34

126 6 0
                                    

"I'll cook our breakfast," hindi na siya nagulat ng makita ang pwesto namin na dalawa. Mukhang sinadya niya talaga na gawin 'yong pagyakap sa akin bago siya natulog. "What do you want to eat?" Tinulungan niya akong magligpit ng tinulugan namin. "I can buy whatever you want," napatalon ako ng yumakap siya sa likod ko. "I want you to be with me, ugh," magaan pa niyang hinalikan ang gilid ng leeg ko.

"T-tigilan mo 'ko, Marko!" Napanguso ito bago sa akin lumayo. "Magligpit na lang tayo tapos kumain na! Marami pa 'kong gagawin, may trabaho pa 'ko." Nakakunot ang noo ko siyang hinarap, nakakagat labi naman siya. "Tigilan mo 'ko sa ganyan mo kung ayaw mong mapalabas dito ng wala sa oras. Ni hindi ka nga nagpaalam sa parents mo-"

"Oo nga pala!" Napangiwi ako sa sigaw niya. "Lagot ako nito kay mommy," nagpanggap pa siyang umiiyak.

"Hindi bagay, hindi ka na bata. Dalian mo, tawagan mo sila," agad siyang tumango at sinunod ang sinabi ko.

"Mom-" Nakapikit na inilayo ni Marko ang cellphone sa tenga niya. "Mom, kalma. Nandito lang ako kila Hanya," nakangusong ani pa nito. "Kakausapin mo? Ah... Okay." Inabot niya sa akin ang cellphone. Nagtataka man ay kinuha ko na rin sa kamay niya.

"Good morning po," may pagkautal pang ani ko.

"God! Akala ko nadukot na ang anak ko! Hindi man lang nagpaalam na pupunta siya sa 'yo! Pagalitan mo 'yan, hija," galita talagang ani niya.

"Pasensya na po. Ako na lang ang kakausap sa kanya at pauuwiin ko na rin kaagad,"

"Salamat, Hanya. Hihintayin ko na lang dito si Marko," sandali pa kaming nagpaalam sa isa't isa bago ibinaba ang tawag.

Ibinalik ko kay Marko ang cellphone niya. "Galit sa 'yo ang mommy mo at hindi ka daw nagpaalam. Umuwi ka na at nag-aalala 'yon," kinuha ko ang mga unan at inilagay na sa loob ng kwarto.

"I don't want to go home. Uuwi lang ako kapag kasama na kita," walang gana kong ibinaba sa kama ang unan bago siya harapin. Bumungad sa akin ang nakanguso nitong labi, pipikit pikit pa ang mata.

"Alam mo namang kailangan kong magtrabaho," pag-iling ko. "Marko, hindi talaga pwed-" Mabilis niya akong hinatak palapit sa kanya at niyakap ako. Ni hindi ko alam na gagawin niya 'yon!

"Please. Dito ako matutulog kapag hindi kita kasamang umuwi," pilit akong kumakawala ngunit mas malakas siya sa akin.

"Marko! Bitawan mo 'ko!" Pagmamakaawa ko habang itinutulak siya.

"I can't," pag-iling nito, lalo pang higpitan ang yakap sa akin.

"Marko..." Napapikit ako ng marinig ang pag-iyak niya.

"I love you, Hanya. Hindi ko na kayang mawala ka ulit sa 'kin... Natatakot na ulit akong mawala ka," isinubsob nito ang ulo niya sa leeg ko at do'n umiyak nang umiyak.

"U-umuwi ka na, Marko," ni hindi ko magawang yumakap pabalik. May kung anong tulis ng kutsilyo ang siyang dumidikit sa puso ko... Masakit 'yon. Kapag naririnig ko ang iyak niya... Nasasaktan ako.

"Alam kong marami akong pagkakamali sa nakaraan, pero paghihirapan kong palitan lahat nang sakit na 'yon para sa 'yo." Pursigidong aniya. Kumalas siya sa yakap para mahawakan ang magkabila kong mata. "Gagawin ko ang lahat, Hanya. Gagawin ko lahat kahit ikamamatay ko 'yon,"

Tumingin ako sa mata niya at nilabanan ang tingin niya do'n. "Alam kong masakit, kaya ko nagawang iwan ka." Yumuko at para hindi niya makita ang pag-iyak ko. "Dahil sa araw na ikaw lang ang meron ako, iniwan ko pa. At sa kagustuhan kong makatakas, pati ikaw nadamay ko. Gusto ko lang na makaalis sa sakit na 'yon," iniangat niya ang tingin ko at pinunasan ang luha do'n.

"Handa akong magsakripisyo sa lahat, Hanya. Handa kong ibahin ang masasakit na alaala mo," inilapit niya ang mukha sa akin at pinagdikit ang noo naming dalawa. "Handa akong magpakahirap makuha lang ulit ang loob mo." Ayon na naman ang pag-iyak niya. "I want to be with you again, Hanya," napapikit ako nang dampian niya ng halik ang dulo ng ilong ko.

It Hurts, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon