27

126 5 0
                                    

Mas mahirap na ang naging pagkikita namin ni Marko. Kasabay kasi nang pag-aaral niya ay ang pagtatrabaho. Marami na siyang nagawang commercial, at habang tumatagal ay pasikat na sila nang pasikat ni Ella. That girl, sasabunutan ko talaga siya kapag nakita ko sa harap nang maraming tao.

"Dahil sa ikaw ang pinakamasipag na empleyado ko rito..." Biting sabi nang lalaking manager namin sa cafe. "Libre kita nang libot!" Kung titingnan ay may pagkabata pa siya. May itsura rin, pero mas gwapo si Marko.

"Libot? Sa'n, Sir?" Ibinaba ko ang hawak kong panlampaso.

"Concert, sa concert ni Marko Aldine. Kilala mo 'yon?" Kung tatango ako ay nagtatanong siya nang marami, kaya umiling ako. "Tsk, sikat 'yon na singer ngayon, 'tsaka si Ella." Kinuha ni Sir Matt ang kamay ko at inilagay ang isang ticket do'n.

"T-thank you, sir," nakangiting tinitigan ko ang ticket. Malapit na 'yon nang matingnan ang date. Hindi ko 'to sasabihin kay Marko para ma-surprise siya.

Pag-uwi ay dating gawi na naman ako. Pumasok ako sa kwarto ni mama at nahiga sa kama nito bago ibalot sa buong katawan ang kumot na ginagamit niya. Pumikit ako at dinama ang pagbagsak nang luha sa pisngi ko. "I miss you, ma," I whispered.

That night, sa pag-iyak ako nakatulog. How can I move on? Dahil kahit na nasaan ako ay naaalala ko si mama. Alam ko namang mahirap makalimot, ni hindi ko kayang mawala ang ngiti at pagtawa ni mama sa utak ko. Tanging sa maliit na litrato ko na lang siya nakikita, malabo pa.

Nagising ako nang may maramdamang nakayakap sa akin. "Hmm," inaantok kong tiningnan kung sino 'yon. "M-Marko," natutulog siya nang makita ko. Nakayakap siya mula sa likod ko, nakihati pa nang kumot sa akin.

"Hmm?" Sumiksik siyang pilit sa batok ko, ramdam na ramdam ko pa ang hininga niya do'n. "Don't go? Okay? I'm just sleeping," bulong niya at natulog ulit. Wala na akong nagawa kung 'di pakaramdaman na lang siya sa likod ko.

Napangiti ako sa sarili ko at muling pumikit. Ang pagmamahal na ibinigay niya, ang saya na ibinubuhos sa akin, lahat nang mga ibinibigay niya sa akin ay kaligayahan ko. Maaaring marami na siyang pagkakamali, pero inaamin kong umaasa pa rin ako sa kanya. Dahil pakiramdam ko ay siya na...

'Di ko pa inaasahang makatulog ulit, kaya nang magising ako ay wala na siya sa tabi ko pero agad na napangiti nang may maamoy na pagkain. Mukhang nagluluto siya.

"Good morning," nakangiting bati ni Marko nang lumabas ako sa kwarto. May hawak pa siyang sandok sa kana'ng kamay.

"Good morning," pinunasan ko ang mata at gilid ng labi ko bago sa kanya lumapit. "Ano 'yang niluluto mo?"Yumakap ako sa likod niya.

"Umagahan. Nagprito ako nang fish, talong and talbos. This is my favorite breakfast anyway," napangiti ako sa pagyayabang niya.

"Favorite ko rin 'yan. Lagi sa akin niluluto 'yan ni mama bago ako pumasok sa school," bumitaw na ako sa kanya bago silipin ang piniprito nito. "Baka masunog, love," natatawang ginulo nito ang buhok ko bago bilingin ang isda.

"Si mommy naglinis niyan," pagtuturo nito sa isda sabay kamot sa ulo.

"Oo na, maghahain na ako sa hapagkainan." Natatawang lumayo ako sa kanya at nagsimula ng maglagay ng plato sa lamesa.

Masaya kaming nagsalo sa lamesa. Nagpanggap na walang problema, nagpanggap na hindi napapagod.

Pagkakain ay naisipan naming lumibot sa kanila. Wala rin naman daw siya ginagawa kaya pumayag na rin ako.

"Oh, my! Hi, Hanya!" Tuwang-tuwa akong niyakap ni tita Sera na siyang ikinatawa ko.

"Hello po, magandang tanghali," bati ko sa lahat. Kumpleto muli sila. Si tito ay nginitian ako at kumaway pa, ang mga kapatid naman ni Marko ay nagsi-saludo sa akin.

It Hurts, I Love YouWhere stories live. Discover now