Kagaya ng sinabi niya, tinuruan niya ako kung papaano palalakasin ang kapangyarihan ko. Tatlong taon kami nagsanay.

"Sa tingin ko oras na Dawn para ibigay ko na sayo ito." Inilabas niya ang kwintas na meron labindalawang ibat-ibang klase at kulay ng bato.

"Ano po yan? Kayamanan?" Tanong ko.

"Oo Dawn, kayamanan ito ng ating angkan. Nagmula pa ito sa ating pinakaunang ninuno pinagpasapasahan at sayo ko naman ngayon ibibigay. Naniniwala ako na bukod sa healer isa ka ring summoner. Sa labindalawang bato dito nakahimlay ang labindalawang Celtic Zodiac Animal Spirits." Sagot niya.

"Celtic Zodiac Animal Spirits? Ano po sila?" Buong pagtataka kong tinanong.

"Buti pa, ipakita ko sayo sila." Kinuha niya ang isang piraso ng bato sa kwintas tsaka nilagay niya sa palad niya. Biglang lumutang sa pagitan ng kanyang palad ang bato at lumiwanag.

"Sa pamamagitan ng batong Opal, dinggin mo ang aking panalangin. Tinatawag kita! Ikaanim na Celtic Zodiac Animal!,

Wren!"

Biglang may lumabas na maliit na brown na ibon sa bato.

"Isang maliit na ibon?" Tanong ko.

"Apo, hindi ito isang ordinaryong ibon, ito ay isang spirit. Lahat ng spirit ay nagtataglay ng kapangyarihan." Sabi niya.

Mangha-mangha ako sa nangyari. Tuwang-tuwa naman ako habang pina-panood ko ang paglipad ng ibon, kahawig kasi nito ang ibon na ineregalo sa akin.

"Kung natuwa ka sa nakita mo siguradong mas matutuwa ka dito". Itinaas ni lola ang kanyang kamay at biglang dumapo ang ibon sa kanyang palad.

"Inuutusan kita, magpalit ka ng anyo!" Sigaw niya.

Biglang nagliwanag ang ibon at dahan-dahang nagiba ng anyo. Ang ibong maliit ay nagbago bilang isang batang lalake na halos kaedad ko lang.

"Dawn, ang mga spirit ay pwede mong tawagin sa kanilang animal o human form." Hindi ko gaanong pinansin ang sinabi ng lola ko. Lalo akong namangha sa nangyari.

"Muriel! Ang tagal mo naman akong tawagin uli, alam mo bang bagot na bagot na ako sa mundo namin? Gusto ko na uli makipaglaro sa iyo!" Sabi ni Wren.

"Wren pasensya na at ngayon lang uli kita natawag. Mahina na ang katawan ko, hindi ko na kayo kayang tawagin palagi. Kaya may gusto akong ipakilala sayo. Dawn, lumapit ka dito. Siya ang apo ko ang magiging susunod niyong master. Sakanya ko na ipapasa ang mga bato. Hindi ka ba natutuwa at may bago ka ng kalaro?. Tanong ni lola.

"Ayoko sa kanya!" Sigaw ni Wren.

"Hindi bat ganyan rin ang sinabi mo sa akin nung una tayong magkita? Wren, matanda na ako, baka sa susunod na tatawagin ka, si Dawn na ang gagawa. Kaya nakikiusap ako, alagaan niyo rin si Dawn kagaya ng pag-aalaga niyo sa akin." Sabi ni lola.

Nakita kong lumapit si Wren kay lola, niyakap siya nito tsaka nagpasalamat. Pagkatapos nun humarap sa akin si Wren, nginitian ko siya pero dinilaan niya lang ako tsaka siya nawala.

"Dawn iisa palang yon, gusto mo bang makakita ng iba?" Tanong ni lola. Buong ngiti naman akong tumango. Kagaya ng ginawa ni lola sa unang bato, kumuha naman siya ng kulay pink na bato. Lumutang din ito sa pagitan ng kanyang palad.

"Sa pamamagitan ng batong amethyst, dinggin mo ang aking panalangin! Tinatawag kita! Ika-sampung Celtic Zodiac Animal!

Butterfly!

Biglang lumabas sa bato ang isang malaki at magandang paru-paro. Namangha na naman ako sa pangyayari. Ilang sandali pa ay pinagpalit niya ito sa human form. Naging isa itong magandang dalaga.

"Muriel, ikinagagalak kong muli kitang makita. Ano bang maipaglilingkod ko?" Tanong ni Butterfly.

"Gusto ko lang ipakilala sa iyo ang magiging susunod niyong master. Ang apo ko, si Dawn. Sa kanya ko ipapasa ang pangangalaga sa inyo. Hinihiling ko na sana tratuhin niyo siya kung paano niyo ako trinato." Sabi niya.

Nginitian ako ni Butterfly tsaka humarap uli kay lola.

"Masusunod ang inyong pinaguutos Master Muriel." Sabi niya bago siya mawala.

Pagkatapos niyang tawagin si Butterfly napansin kong hinihingal si lola, agad ko siyang nilapitan.

"La okey lang ba kayo? Mukhang pagod na kayo buti pa pasok na tayo sa loob. Bukas na lang po natin ituloy ang pagtawag sa spirit. " sabi ko.

Siguro dahil na rin sa pagod, hindi na siya nakapagsalita. Pagkarating namin sa kwarto ay agad din siyang nakatulog. Kinabukasan namin itinuloy ang pagtawag sa spirit, hanggang dalawa na lang sa isang araw ang kaya niyang tawagib kaya inabot kami ng isang linggo bago ko makilala ang lahat ng Celtic Zodiac Animal.

Labindalawang bato para sa labindalawang spirit.

1)Peridot-Stag
2)Citrine-Feline
3)Emerald-Adder
4)Garnet-Bull
5)Aquamarine-Seahorse
6)Opal-Wren
7)Sapphire-Horse
8)Turquoise-Salmon
9)Pearl-Swan
10)Amethyst-Butterfly
11)Ruby-Wolf
12)Diamond-Falcon

Hindi ko pa gaanong pinaglaanan ng oras ang mga spirit mas tintukan ko ng pagsasanay ang pagigimg healer ko. Isang araw sinubukan kong pagalingin ang mata ni lola.

Itinapat ko ang aking palad sa mata ni lola pero ilang sandali lang ay agad akong itinulak ni lola.

"Dawn, hindi nakalaan sa akin ang kapangyarihan mo. Habang sinusubukan mo sa akin ang kapangyarihan mo may nakita akong pangitain." Kapangyarihan rin ni lola ang makita ang hinaharap sa pamamagitan ng pangitain.

"Nakita ko ang hinaharap Dawn.(sabi niya habang mahigpat ang hawak ng kanyang dalawang kamay sa aking balikat)Hindi magtatagal ang kapayapaan dito sa Zernia. May magaganap na isang malaking digmaan. Digmaan na magreresulta kung ano ang mangingibabaw. Ang kasamaan ba o ang kabutihan. Lalabas ang nilalang na kinakatatkutan dala ang kanyang alagad ng halimaw. Balak niyang sirain ang buong Zernia. Pero may pag-aasa pa. Sa gitgna ng digmaan ay uusbong ang isang tagapagligtas. Siya ang itinakda! Sa kanya mo gagamitin ang kapangyarihan mo Dawn! Kailangan mo siyang hanapin! Malaki ang magiging papel mo upang matulungan ang itinakda!" Sa sobrang lakas ng sigaw niya napaatras ako. Nagulat ako sa lahat ng kanyang sinabi. Dereseretso siyang nagsalita, nakita ko rin sa kanyang mata ang takot. Maya-maya pa ay nakatulog si Lola. Pagkagising ipinaalala niya uli ang pangitain nakita niya. Pagkatapos niyang magsalita ay lalong nanghina ang katawan niya, hanggat sa hindi niya na kayaning makatayo pa. Ilang araw lang bago siya magkasakit ay tuluyan ng binawiian ng buhay si lola.

Mabigat ang pakiramdam ko, naturingan pa man din akong isang healer pero wala man lang akong nagawa upang pagalingin ang sarili kong lola. Ilang araw akong nagmukmok sa aking kwarto umiiyak. Hanggat sa isang gabi ay nagpakita sa aking panaginip si lola.

"Dawn, kailangan mo ng tanggapin na wala na ako, pero lagi mong tatandaan na lagi kitang gagabayan. Dawn, ibinigay ko na ang misyon mo, kailangan mong mahanap ang tagapaglitas, dito nakasalalay ang kaligtasan ng buong Zernia" Masaya siyang nakatayo bago tuluyang maglaho.

Ilang gabi rin bago ko siya napanagibipan ay nagpapakita rin sa aking panaginip ang isang lalaki. May kataasan, kulay luntian ang kulay ng mata,maganda ang pangangatawan, at maginoo. Lahat ng katangiang ito ay tinataglay niya at kung tama ako,
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Si Echo ang tagapagligtas!

CamelliaWhere stories live. Discover now