07

145 6 0
                                    

"D'yos kong bata ka!" Nag-aalala akong niyakap ni mama pagka-uwi ko. "Okay ka lang ba?!" Nanginginig akong tumango. "Ikukuha kita nang maiinom! Sandali lang," aligagang inalalayan ako ni mama paupo at nagmamadali rin na pumunta sa kusina.

"Magpahinga ka na muna," iniluhod ni Marko ang isa niyang paa sa harap ko upang magpantay ang tingin naming dalawa. Dahan-dahan niyang inilapit ang kamay sa akin at inihaplos 'yon sa pisngi ko. Napapapikit kong dinama ang pagkakahawak niyang 'yon. "Namumula ang pisngi mo," makailan pa niya 'yong hinaplos bago bitawan. "Sorry talaga, Hanya," dumilat ako at ngumiti sa kanya.

"O-okay lang talaga ako,"

"Alam kong may kasalanan din ako do'n. Instead of taking you home, mas pinili kong iwan ka kay Lino," nagpantay ang tingin naming dalawa.

"O-okay lang 'yon, Marko." I smiled to make his feelings calm, napagtagumpayan ko naman 'yon.

"Buti na lang at naisipan kong silipin ka rito, pero wala. Nag-aalala na sa 'yo ang mama mo kaya naman hinanap na kita. Tumawag na rin ako ng pulis para do'n." Kinuha niya ang hawak ni mama na tubig at inabot sa akin. "Buti at agad ka naming nahanap," nanginginig ang kamay na uminom ako ng tubig.

"Anong ginawa sa 'yo no'ng gumalaw sa 'yo?" Sinseryos na sabi ni mama. Tumayo na si Marko at naupo sa kaharap na upuan, si mama naman ang siyang lumuhod sa harap ko. "Anong ginawa sa 'yo nang lalaking 'yon?" Naiiyak akong hinawakan ni mama sa kamay.

"P-pinaglaruan niya 'ko, ma," pagsusumbong ko. Napapaiyak niya akong niyaka. "Hinalik-halikan niya ang leeg ko, sinampal niya 'ko tapos tinanggal niya 'yong saplot ko sa pantaas. Hinaplos din niya ang hita ko, ma," umiiyak kong sumbong.

"Hindi ka nabantayan ni mama. Sorry, anak,"

Matapos ng pag-uusap-usap naming tatlo ay pinagpahinga na nila ako sa kwarto. Si mama ay nanatili sa tabi ko, si Marko naman ay hindi ko alam kung umuwi na ba.

No'ng umaga ay wala na si mama sa tabi ko. Hindi ako magkakamali, alam kong nagluluto siya ng umagahan. Agad akong nasulok sa dulo nang kama matapos bumukas ang pinto. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang si Marko 'yon.

"Huwag ka na munang pumasok," nakagayak na ito ng uniform matapos kong pasadahan ng tingin ang suot niya.

"Sigurado ka?" He nod.

"Ako na bahalang magsabi sa mga prof. Magpahinga ka na lang muna dito," I sighed, but still nod at him. "Babalikan kita mamaya after nang class," nakangiti akong tumango.

"I'll wait for you, Marko," nakangiti rin itong tumango bago nagpaalam na aalis na.

Maghapon ay nasa loob lang ako nang bahay. May minsan pa akong kabahan sa tuwing may pumapasok sa kwarto kahit na si mama lang 'yon. Na-trauma na nga siguro ako ng sobra.

"Malapit na ang birthday mo, ma," tumango ito bago ako ipaglagay ng pagkain sa plato.

"Hindi naman na mahalaga 'yon," naupo ito sa harap ko at sinabayan na akong kumain sa hapag. "Kumusta naman ang school niyo?" Pagbubukas ni mama sa bagong usapan.

"Buo pa, ma," sinamaan ako nito ng tingin. "Okay lang," agad kong tugon.

"Buti naman. Sikapin mong magtapos, ha?" Tumango ako.

"Of course, ma. Magpapagawa pa tayo nang bahay, eh." Pagngiti ko bago kumain.

"I'm here," tuloy-tuloy na pumasok si Marko sa bahay. Tila ba isa siya sa mga nakatira rito kung makaasta. "I brought some foods, tita," naupo sa tabi ko si Marko bago ilagay ang mga nakakahon na pagkain.

"Salamat, hijo," tumayo si mama para ayusin ang mga dala niya.

"Tinatanong ka sa akin kanina ni Ella," nakataas ang kilay na binalingan ko siya ng tingin.

It Hurts, I Love YouWhere stories live. Discover now