08

142 6 0
                                    

"2 thousand kasi 'to, eh. 'Di ko nga alam kung ano ang mabibili ko rito," napapakamot kong tiningnan si Marko na nakatutok lang ang paningin sa mga cake.

"What about this one?" Turo niya sa malaking cake na halos isang libo na ang presyo.

"Teka nga! Ang mahal niyan!" Reklamo ko sa kanya. Bahagyang bumaling siya ng tingin bago ibalik ang paningin sa cake.

"Itabi mo na lang 'yang pera pambili ng gift, ako na bahala sa cake." Seryosong ani niya, walang halo na biro.

"Seryoso ka? Ayoko nakakahiya naman," pero wala na akong nagawa ng ipakahon niya 'yon at bayaran.

Nakanguso ako habang sumasakay kami sa kotse. "You told me last time na galing 'yan sa mama mo at sabi niya ay para 'yan sa pambili mo nang shoes," tumango ako bago kunin ang cake sa kanya. "Kaya ibili mo na lang 'yan ng sapatos, ako na bahala sa handa ng mama mo." Gulat ko itong tiningnan.

"Ayoko nga! Ayoko nang wala akong ambag," pag-iling ko sa kanya.

"You have ambag, 'yon ay ngumit sa mga bisita niya." napanganga ako. "Bukas na 'yon, kaya mag-imbita ka na," napanganga lang ako lalo. "Don't think about the foods, ako bahala sa lahat." Halos tumulo na ang laway ko, agad kong sinipsip 'yon.

"Sure, babe," sumama ang tingin niya. "It's a prank, Marko," tumango ito. Nagsimula na niyang buksan ang makina kaya naman umayos na ako ng upo at inayos ang seatbelt.

Habang nasa daan ay hindi ko mapigilan na mapangiti, dahil 'yon kay Marko. Talagang sinagot niya ang birthday ni mama ng walang pag-aalinlangan. Ginagawa niya 'yon ng bukal sa loob niya. Alam kong may kasalanan siya sa 'kin no'ng naitakas ako ni Lino, pero pinatawad ko na siya, na katulad niya ay wala ring pag-aalinlangan 'yon.

Inihatid lang ako ni Marko pauwi sa bahay. Biyernes ngayon, kaunti lang din ang naging klase dahilan para maaga kaming makabili ng cake ni Marko. Ang sabi niya ay siya na muna ang magtatago ng cake, maaga rin naman daw siyang pupunta rito upang maipahatid ang mga pagkain na ireregalo niya kay mama. Pero aaminin kong simula ng bata ako ay hindi ko naranasang makapunta sa isang engrandeng birthday, ni hindi rin naman ako nakakapag-birthday ng katulad sa iba. Kung magbe-birthday man ako ay regalo lang ni mama ang inaabangan ko, at kuntento na ako do'n.

"Wala ka bang plano para bukas, ma?" Pagpaparinig ko habang nasa sala kami at nanonood sa T.V.

"Hindi naman na mahalaga 'yon. Batiin mo lang ako ay ayos na," pagngiti nito sa akin.

"Umaasa ka kaya sa regalo ko," pang-uuto ko, sumama ang mukha niya. "Reregaluhan naman kita, ma!" Napapailing at natatawang bumaling na lang ito sa pinapanood namin.

Napaisip tuloy ako kung ano ang regalo na ibibigay ko sa kanya. Balak kong hatiin ang pera na binigay niya sa 'kin at ibili 'yon ng magagamit niya.

Kinabukasan ay maaga akong gumising. Walang kaalam-alam si mama na may cake siyang darating na galing kay Marko. "Here's my gift for you, ma," abot ko sa isang kahon. Kagabi ay tumakas ako para makabili ng bagong dress niya. Simple 'yon pero tiyak 'kong magugustuhan niya.

"Anong gift? Sira ka! Sa'n mo kinuha 'yong pambili na 'to?!" Nakangiti niya 'yong kinuh sa kamay ko.

"Sa 'yo,"

Mabilis niya akong hinampas sa braso. Napapanguso ko siyang tiningnan. "Thank you," napangiti kaagad ako ng makitang isukat niya 'yon. "Ang ganda, salamat." Yumakap pa ito sa akin.

Ang sabi ko sa kanya ay 'yon ang isuot niya ngayon. Ayaw pa niya no'ng una, pero nang sabihin kong magtatampo ako ay agad siyang naligo para makapagbihis.

Agad akong napunta sa labas nang bahay matapos makarinig ng busina. Natanaw ko pang kunin ni Marko ang cake sa likod ng kotse niya at dalhin 'yon palapit sa akin. Pabango niya ang unang napansin ko, sobrang bango no'n.

It Hurts, I Love YouWhere stories live. Discover now