10

141 7 0
                                    

"Sabi ko sa 'yo, hintayin mo 'ko, eh!" Reklamo ko bago naupo sa tabi niya, hinihingal.

"We have a quiz,"

"Kaya tumakbo ka? Ano konek no'n?!" Reklamo ko pa rin bago naupo sa harap niya at kuhanin ang hawak nitong libro. "Marko, baka nakakalimutan mong nilibre kita ng lunch kanina," masama ang naging tingin ko sa kanya.

Natatawang inagaw niya sa akin ang libro bago ako panliitan ng mata. "Baka nakakalimutan mo rin na ngayon lang 'yon," napanguso ako.

"Mag bake tayo mamaya," request ko habang nakanguso.

"I'm busy," pag-iling nito bago tumutok sa libro.

"Sige na! Sa inyo tayo gagawa ng bat--I mean, ng cupcake!" Nakaangat na tuloy ang kilay niya ng malingunan ako. Bakit ba kasi ayaw niyang pumayag? Minsan na nga lang 'yon. Humalukipkip ako sa harap niya. "'Edi huwag mo," pagtatampo ko bago umayos ng upo sa tabi niya.

"Para saan ang cupcake?"

"Para makakain tayo!" Kumapit ako sa braso niya bago pumikit-pikit na parang aso. "Kung ayaw mo, hindi pwede," pangungulit ko pa rin.

"Oo na," excited akong napapalakpak bago umayos sa dati kong upuan dahil dumating na rin ang pangalawang prof.

"Sa'n tayo bibili ng mga gamit?" Tanong ko habang nasa sasakyan na kami.

"Ako na bahala ro'n. Maupo ka na lang diyan," nakangiti akong sumunod sa kanya. Inihinto niya ang kotse sa tapat ng isang malaking mall. Bumaba na kaming dalawa at sabay na pumasok do'n. "What're we gonna buy then?" He asked in the middle of walking.

"I don't know, too," pagkibit-balikat ko. Napahinto siya sa paglalakad at napatingin sa akin.

"Then what're we gonna do?"

"Look at some apps. Search it in YouTube: How to bake cupcake, then the ingredients is in the description. Right?" Napatango ito bago kuhanin ang phone, nagpatuloy na sa paglalakad. Dahil sa nasa cellphone ang paningin ni Marko, nakabangga siya ng tao.

"Fuck!" Sigaw ng lalaki na nabangga niya. Pumagitna agad ako at inilagay si Marko sa likod ko, gulat pa rin.

"Sorry," sinseryo kong saad bago tumingin sa kaharap. Dumapo ang masamang tingin nito sa akin, mabilis ko agad na nilabanan 'yon. Naramdaman ko ang paghatak sa akin ni Marko, pero hindi ako nagpatinag.

"Anong karapatan niyong banggain ako?" Lumapit siya, pero hindi ako umatras. Pinagtitinginan na kami ng mga tao, pero dahil sa sanay na ako ay wala na sa 'kin 'yon.

"Hindi naman sinasadya nitong kasama ko," laban ko pabalik. Si Marko ay pilit na talaga akong inaawat.

"Hayaan mo na, Hanya. Hihingi na lang ako nang tawad," bulong pa nito.

"Ang yabang mo kung makaasta, ah!" Aktong sasampalin ng mabilis ko 'yong pigilan.

"Ipinapaalam ko lang sa 'yo. 'Yung huling nagsabi sa 'kin ng mayabang ay nasa ospital pa, pilay ang paa. Ayoko sanang madagdagan, pero kung gusto mo, pwede naman." Naiinis na umatras siya bago padabog na umalis sa harap namin.

Nagbulung-bulungan ang mga tao, habang nakatingin sa akin. Naiinis na hinatak ko na lang si Marko papasok at ipinunta na ang pupuntahan.

"Sana ay hinayaan mo na lang ako na humingin ng tawad," pag-iling ni Marko habang tinitingnan ang bibilhin namin.

"Humingin naman na ako nang tawad, eh. Sadyang matigas lang ang lalaki na 'yon," kinuha niya ang cart sa akin at siya ang nagtulak.

"So totoo 'yung sinabi mo kanina sa kanya, na may naospital ng dahil sa 'yo?" Natatawa akong umiling.

It Hurts, I Love YouWhere stories live. Discover now