01

295 8 0
                                    

Hanya Eya's PoV

"Tapang mo, ah!" Nakangising sinapok ko ang isa sa kanila, dumugo tuloy ang nguso nito.

"Hoy!" Napatingi ako sa likod ko ng may makitang guard na tumatakbo papalapit sa akin. Guard 'yon ng school!

Mabilis akong tumakbo, hindi ko naman na naramdaman ang pagsunod nito. Tiyak akong mas inuna niya ang gunggong na nakaaway ko kaysa sa akin.

"Nakipag-away ka na naman?" Bungad ni mama nang makita ang bahid ng dugo sa maputi kong uniform.

"Epal sa school 'yon Ma, eh. Sipsip," Napailing na lang si Mama sa akin. Naupo na ako sa hapag kainan at hinintay siya. Napanguso ako ng padabog niyang ilagay ang plato sa lamesa.

"Tigilan mo na 'yang pakikipag-away mo, Hanya!" Banta nito at padabog ring inilagay ang kutsara at tinidor.

"Ma..."

"Ano na naman? Bahala ka, Hanya. Kapag ikaw na suspended sa klase, hindi kita sasapuhin." Napanguso na lamang ako. At sa hapag pa talaga ako ni mama naisipang sermonan. Mabuti na lang talaga at mabait akong anak, kahit papaano ay pumapasok pa ang ibang sermon nito.

"Hoy, rude girl," tawag sa akin ng isa sa mga katulad kong mayabang sa school. Well, medyo proud pa ako ro'n.

"Hoy, rude girl. Ano na naman?" Mayabang akong lumapit sa kanya. Kakapasok ko pa lang sa school, mapapaaway na 'ko?

"Balita ko duguan daw 'yong iniwan mong lalaki kahapon?" Ani Charize, siyang kausap ko ngayon.

"Weak, eh." Pagkibit balikat ko bago siya lagpasan. Rinig ko pa ang pagtawag nito sa akin, pero nakatalikod na lang akong kumaway sa kanya.

Parang naging bahay lang ang room, dahil buong klase ay lumulutang ang isip ko. Minsanang matulog, minsang tumunganga at umisip na kung ano ang gagawin mamaya bago umuwi.

"Ikaw 'yong babae kahapon na nakaaway namin, diba?" Tamad kong hinarap ang lalaking sinipa ko kahapon. Isinukbit ko ng maayos ang bag bago siya lapita.

"Oh? Ano naman ngayon?" Tamad na kinutkot ko ang aking kamay. Why I can't stop fighting? I just do not know. Ito na nga ata ang nakasanayan ko.

When my papa leave us, I'm always fighting with rude people like me. I can't stop what I'm doing, 'cause this is what I want. It was wrong, but I can not stop. People hate me because of that, but it's okay. Pain is the reason why am I here, why I am like this. He leave us like nothing happened. I just wish that he was dead and cold. He broke my mom, then I want to broke his heart too. I'll find a way to find him, I'll find a way how to kill him like pete's sake.

"Run as you can," napatingin ako sa likod niya ng makitang marami sila.

Sa kagustuhang makatakas ay tumakbo nga ako. Hindi lang sila sampu! May bente ata! Oo, may bente ata silang mga lalaki na malalaki ang katawan! Hanggang sampu lang ang kaya ko! 'Di ako pro!

Napangiti ako ng may makitang lalaki na nakaupo sa isang bench, nagbabasa ng libro. Hinihingal akong lumapit sa kanya. Nagulat pa ito ng agawin ko rito ang librong hawak niya.

"Hey, handsome. Hide me," pagnguso ko. Seryoso niya akong tiningnan bago tumingin sa mata ko. Napangisi ako ng makitang magkakulay kami ng mata, parehas na kulay putik.

"Why am I goin' to hide you? Are you in drugs?" Mabilis ko siyang hinatak patayo. "Easy," inis niyang tinanggal ang kamay ko sa braso niya.

"May humahabol sa 'kin. Itago mo 'ko, kuyang pogi." Pakikiusap ko.

"Hide your self, then," kinuha nito ng padabog ang libro sa akin bago naglakad. Mabilis akong humabol sa kanya at muli itong hinarap, bumungad tuloy ang masungit nitong tingin. "What now?"

It Hurts, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon