28

122 4 0
                                    

"Tss, sana all magka-college na," natatawang ani ko habang tinatanggal ang suot niyang toga.

"Bakit ba ayaw mong magpatuloy sa pag-aaral, love? Kaya naman kitang pag-aralin," pagmamayabang nito.

"Pag-aralin? Loko ka," ibinaba ko sa higaan niya ang mga gamit na dala namin. "Matulog ka na muna," tumango si Marko bago dumireto sa C.R para magbihis.

Pagkabihis ay nahiga na siya sa kama. Inaaya pa niya akong mahiga sa tabi niya kaya pumayag na 'ko. "May ticket na 'ko para sa concert mo," mahinang bulong ko. Pumaibabaw siya sa akin at nahiga sa gawing dibdib ko, nakangiting nilaro ko naman ang buhok niya.

"Ang mahal no'n, ah?" Mahinang saad rin niya.

"Binigyan lang ako nang boss ko," nagugulat niyang inangat ang ulo, halos magkadikit na ang mukha namin.

"Is that boy?" Tumango ako. "Now I'm jealous," nakangusong bumalik siya sa pwesto kanina kaya nilaro ko ulit ang buhok nito.

"Regalo lang niya 'yon sa 'kin kasi ako daw ang pinakamasipag niyang empleyado," tumango siya. "VIP ticket pa nga 'yon kaya makikita mo 'ko sa harap," wala pa man ay nangingiti na ako sa tuwing nai-imagine na kakanta siya malapit sa akin. "I can't wait to hear your beautiful voice, love,"

"I can't wait to see you there," gumapang ang kamay niya sa mukha ko at pinaglaro do'n. "I'm so thankful that I have a girlfriend like you, Hanya." Pumikit ako at ngumiti.

"I can't give you everything, but yes, I can make you happy. And I'm so thankful too that I have you,"

Dumating ang araw nang concer niya. Sobrang paghahanda ang ginawa ko. Gabi kasi 'yon. At para wala akong ma-missed sa kanta niya ay hindi ako nag-iinom para hindi ako magkanda-ihi. Hinanda ko na rin ang mga tinapay at pagkain kong dadalhin, may extra shirt pa ako just in case.

Maaga akong nagpunta do'n sa paggaganapan. Pero mukhang hindi ako maaga dahil sa halos mapuno na rin ang mga upuan, buti na lang at VIP ticket ang sa akin kaya hindi ako pwedeng mawalan. Sa pinakaharap ako naupo.

Sobrang laki nang pinagganapan na halos Philippine Arena. Ang pinakamaliit na halaga nang ticket ay mga nakatayo, kami lang mga naka-VIP ang nakaupo sa harap. Gusto ko tuloy ilibre si Sir nang dinner dahil dito. Hindi niya alam na boyfriend ko ang sinasabi niyang Marko Aldine.

"Okay guys! Who's excited?!" Sigaw nang nag-announced sa harap. Mabilis na nag-ingay ang mga tao. "Napakaaga niyo rito! Alas otso pa lang nang gabi pero handa na atang magsimula ang tambalang Marko at Ella!" Napatakip na ako sa tenga ko nang magsigawan ang lahat.

"Simulan na!" Sigaw pa nila.

"No! No! No! We will start after one hour! But first, maglalaro muna tayo,"

Napaayos kaagad ako nang upo. Kung ano mang laro 'yon ay handa akong sumali. Tiyak na may price 'yon.

"It's just a question. Ang makakasagot sa mga tanong, bibigay namin nang price," napanguso ako. Paano kaya kung makilala ako nang mga tao? Sa pagkakatanda ko ay sinabon ako nang mga fans ng Ella at Marko. Natahimik na lang ako. "For the first question! Sino ang unang naging girlfriend ni Marko?!" Agad na nagbulong-bulungan ang mga nasa paligid.

Mabilis akong nagtaas nang kamay kaya naman aligagang bumaba ang emcee at itinutok sa akin ang mic. "What's your answer, ateng naka-red dress?" Hinigit pa niya ako patayo.

"Hanya Eya Fuentes," taas noong sagot ko.

"Oh, wait. Puntahan ko sa back stage si Marko. Pakinggan niyo ang sagot niya kung tama," natawa ang lahat nang muntik ng madapa ang emcee dahil sa pagmamadali nitong pumunta sa likod.

It Hurts, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon