13

120 6 0
                                    

"Hindi pa rin siya pumapasok," nalulungkot akong naupo sa silya ni Marko. Lunes kasi at hindi siya pumasok. Baka may sakit pa rin? Pupuntahan ko na lang siguro sa kanila mamaya.

"Nilalagnat si Marko," naupo sa upuan ko si Ella, kalarating lang. "Naligo daw kasi kayo sa ula. Kasalanan mo siguro, hano?" She then laugh.

"'Yong iba, oo, 'yung iba hindi." Tamad kong itinaas ang paa ko sa arm rest.

"'Edi nagpunta ka ro'n?" Nakangiti akong tumango.

"Do'n ako natulog," kita ko agad ang inis sa mukha niya. "Do'n ako natulog sa mabango niyang kama. Inalagaan niya 'ko at hinalikan sa noo. Nagtama pa nga ang labi namin na dalawa," pumikit ako at muling inulit sa isip ang araw na 'yon.

"This bitch," mahinang saad nito bago padabog na tumayo at pumunta sa tunay niyang upuan.

Tuloy ay wala akong nakulit mag hapon. Dumating ang uwian, naisipan kong puntahan siya. Umuwi muna ako para makapagbihis at makapunta sa palengke para madalhan ko si Marko ng prutas.

"Tawagan mo ako kung anong oras ka makakauwi," paalala ni mama, nagtitinda pa.

"Opo, ma. Maaga po kayong umuwi sa bahay, paubos na rin naman ang tinda." Tumango na lang ito, dahil abala sa pagbebenta. Tumulong na rin ako sa kanya bago umalis. Uuwi na rin naman daw siya sa bahay.

"Magandang hapon po," agad na nangiti sa akin ang mommy ni Marko pagdating ko sa bahay nila.

"Magandang hapon din," inabot nito ang prutas na dala-dala ko. "Salamat dito. Nasa kwarto nga pala si Marko," mabilis aklng tumango.

"Pupuntahan ko na po siya do'n," ibinaba ko muna ang dala kong maliit na bag bago ayusin ang suot ko.

"Ipaghihiwa ko muna siya ng dala mong prutas. Susunod ako do'n, hija," tumango ako.

Maliliit ang naging paghakbang ko papunta sa kwarto ni Marko. Sana ay ayos lang siya. Kumatok muna ako ng makatatlo bago pumasok.

"Marko?" Bumugad sa akin ang dilim ng kwarto. Pumasok ako sa loob at kinapa ang switch ng ilaw. Napapikit-pikit pa ako bago siya natanaw sa higaan. Nakakumot ng makapal at may swero sa kaliwang kamay. Nag-aalala tuloy akong napalapit sa kanya. "Marko?" Muli kong pagtawag rito.

"Hmm?" Inaantok niyang sagot bago dumilat. Nagpantay ang mata naming dalawa. "How's school?" He asked, agad ko siyang inalalayan ng umupo ito at sumandal sa head board.

"Wala namang quiz kaya wala kang na-missed na subjects," napatango ito.

"Hindi pala ako sanay maulanan," natatawang pinagpag niya ang gilid ng higaan niya bago ako tingnan. Natatawa akong naupo ro'n sa tabi niya.

"Sorry, Marko. Sa susunod ay hindi na kita aayain na maligo sa ulan," inabot ko ang kaliwa niyang kamay at tiningnan ang dextrose do'n. "Masakit ba?" Tumango siya ng malingunan ko.

"Ayos lang," hinimas-himas ko ang kamay niyang 'yon.

"Fruits, Marko," pumasok ang mommy niya na may dalang mga prutas. Hiwa at malinis na.

"Thank you, mom,"

"It's from Hanya, she brought it for you." Napangiti si Marko.

"Thank you, Hanya." Kinain niya kaagad 'yon.

"Magluluto muna ako ng hapunan. Hanya, dito ka na kumain, ha?" Sa kagustuhang hindi mapahiya ang mommy niya ay tumango ako.

"Pero nang makita kong nakangiti ka habang nasa ilalim ng ulan, natuwa ako at nasiyahan. Hindi ako nagsisi na sinamahan kita ro'n," agad na may humaplos sa puso ko ng dahil sa sinabi niya.

It Hurts, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon