32

130 5 0
                                    

Ang hirap, hindi ako makapagfocus sa trabaho dahil lagi akong kinukulit nila Lee at Janko na pumunta sa ospital. Ayaw pa rin daw kumain ni Marko. Hindi naman na ako ang may kasalanan do'n, si Marko na 'yon. Kung ayaw kumain, palagyan nila ng tube sa ilong tapos do'n nila pakainin.

"Hindi ako pupunta do'n, Lee. Marami akong inaasikaso na mas mahalaga pa do'n," ibinaba ko ang tray bago siya harapin.

"Mahalaga? Mas mahalaga kay kuya?"

"Oo, kaya tigilan mo na ako. Susulpot na lang ako do'n kapag wala na 'kong ginagawa," kinuha ko ulit ang kape at ibinaba sa mga costumers.

Bigo na lumabas si Lee sa cafe at sumakay na sa kotse niya para makaalis na. Nagpatuloy naman na ako sa pagtatrabaho. No'ng hapon ay maaga akong umalis dahil balak kong bumili ng bulaklak sa kabilang bayan para kay mama. Mababango kasi ang bulaklak do'n.

"Hi, ate Hanya!" Natigilan ako sa paglabas nang salubungin ako ng ngiti ni Janko.

"Gabi na, ano pang ginagawa mo rito?" Isinukbit ko ang bag ko sa balikat. Luminga ako para lang makita ang kotse ni Lee, nasa loob pa siya sa gawing driver seat.

"Susunduin ka namin, ate!" Magiliw niya akong hinatak papasok sa likod ng kotse. Hindi ako pwedeng pumalag dahil masasaktan ko siya kung sakaling gagawin ko 'yon.

"May pupuntahan pa ako, Janko," pag-iling ko.

"Hihiramin lang naman namin ikaw sandali, ate Hanya. Please?" Pinagdikit pa nito ang dalawa niyang kamay.

"May gagawin pa ako," ngumuso siya.

"Hindi na kita papansinin kapag 'di ka pumayag. Wala ka ng Janko na magpapakita sa 'yo. 'Di na kita magiging love," pananakot pa niya.

Napapabuntong hininga na pumasok ako sa kotse kaya naman pumapalakpak na sumakay si Janko sa shotgun seat. "Salamat, Hanya," ngumiti sa akin si Lee bago paandarin ang kotse.

Napapabuntong hininga na sumandal ako at tiningnan na lang ang mga kotseng dumaraan. Ayokong magkaroon kami ng away nang mga kapatid niya. Ayoko silang idamay sa amin ni Marko. Sabagay, sandali lang ako do'n at aalis na rin kaagad. Pupuntahan ko pa si mama.

"Oh, my... You're here, Hanya!" Buong galak na pinaulanan ako ng yakap ni tita Sera pagpasok ko. "My son is waiting for you," nakangiting itinuro niya si Marko. Nakatulala siya habang nakaupo.

"Mukha nga po," pagbuntong hininga ko. Naupo ako sa sofa, tumabi naman sa akin kaagad si Janko.

"Kumain ka na, anak," rinig ko ang mahinang pagsasalita ni tita Sera.

"Okay, mom," mahinang saad ni Marko, nagpilit pa nang ngiti sa kanya ina.

Tahimik akong naupo sa sofa at hinintay na matapos kumain si Marko. "Ate, do you want to sleep here?" Tanong nitong si Janko na katabi ko.

"Marami akong gagawin, Janko. Pupunta pa 'ko sa simenteryo," pag-iling ko, napanguso tuloy siya.

"Kumain ka na rin dito, Hanya. Sabayan mo si Marko," pagtawag sa akin ni tita.

"Hindi na po, tita." Pag-iling ko. Ramdam ko ang tingin ni Marko na dumapo sa akin.

"Can you please stay here? I want you to be here, Hanya," pagmamakaawa ni Marko, naglihis ako ng tingin. "Mom, talk to her. I want her, mom," parang bata na saad ni Marko.

"Okay, son. I'll try," kinuha ko ang bag ko ng marinig na mag-ring 'yon.

Sinagot ko kaagad nang makita si Sir Matt. "Bakit, sir?" Tanong ko.

"Wala lang. Sabi kasi ni Shina ay maaga ka raw umuwi. May problema ba?"

"Wala, sir Matt. Balak ko kasing bumili nang bulaklak sa kabilang bayan para kay mama," hindi ko man siya nakikita ay alam kong napatango siya.

It Hurts, I Love YouWhere stories live. Discover now