11

132 5 0
                                    

Trigger Warning: Harassment

Mabilis na napatayo si Marko, ako man ay nagmamadaling tumayo bago humawak sa labi ko. Nang mamatahan siya ay namumula na ang pisngi at tenga niya. Pero kahit na magkahiwalay na ay parang nado'n pa rin ang malambot niyang labi. Gano'n na lang tuloy ang naging pagkabog ng dibdib ko matapos niya akong titigan sa mata.

"Hindi mo 'yong sinadya, tama?" Naniniguradong tanong niya bago rin hawakan ang labi. Nawala ang pagkaseryoso niya, na para bang bata na ang kaharap ko ngayon.

"Hindi ko sinadya 'yon, Marko." Napatango ito bago mabagal na tumalikod sa gawi ko, dahan-dahan pa ang naging pagkilos niya palapit sa bahay. Kahit ako man ay gano'n ang naging pagkilos, mabagal habang nakasunod sa kanya.

"Oh, anong mangyari sa inyo?" Natatawang bungad ni Lee. Walang sumagot sa amin, sa halip ay dire-diretso kaming naglakad papasok sa kusina at tinuloy ang ginagawa.

"You're my first kiss,"

Napalingon sa akin si Marko, namumula. Totoo naman kasi na siya ng una kong halik.

"You're my first kiss, too," pag-iiwas niya ng tingin. Hindi ko alam kung bakit, pero para bang gusto kong ngumiti. 'Di ko lang magawa kasi alam kong sariwa pa ang nangyari. 'Di ko rin naman alam kung galit, naiinis o okay lang sa kanya 'yon. Kung tatanungin mo sa akin ay... Ayos lang syempre. Mapapangasawa ko naman siya.

Nang matapos kaming mag-design ay pinatikim na namin sa lahat, kahit sa daddy niya. Puro kulang sa tamis ang sinasabi nila, pero okay lang dahil no'n pa lang naman kami gumawa ni Marko no'n.

No'ng dumating ang dilim ay pinipilit pa 'ko ni tita Sera na do'n kumain. Nakakahiya man ay tumanggi ako dahil naghihintay si mama sa bahay, baka sabihin na naman no'n ay nakipag-away ako kahit hindi.

"Kukunin ko lang 'yong car key," paalam ni Marko habang nasa labas ako ng gate nila katabi ang kotse. Mabilis akong tumango bago ngumiti. Sumandal na lang ako sa harap ng kotse niya habang naghihintay.

Napatingin ako sa harap ng may makitang naglalakad papunta sa gawi ko, madilim kaya hindi ko gaanong matanaw kung sino. Nagkibit-balikat na lang ako bago tumingin sa gawing bahay nila Marko.

"'Tagal naman no'n," naiinip kong usal. Pero gulat akong napatingin sa harap ko ng mapagtanto kung sino 'yon!

"Hi, Hanya,"

Mabilis na nanginig ang katawan ko. Ni hindi ko magawang humingin ng tulong, ni hindi ko magawang gumalaw mula sa kinasasandalan ko. Mabilis na gumalaw ang kamay niya at hinatak ako sa buhok. Isinandal niya ako sa isang poste bago hawakan ang damit ko at pilit na tinatanggal 'yon.

"B-bitawan mo 'ko! Tulong! Marko!" Todo ang naging pagsigaw ko, na sana ay may nakarinig kung hindi man umabot sa loob ng bahay nila Marko.

"Tumahimik ka! Nagpakahirap akong lumabas sa mental, tapos hindi mo 'ko pagbibigyan?!" Inis na sabi ni Lino bago ako hawakan sa panga at pilit na pinapatingin sa kanya. Napangiwi ako sa sakit na ginawa niya, pero ang mas iniisip ko ay paanong makatatakas sa kaniya. "Alam ko naman na nanghihina ka sa hawak ko sa 'yo," napaigtad ako ng bigla niya akong yakapin. Ang kamay nito ay gumagapang pababa sa maselang parte ng katawan ko, dahilan para manginig ng sobra ang buong kalamnan ko.

"B-bitaw!" Pilit ko siyang tinutulak palayo sa akin. Inis niya akong hinarap bago sabunutan.

"Sabi ko sa 'yong tumahimik ka," at walang alinlangan na isinubsob ang ulo niya sa leeg ko at dinilaan nang dinilaan 'yon na para bang wala ng bukas. Hindi ko magawang tumakbo, gusto ko tuloy kwestyunin ang sarili ko ng dahil sa kahinaan. 'Eto na naman ang trauma ko, hinaharap ko na naman 'yon.

It Hurts, I Love YouWhere stories live. Discover now