33

129 5 0
                                    

Humahangos akong napapunta sa hospital. Maraming tao sa labas nang kwarto niya ngunit nagawa kong lusutan 'yon. "Fuck, Marko," nasabi ko na lamang sa sarili ko nang makitang puno na nang mga nang-iintervier ang kwarto niya.

"Nasabi ko naman na 'to sa manager ko last time. No'ng una ay hindi siya pumayag na bumalik ako kay Hanya, pero no'ng sinabi kong magtatrabaho pa rin ako kasama si Ella ay pumayag ulit siya. Pero hindi gano'n kadali, dahil tiyak akong after nang interview na 'to ay maraming maiinis o kaya ay mangba-bash sa akin. Which is ayos lang naman sa akin," nakangiting tumingin ito sa camera man.

"Are you sure, Marko? Hindi ka magsisisi?" Tanong nang isang babae bago itapat sa kanya ang mic.

"Yes. Gusto ko lang sabihin sa lahat, na kahit anong harang pa nang ibang tao sa inyo ay ipagpatuloy niyo ang paglalakad palapit sa gusto niyo. Maaaring matitisod at malilito ang paa mo, ngunit tiyakin mong dadalin ka nito sa tamang tao." Maraming nagsikilig sa likod ko. Nang malingunan ay nagulat silang lahat sa akin.

"Si Hanya! Papicture tayo!" Napatingin sa gawi ko si Marko, ngumiti pa siya. Nawala lang ang tingin ko sa kanya nang dumugin ako ng mga tao at magpapicture sa akin.

"Excuse us!" Sigaw nang isang doctor. Nagsigiliran silang lahat. Lumapit sa akin ang doctor at dinala ako papasok, ini-lock pa niya ang pinto. "Thank you for the interview, but my patient is need me-" Hindi pa ito tapos magsalita nang sa akin naman lumipat ang mga nagi-interview. Napabulong na lang ako sa sarili kong sana ay iwan na lang ako ng mga ito.

"Totoo bang nililigawan ka ulit ni Marko?!" Tanong nila.

Napatingin ako sa camera at napalunok. "Ah... Oo," utal kong sagot.

"Kapag ba inalok ka na niya ng kasal ay papayag ka?!" Hindi agad ako nakasagot. Nanatili akong tahimik. Aktong magtatanong sila nang humarang na si Lee at Janko, pilit silang pinaaalis.

Nakahinga lang ako ng maluwag nang makaalis na silang lahat. Tumama ang masama kong tingin kay Marko. Ang doctor ay nililinis ang gawing kanang tahi sa tiyan nito. "Anong pinagsasabi mo sa media?" Mahinahong tanong ko.

"Na nililigawan kita," he honestly said. Napakagat ako sa labi bago inis na bumuntong hininga.

"Naiinis ako," napalapit sa akin si tita Sera na nananahimik lang kanina.

"Pagpasensyahan mo na siya, hija. Sa ngayon ay maghiwalay na lang muna kayo para makapagpalamig ka rin," nagpilit ng ngiti si tita Sera ay inihatid ako sa labas. Marami pa ring tao ngunit hindi na magawang makalapit. "Pasensya ka na, hija. Gustong-gusto ka lang talaga nang anak ko kaya nagawa niya 'yon," mabigat ang paghinga ko habang pinakikinggan si tita.

"Ayos lang ho 'yon. Hindi lang po ako makapaniwalang pinangalandakan niya 'yon sa lahat,"

Sa huli ay hindi na ako bumalik sa cafe. Mas inuna ko ang pagbabasa sa number one trend na issue, 'yon nga ang pag-amin ni Marko.

Maraming nagtatanong kung hindi daw ba naging si Ella at Marko, maraming sumasagot ng hindi. May nga taong naiinis, ngunit mas maraming tao ang suportado. Basta daw si Ella at Marko pa rin ang partner kahit may iba ng gusto si Marko.

Nakahinga ako ng maluwag dahil wala naman naging bashers. Mas naging suportado pa ang mga tao dahil sa pagpapakatotoo ni Marko sa lahat. Naiinggit pa ang iba dahil ang swerte ko raw sa lalaking 'yon, dahil handa daw itaya ang trabaho maamin lang na gusto niya 'ko.

Alam kong magawa niya 'yon dahil sa gusto niya ako, pero hindi ibig sabihin no'n ay babalikan ko na siya. Alam kong malaking sakripisyo 'yon, pero hindi ako gano'n kalambot sa lahat. Sarado pa ang puso ko, ang ibang parte ay nakahiwalay pa na siyang nagdudulot ng pagkasira at pagkamatigas ko.

It Hurts, I Love YouWhere stories live. Discover now