ba ako. Sumagot naman ako ng hindi, agad niyang kinuha ang aking kamay at tinanong ako kung gusto ko daw ba maging myembro. Umoo naman ako. Maya-maya ay nakaramdam ako ng init sa kamay ko. Pero hindi nakakapaso, pagkatapos niyang tanggalin ang kanyang kamay na mahigpit ang pagkakapit sa akin, ay may lumabas na simbolo. Simbolo raw ito na myembro na ako at pwede akong manghiram at magbasa ng libro na galing sa silid. Tinanong ko uli siya kung saan ko mahahanap yung libro o mga librong aking hinahanap at sa pagkakataong ito, sinagot naman niya ako.

Matandang babae, may mahabang buhok, at nakasuot ng salamin ang book keeper. Mukha itong masungit pero hindi. Natutuwa daw siya at kahit na papaano ay may mga estudyante pang kagaya ko.

Sinabi niya na ang hinahanap kong libro ay nasa ikalawang palapag sa, pinakadulong bahagi sa kanan.

Papaakyat ako ng madaanan ko ng tingin ang mga larawan ng mga naging leader ng Concrelus. Matagal ko ring pinagmasdan ito hanggat sa may napansin ako. Ang larawan ni Ms. Lucy at ang bago sa kanya, parang may kulang. Parang merong isang larawan don na tinanggal. Pero hindi ngayon ang oras para pag-isipan pa iyon.

Ang lugar na itinuro nung book keeper ay maalikabok, siguro madalang lang mga humiram o nagbabasa ng libro sa bahaging ito, malayo kasi. Agad kong tinignan ng sa talataan kung naroon ang librong hinahanap. Ilang minuto ko rin itong tinignan hanggat sa may nakita ako. "Libro ng mga mahihiwagang nilalang" agad kong hinanap kung saang seksyon iyon hanggat sa makita ko na. Tama nga ang inisip ko, malapit lang dito ang ilan pa sa mga librong hinahanap ko na may kaugnay sa paksang hinahanap ko. Apat na libro ang nakita ko kabilang na yung nauna.

Agad akong bumaba upang basahin ang mga librong aking nakuha, nagbabakasakali na ang dalawang halimaw na nakita ko sa aking panaginip ay narito at makakuha ako ng impormasyon tungkol sa kanila.

Pero sadyang mabilis lang ata talaga ang takbo ng oras. Nung tumingin ako sa malaking orasan na nakasabit sa dingding ng silid, 1:20 na pala, hindi ko man lang namalayan. Hindi ko man nakalahati ang unang libro kong binasa. Wala na akong magagawa, ayaw ko ng malate uli. Nagpaalam na lang ako na hihiramin ko na lang ang mga libro at agad na pumunta na sa silid. Sakto. Wala pa naman si Sir Ysmael don, pero lahat ng estudyante ay naroon na.

"Saan ka ba galing???" Alalang tanong ni Dawn.

"Sa silid-aklatan, may hiniram lang akong ilang libro. Nakakain ba kayo??" Tanong ko.

"Oo naman. Kinain mo na ba yung cookies?" Tanong niya.

Umiling ako.

"May kinain ka ba?"

Umiling na naman ako.

"Halla, baka magutom ka niyan mamaya. Derderetso na tong klase hanggat mamayang 5." Alalang sinabi niya.

"Huwag kang mag-alala. Magiging okey lang ako." Ngiti kong sinabi kay Dawn. Ilang sandali pa ay dumating na rin si Sir Ysmael. Sana nga hindi ako makaramdam ng gutom. Hindi ko alam bat ganito ang pakiramdam ko, hindi ako busog pero hindi rin naman ako gutom.

Kagaya kanina ay derederetso pa ring nagsalita si Sir Ysmael. Pero pagdating ng 4:30 ng hapon, bigla na lang siyang tumigil at isinara ang librong kanyang hawak. Nakita ko ang oras dahil tanaw mo sa binta mula sa kinauupuan ko ang isang malaking relong nakalagay sa harap ng academy.

"Siguro naman, sa sobrang tagal kong nagsalita dito may pumasok naman sa sa mga isip niyo, kaya gusto ko lang malaman kung sino ba talaga yung nga nakinig." Sabi niya sabay kuha sa isang maliit na kwaderno na nakalagay sa mga gamit niya. Doon pala nakasulat lahat ng mga pangalan ng mga estudyante. Pagkatapos ay nagsimula na aiyang tumawag ng mga pangalan.

Una niyang tinawag ay babae, nakasagot naman ito babae uli ang tinawag niya at nakasagot rin naman ito ang pangatlo hanggang panglima ay lalaki naman at lahat sila ay nakasagot. Nakaabot ng siya hanggang siyam at nakakabilib na lahat ng kanyang tinawag ay nakasagot. Tinignan ko ang relo sa labas. 4:55 na. Kapag hindi pangalan ko ang natawag, ligtas na ako. Pero masyado atang malupit ang tadhana.

"Mr. Angelico Summers" sabi niya. Bigla na lang nagpantig ang tenga ko. Pangalan ko ba ang natawag? Mukhang oo, lahat na ng kaklase ko ay nakatingin na sa akin. Dahan-dahan akong tumayo. Inihahanda ang sarili sa anumang tanong na anong oras ay ibabato niya sa akin.

"Sino ang pang dalawampung leader ng Concrelus. Na kauna-unahang nakapaslang sa halimaw na kilala bilang "Higante ng Bundok Surk?"

Lagot. Pang apat na po si Ms. Lucy at tanging siya lang ang tumatak sa isip. Pinilit ko alalahanin lahat ng kanyang sinabi pero wala talaga. Inihahanda ko na ang sarili ko dahil alam kong pagagalitan niya ako.

Pero may nangyari. Isang pangyayari na hindi ko mapaniwalaan. Bigla ng lang may nagsalita ng napakalakas pero parang wala man lang sa mga kamag-aral ko o kahit na si Sir Ysmael ang nakarinig.

Sa isip ko lang??

Helena Mist. Ang sabi ng boses. Bigla na lang lumabas sa bibig ko ang pangalan na iyon.

"Helena.... Helena Mist po Sir". Sagot at tama naman ito.

Telapathy. Oo. Meron isang may kakahayang makipag-usap dito gamit ang isip lamang at tinulungan niya ako kanina. Kailan kong malaman kung sino siya.

Natuwa si Sir Ysmael kanina dahil hindi raw nasayang lahat ng kanyang pinagsasabi. Maayos itong nagpaalam at umalis na.

CamelliaWhere stories live. Discover now