23

124 5 0
                                    

Katulad nga ng sinabi ni Marko ay umuwi na rin kami kaagad. Nando'n na sila tita Sera ng makabalik kami! Nagku-kwentuhan silang dalawa ni mama, inbutan pa naming mga tumatawa.

"Hey, Janko!" Nakangiting yumakap sa akin ang bunso nilang kapatid. High school pa lang siya.

"Do you want my black car?"

"Hoy, love!" Agad kong bawal. Ako na ang kusang kumalas kay Janko, nakangusong lumapit na siya kay Lee na tatawa-tawa. Mga Aldine talaga, puro sila weirdo.

"Nandito na pala kayo!" Magiliw na sabi ni tita. Nagmano ako sa kanya at sumunod ay kay tito Keyo.

Naghapunan na kaming lahat. Kumpleto pa sila Marko kaya ang sarap nang kwentuhan naming lahat. Pass out agad si mama dahil hindi kayang magpuyat, kaya kami na lang ang nagkwentuhan.

"Ano ang ibinigay mo sa kanyang gayuma, kuya? Angas! Nagtatagal na kayo-" Mabilis na nakatanggap ng kurot si Lee kay Marko. "Kuya!" Binantaan ulit siya nito kaya mabilis na nanahimik si Lee.

"Ikaw, paano kang nagtagal sa pambu-bully? Angas! Nagtatagal!" Panggagaya ni Marko sa tono ni Lee kanina, pero agad ring sumama ang tingin ni Marko sa kapatid niya.

"Tumigil na kayong dalawa," suway sa kanila ni tito Keyo.

"Baka abutin tayo nang umaga," humarap sa akin si tita Sera nang nakangiti, kaya agad kong sinuklian 'yon. "Alagaan mo ng mama mo, ha? Aalis na rin kami at alas dose na nang gabi," mabilis akong tumango.

"Salamat po, tita," niyakap niya ako sandali bago magsitayuan.

Inihatid ko na silang lahat, pati si Marko ay kasama na para daw makapagpahinga. Nagpaalam silang lahat sa akin. Kamuntikan pang umiyak si Janko nang hindi siya payagan ni Markong yumakap sa akin.

Lumipas pa ang ilang buwan. Nakaka 4 session na si mama ng chemo. Halos maubos na ang buhok niya at iilang piraso na lang talaga ang nakatubo. Ibinili ko na lang siya ng fake hair, para kapag gusto niyang lumabas ay may isusuot siya.

"Kaunting tiis na lang, ma, ha?" Nakangiting saad ko habang dumuduwal siya ng maraming dugo, may lumalabas rin sa ilong nito. Pero dahil madalas ng nangyayari sa kanya 'to ay alam ko na ang dapat gawin.

"Anim na session pa. Hindi ko na kaya 'yon. Sa apat nga lang ay parang susuko na ang katawan ko sa hirap," pag-iling ni mama bago dahan-dahan na nahiga.

"Ma, kaya mo 'yon," naupo ako sa katabing upuan ng higaan niya.

"Kaya? Ni hindi na nga ako makabangon sa higaan na 'to, tapos kaya?" Naglihis ako nang tingin.

"Umaasa ko sa himala, ma," pagpipilit ko pa rin bago lumayo sa kanya at naupo sa sofa. Nang malingunan si mama ay nakapikit na ito, baka matutulog na.

I sighed before I open my social medias. Sumali kasi ako sa isang group. Marami akong nakukuhang update do'n tungkol kila Marko. Malapit na raw ilabas ng movie, baka daw sa susunod na buwan na kaagad. Nagpunta ako sa facebook ni Marko at nakita halos ten million na ang followers niya. Sa mga nakalipas kasi na dalawang linggo ay madalang na kaming magkita. Isang kita siguro sa isang linggo, gano'n kadalang.

Kasabay ng ika-limang monthsary namin ay birthday ko. Wala pa kaming plano ni Marko, pero 'di ko alam kung alam ba niya ang birthday ko. Manapa ang sa kanya ay alam ko. Matagal pa 'yon, limang buwan pa siguro.

Pumasok na ako sa school. Malapit na rin na mag third grading kaya halos patong-patong na ang mga ginagawa. No'ng first grading ay tambak na rin naman kami, pero mas malala ngayon.

No'ng kuhanan nang card ay nagmakaawa ako sa teacher kong ako na lang ang kukuha. Sinabi ko sa kanya ang dahilan kung bakit walang makakakuha, agad din naman niyang ibinigay sa akin at sinabing papirmahan na lang.

It Hurts, I Love YouWhere stories live. Discover now