35

136 5 0
                                    

Lahat ng sinabi niya ay pinaniwala ako. Kahit na busy siya sa darating nilang movie ay hindi siya nagbabaktaw nang araw na hindi ako pinupuntahan. Kahit alas tres ay pumupunta siya bahay at niyayakap ako habang tulog, dahil nagigising na lang ako na katabi ko na siya.

"Si sir umaasenso na talaga," natatawang ani ko pagpasok sa pangalawa nitong cafe. Hindi pa niya binubuksan 'yon dahil ikinakalat pa lang sa social medias.

"Like, duh!" Pagsasalita ni Ella sa gilid ko. "I'm now married, so stop being jealousy," I tsked. Mukhang nararamdaman pa nito ang pagiging bitter ko sa kanila ni Marko.

"'Di ako nagseselos," pag-irap ko sa kanya. "Pagiging mayabang lang naman ang kaya ko, hindi pagiging makati,"

"What the... Go to hell!" I chuckled. Sinubukan ko namang maging magkaayos kami, pero hindi ko kaya talaga. Makati ang dila niya, mayabang naman ang dila ko. Walang matino sa plano. Ang tinginan na lang talaga namin ay magkaaway at hindi magkapatid. Ayos lang naman sa akin, 'di ko gusto ang ugali niya.

"Alis na 'ko, sir. Baka makasabunot ako," aktong susugurin ako ni Ella ng hawakan siya ni sir Matt. "Fuck you, bitch," I waved my hands and walked out.

"You too!" Sigaw pa niya.

Napapailing na lang akong naglakad palayo. Bumalik na ulit ako sa cafe ni sir. Sa akin niya muna kasi pinapa-hanfle habang inaasikaso niya ang bagong cafe niyang darating. Pumayag naman ako, malaki kasi ang sweldo.

"May ligaw ka ata," pagkalabit sa akin ni Shina habang gumagawa ako ng kape.

"Ha? Sa'n?" Tumingin ako sa gawing pinto. Bumungad sa akin ang nakangiting si Marko. May dala pa siyang mga bulaklak at pagkain. Binagkaguluhan pa siya nang ibang tao bago makalapit. Natatawang napailing na lang ako bago lumapit sa gawi niya. "Aga mo, ah. Hindi ka ba busy?" Tanong ko bago kuhanin ang bulaklak.

"Wala akong trabaho ngayon, bukas pa lang," napapakamot sa ulong inabot niya sa akin ang dala niyang pagkain. "Lunch mo. Hintayin mo ako mamayang tanghali," tumango ako.

"Bakit? May pupuntahan ka ba?" Tumango ito.

"Titingnan ko 'yung pinapagawa nating bakery." Napatango ako bago ngumiti.

"Sa linggo ay free day ko, sasamahan kita do'n," kumaway na siya sa akin at muling ipinaalala na sabay kami mag lunch. Natatawang inilagay ko sa bag ang bulaklak na bigay niya sa akin at pagkain. Bumalik na rin ako kaagad sa trabaho.

Matagal na rin siyang nanliligaw ulit sa akin. Alam naman niyang may katagalan bago niya ulit makuha ang tiwala ko, at naniniwala ako sa kakayahan niyang mapapaniwala niya ako.

"Lunch break muna," announce ko sa lahat. Tumango ang mga ito at nagkanya-kanya nang labas ng tanghalian.

Ibinaba ko na ang mga pagkain na dala ni Marko. Ilang minuto lang naman ang hinintay ko at dumating na rin siya. "Late ba 'ko?" Umiling ako bago siya abutan ng tubig. "Thank you,"

"Kumusta naman 'yong ginagawa do'n?" Binigyan ko na rin siya ng kutsara't tinidor.

"Tumataas na," natawa na lamang ako sa sinabi niya.

Nagsimula na kaming kumain. Ayon na naman ang pagdaldal na nakasanayan ko na sa kaniya. "Seryoso nga!" Pagnguso niya. "Kami na ang may pinakamalaking kinikita sa buong mundo do'n sa movie," masayang-masaya ko siyang nilapitan at niyakap.

"Ella! Kaya kong magpatiwakal para sa 'yo!" Panggagaya ko sa linya niya. Nakangusong kinurot niya ang pisngi ko bago ako yakapin pabalik.

"Marko! Mahal kita! Huwag mong gagawin 'yon! Kaya kitang iwasan, pero 'di kita kayang mawala!" Panggagaya naman niya sa line ni Ella. Nakangusong bumitaw ako at naupo na sa upuan ko kanina.

It Hurts, I Love YouWhere stories live. Discover now