31

127 4 0
                                    

"Flowers for you," bumungad ang mukha ni Marko pagkabukas nang pinto.

"No thanks," aktong isasara ang pinto ng iharang niya ang kamay do'n. "What? I don't want anything from you. So please, leave," mabilis kong isinara ang pinto at ni-lock 'yon.

Sa mga dumaraang araw ay patuloy niya akong dinadalhan nang kung anu-ano na hindi ko naman tinatanggap. Araw-araw siyang nagpupunta sa bahay. Hindi ba siya napapagod? Ni ko man lang nga siya tinitingnan sa mata.

"May magagawa ba 'ko about sa issue?" Tanong sa 'kin ni sir Matt habang inilalagay ko ang ibang kape.

"Hayaan niyo na 'yon, sir. Hindi ko naman na iniisip ang issue na 'yon." Nagpilit ako nang ngiti sa kanya.

Tumalikod na ako kay sir, ngunit gano'n na lang ang gulat ko nang makitang nasa harap ko na si Marko. "Street foods," nakangiting inilahad niya sa akin ang isang paper bag na may kalakihan.

"Salamat, pero hindi ako mahilig diyan," nilagpasan ko na siya at dinala sa costumer ang coffee.

"Oh, my..." Napanganga ang babae'ng binabaan ko nang kape, ang paningin nito ay nasa likod ko. "I-is that Marko?" I tsked. Tumalikod na ako kaagad at kinuha ang order nang ibang costumer. Tuloy ay pinagtitinginan kaming dalawa nang lahat.

"Let's eat, Hanya. I bought you isaw and many ihaw-ihaw." Pangungulit pa niya. Naupo ako bago ilapag ang tanghalian kong baon. Nakangiting naupo si Marko sa harap ko at inilantad ang lahat nang binili niya.

"Move that away or eat it by your self," kumain na ako kaya sumabay siya sa akin. Hindi niya pinansin ang sinabi ko.

"Let's eat together. Tapos tikman mo 'to," itinapat niya ang isaw sa bibig ko. Inilihis ko ang ulo ko at kinain ang pagkaing dala ko. "Say, ahh," mahaba pang aniya pero hindi ko pa rin pinansin. "Okay, I'll just eat it all,"

Totoo nga ang sinabi niya. Kinain nito ang lahat ng binili niya. Nakangiti pa niyang sinusubo ang lahat nang 'yon, halatang gusto naman niya ang kinakain.

"Hatid kita mamaya," nakangiting ani nito matapos uminom nang tubig.

"Kaya kong umuwi mag-isa," aktong liligpitin ang pinagkainan nang unahan na niya ako.

"Libot muna tayo bago ka umuwi mamaya. Hihintayin kita rito," pangungulit pa niya bago iabot ang lunch box ko.

"Marami akong ginagawa, wala akong oras para maglibot." I simply said. Tumalikod ako at bumalik na ulit sa trabaho.

Hindi si Marko umalis sa kinauupuan niya hanggang sa magdilim. Maraming tao ang nakakakita sa kaniya, ang iba ay nagpakuha pa nang litrato.

"Pwede ka na?" Pagtayo ni Marko nang makitang nag-aayos na ako ng gamit.

"Uuwi na 'ko, sir Matt," kumaway na ito sa akin. Dumiretso ako sa labas kaya aligagang napasunod sa akin si Marko.

"Are you going with me?" He asked, hoping.

"I'm not going with you," nagsimula na akong maglakad papunta sa sakayan nang jeep.

"The I'm going with you. I'll follow you," sumabay siya nang lakad sa akin. Nagsuot siya nang mask bago hawakan ang kamay ko na agad kong tinanggal.

"'Yong kotse mo do'n. Sayang kapag nanakaw,"

"Ayos lang," nagmamayabang ang tono nito.

Sumakay na ako sa jeep. Maraming tao ngunit nagawa niyang sumingit at tumabi sa akin. "How much po?" Malakas na tanong ni Marko.

"Ilan ang kasama mo?"

"Dalawa lang po kami," pagtuturo pa sa akin ni Marko. Napapairap akong nag-iwas ng tingin sa mga tao.

It Hurts, I Love YouWhere stories live. Discover now