26

130 5 0
                                    

Nasa kwarto lang ako kahit na nailibing na si mama. Si Marko ang nag-asikaso nang lahat. Sinasabi niya sa akin na minsan daw nagpunta sila papa at nakiramay. May pakialam pa pala sila? Akala ko ay kailangan pang magmakaawa ng pamily ko para mapansin kami nang iba.

Nilunod ko ang sarili ko sa trabaho. Hindi na ako natutulog at nililibang lang ang sarili ko sa kung saan. Si Marko naman ay busy sa ginagawa nilang teleserye. Bumabalik na naman ang pagkadalang niyang puntahan ako.

Araw-araw, gabi-gabi. Walamg araw na hindi ako umiiyak. Hindi alam ni Marko 'yon dahil umuuwi na siya bago magdilim.

"Love!" Excited akong bumangon nang sagutin ni Marko ang tawag. This day is our first anniversary!

"Hmm, good morning, love," natatawang sabi niya mula sa kabilang linya. "What date is today?" Mabagal na ani niya, may pagka-excited pa.

"Today is our anniver-"

"Today is the first episode ng teleserye namin!" Tuwang-tuwa na saad ni Marko. "Sabay nating panoorin 'yon, love!" Nawala ang ngiti sa labi ko at napalitan nang pilit 'yon.

"Marko, anniversary natin ngayon," naupo ako sa dulo nang kama.

"W-what? O-oo! Anniversary natin! Happy anniversary, love!" Aligagang naisaad niya. "Sorry I forgot! Papunta na 'ko diyan! Wait lang! I love you!" Pinatay na niya ang tawag. Napapabuntong hininga na bumangon ako sa kama at nagluto nang pagkain ko.

My life is just like that. Kakain, matutulog, magtatrabaho at magtitinda sa palengke. Diyan lang umiikot ang oras ko. I use to make myself busy as much as I want. Hindi pwedeng maglugmok lang ako sa bahay. Gusto ko ulit mag-aral, pero hindi ko kaya. Kaya ko pa hanggang senior high, pero hindi ko na kaya pagdating nang college. Wala akong sapat na pera, kailngan ko pang magtrabaho. Kaya tiyak na mauubusan lang ako nang oras at hindi na makakapag-aral.

Wala pa sa kalahating oras ay nakarating na si Marko. May dalang cake, isang basket nang bulaklak at isang kahon ng tsokolate. Samantalang ako ay simpleng souple bracelet lang ang meron.

"Thank you," nakangiting kinuha ko 'yon sa kanya.

"Sorry, nakalimutan ko, akala ko ay bukas pa." Napapakamot sa ulong hinalikan niya ako sa labi.

"Okay lang," pumasok muna ako sa kwarto at kinuha ang regalo ko sa kanya. Pagbalik ko ay nakatingin na ito sa hawak ko, napangiti kaagad siya.

"Wow, that's your gift for me, right?" Tumango ako.

"Simple, kaya sana ay magustuhan mo," inabot ko sa kanya 'yon. Maingat niyang tinanggal ang ribbon bago buksan ang pinaka-kahon. Naangat ang labi niya ng makita ang laman. "Sa akin ang isa niyan-" Hindi ko pa tapos ang sasabihin ko nang bigla na niya akong yakapin.

"Thank you! Isusuot ko 'to araw-araw, love! I love you!" Tuwang-tuwa niya ang hinalikan sa labi. Natatawang pinalo ko siya sa braso.

"Minsan ko lang gawin 'yan. 'Tsaka pinag-ipunan ko talaga 'yong pambili niyan," muli na naman niya akong hinalikan sa labi. "Tigil na. Nakakarami ka na," sa huli ay niyakap na lang niya ako.

"I love you," bulong niya sa tenga ko.

"I love you too,"

Matapos no'n ay pinagayak niya ako at pupunta daw kami sa dagat. Ni-rent na daw niya ang buong beach na 'yon para daw walang makakita sa aming dalawa kahit na ano ang gawin namin.

"Panoorin natin 'yong first episode ng teleserye niyo mamaya ni Ella," pagbanggit ko habang nasa daan kami.

"Huwag na muna ngayon, love. Enjoy-in na lang natin 'yong anniversary natin, alright?" I just nod.

It Hurts, I Love YouWhere stories live. Discover now