18

111 5 0
                                    

"Why're you late?" Hinihingal akong naupo. Kumuha nang battled water si Marko at ibinigay sa akin.

"Naghanap lang ako sandali ng trabaho," rinig ko ang mabigat niyang buntong hininga.

"Kumusta naman ang paghahanap mo?" Tumayo siya sa likod ko at itinali ang buhok ko, pinunasan pa ang pawis sa batok ko.

"Nakakuha 'ko sa mall, sales lady. Tapos tinanggap din ako sa isang cafe, kahit tagalampaso. Kaya ko naman sigurong pagsabay-sabayin 'yon. Pagsiguro sabado't linggo, try ko buksan 'yong p'westo." Lumakad palapit sa harap ko si Marko bago libutin ang bawat sulok nang mukha ko.

"Love, kaya kong ibigay lahat nang gusto mo," nag-aalala niyang hinawakan ang magkabila kong pisngi.

"Ayokong umasa sa iba... Kilala mo ako, love; alam mo kung ano ang mga ayaw ko." Napatango na lang siya.

"Look, Marko," lumapit sa gawi namin si Ella kaya napatayo ng ayos si Marko. "Sabi ng manager ay may tinext daw siya sa 'yo," ani Ella bago ipakita ang phone.

"I didn't know," kinapa ni Marko ang bulsa niya at kinuha ang phone do'n. "Ah, yeah. Thank you," simpleng ngiti lang ibinigay ni Marko sa kanya bago ito lumapit sa akin.

"Kasama daw ako sabi ng manager," balita ko nga rin na mag-aartista na siya, gusto kasi ng mama nito na sumunod sa yapak nito ang mga anak niya.

"Hmm, okay," ani lang ni Marko. Nakangusong bumalik si Ella sa upuan niya, bigo ang itsura. "Ano sabi ng manager?" Inabot nito sa akin ang phone niya.

Taka man ay kinuha ko 'yon at binasa ang text. Ang nakalagay lang naman do'n ay oras at kung saan, walang nakalagay kung bakit. "'Yon lang ang nakalagay," napatango si Marko.

"Pwede mo 'kong samahan?" Tumango ako.

"Hindi naman ako busy mamaya. Pero kung magtatagal ay hindi ako pwede kasi walang kasama si mama," Nagpapaunawa kong saad. He kissed my forehead and nod.

"Ihahatid na lang kita sa inyo mamaya. Tatawagan or text na lang kita kung bakit ako pinapatawag ng manager, okay?" Mabilis akong tumango at ngumiti sa kanya. "Hindi rin kasi ako sigurado sa oras," napapakamot sa ulong naupo siya sa bangko.

"Okay lang, Marko. Balitaan mo na lang ako after no'n,"

Maghapon ang klase. Nakakamuryot pa dahil lahat may mga pa-surprise quiz! Buti na lang at pinipilit akong mag-aral ni Marko, kay kahit papaano ay alam ko 'yong mga sagot sa iba.

"Hatid na muna kita sa inyo," inalalayan niya ako pasakay sa passenger seat, umikot naman siya para makaupo na rin sa driver seat.

Habang nasa daan ay nagkwentuhan pa kami. "Ang sabi nang manager namin, hahatakin nila si tita Jela para mapasikat kami ni Ella." Sa bagay, 'yong iba ay gano'n naman talaga ang ginagawa para maging sikat rin. "Magsisimula raw kami sa pagkanta. Madalian lang kumbaga, idadamay nila si tita Jela as guitarists, then kapartner ko sa pagkanta si Ella."

Kumakanta rin pala 'yong kapatid kong ugok na 'yon.

"Ah, gano'n ba?" 'Yon lang ang ikinibo ko.

Pinaandar na niya ang kotse niya papunta sa bahay. Sandali pa siyang nagtagal sa bahay bago umalis. Sinabi naman nito sa akin na tatawag siya kapag pauwi na ito galing sa manager.

"Dito ka matutulog?" Tanong ni mama nang pumasok ako sa kwarto nito.

"Hmm, babantayan kita." kumuha ako ng panlatag at inilagay sa sahig. Hindi na niya ako napigilan nang mahiga ako do'n. "Good night, ma,"

"Good night,"

Dumaan ang halos isang oras ay bumangon ako at sinilip siya. Tulog na ito. Tumayo ako para ayusin ang kumot niya. Maingat akong lumabas nang kwarto bago nagpunta sa sala at naupo sa sofa.

It Hurts, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon