22

114 5 0
                                    

"Anong ginagawa mo?" Aktong babangon ako sa sofa nang bigla niya akong ihiga pabalik. Pagkabalik kasi sa ospital galing sa palengke ay aalagaan daw niya ako at si mama.

"Aalagaan ko kayong dalawa," ipinunas niya sa akin ang bimpong basa na dala niya. "Huwag ka na munang magtrabaho, masyado mo nang pinapagod ang sarili mo." Hinalikan niya ang noo ko bago ipinagpatuloy ang pagpunas sa akin.

"Malapit na ang second chemo ni tita, magkano na ang ipon mo?" Tanong ni Marko.

"40," inaantok kong sagot. "Halos kalahati para sa chemo," bumuntong hinga ako bago tumagilid, humahanap nang pwesto para kumportable.

"Ako na ang bahala," 'yon na ang huli kong narinig bago ako nakatulog.

Bigla tuloy pumasok s isip ko ang tungkol sa kanila ni Ella. Magkasama sila sa movie. May kiss ba do'n na mangyayari? Meron bang gano'n sa scrip nila? Paano kung maging magka-close si Marko at Ella? Halata naman no'ng una pa lang na may balan na si Ella sa boyfriend ko. Kahit kapatid ko siya sa ama, ihihilahod ko siya sa matitinik na daan.

Nang magmulat ako ng mata ay madilim pa. Lumingon ako sa gawi ni mama at nakitang masarap na ang tulog nito. "Masakit pa 'yon ulo mo?" Lumapit sa akin si Marko at hinipo ang ulo ko.

"Bakit hindi ka pa matulog? Baka may gagawin ka pa bukas, love," mabilis siyang umiling.

"Ayos lang, hapon pa naman ang shoot bukas," bumangon ako at sumandal. "Sorry, love. Marami akong hindi nasasabi sa 'yo sa mga nakaraang araw. Alam kong hindi sapat ang sorry lang para do'n." Madamdamin niyang dinampian nang halik ang noo ko.

"Okay lang. Alam ko naman na busy ka sa trabaho mo, ayos lang sa akin 'yon." Ngumiti ako sa kanya bago siya yakapin.

No'ng gabing 'yon ay sinabi niya sa akin ang lahat. Lahat ng sweet scene na gagawin nila ni Ella ay sinabi niya sa akin. Wala naman daw halik, pero may pagdampi sa noo. Marami nga lang na scene katulad no'n. Magkahawak kamay... Magkayakap... Magkatitigan... Sa kagustuhan kong suportahan siya ay sinabi kong panonoorin ko 'yon. Ang sabi pa niya ay huwag na daw dahil nahihiya siya, sa huli ay pumayag na rin.

"Second chemotherapy mo ngayon, ma," mabilis na tumango si mama bago bumangon. First chemo ay pagduwal at paglalagas ng buhok ang nakikita kong side effect nang gamot.

"Ako na lang muna ang sasama kay tita," pag-aako ni Marko. "Magpahinga ka na lang muna diyan," nakangiti akong tumango. Dito lang din naman kasi sa hospital na 'to ang pagki-chemo ni mama.

Habang wala sila ay naglinis ako ng kwarto dito. Idinamay ko na ang C.R. at lahat nang pwedeng malinis. Pagkalinis ay nahiga na ako sa sofa at natulog do'n. Tatlong araw na lang ay monthsary na namin ni Marko. Nagplano kaming dito na lang sa ospital mag celebrate kasama ang pamilya niya. Papapuntahin daw niya rito dahil gusto na rin daw akong makita ni tita Sera.

Nang magising ako ay nakabalik na sila. Kumakain si mama habang sinusubuan ni Marko. Nagkukwentuhan pa sila. Alas tres na nang malingunan ang orasan.

Napatingin si Marko sa gawi ko nang makitang gising na ako. "Kumain ka na rin, love," kumuha siya nang plato at inayos ang lamesa.

"Busog na 'ko, hijo," pagsasalita ni mama. "Magpapahinga na lang muna ako," lumapit ako kay mana at hinalikan siya sa noo. Nakangiting hinalikan din niya ang noo ko bago natulog.

"Kumain ka na ba, love? Baka nagugutom ka?" Tanong ko kay Marko bago naupo sa inihanda niyang mesa.

"Sasabay na ako sa 'yo, hinintay talaga kitang magising." Ngumiti ako sa kanya bago kumuha nang pagkain, gano'n rin ang ginawa niya. "Aalis kasi ako mamaya, para sa shooting. Baka bukas na ako nang hapon makapunta dito," nagpapaalam na ani nito.

It Hurts, I Love YouWhere stories live. Discover now