24

125 5 0
                                    

Dumaan pa ang isang buwan na halos sumuko na ang katawan ni mama. Wala ng buhok, payat na at halos hindi na makabangon sa hinihigaan. Ni hindi ko na pino-problema kung saan ako kukuha ng pera, basta ang sa akin ay gumaling si mama.

"Natanggap ako sa isang sikat na bar, ma. Maghahatid lang ako ng order, 'yon lang ang gagawin ko. Hindi naman ako papasok do'n kung alam kong may kakaiba," paliwanag ko kaagad. Kumunot ang noo ni mama.

"Baka naman ma-harass ka do'n," reklamo nito.

"Ma, malaki ang sweldo do'n. Sayang kung tatanggihan ko pa," pag-iling ko. Napabuntong hininga na lang siya at hindi na umimik.

No'ng gabi ay pumasok na ako sa bar na 'yon. 'Di 'to alam ni Marko dahil abala sila ni Ella sa maraming mga okasyon. Hindi ko alam kung ano ang mga ginagawa nila. May nga nabalitaan pa akong naliligaw daw si Marko kay Ella, pero alam kong hindi totoo 'yon dahil karelasyo. na niya 'ko. Kung gagawin man nilang mag date, for publicity lang 'yon.

"Miss, isang mojito," tumango ako sa isang lalaki bago ako nagpunta sa bartender. Ganito lang ang trabaho ko, tagahatid at kuha ng mga orders. Nakakapagod din dahil sa maluwang ang bar na 'to. Natatakot lang ako na baka mamaya ay may lasing na humatak sa akin o kaya ay awayin ako, pero panatag naman ako dahil may mga guards.

Matapos ang trabaho ko do'n ay sa ospital ako dumiretso. Pagdating nang umaga ay sa palengke naman ako, linggo naman kaya pwede mag bukas.

"Look, ma. Meron ka ng pang-anim na chemo," ipinakita ko sa kanya ang perang naipon ko sa isang buwan. Kulang na lang ng 20 thousand, kaya ko pa naman siguro 'yon sa pang-ilang linggo.

"Hindi ko na kayang magpa-chemo," iling ni mama habang nakahiga.

"Ma, hindi pwede," nag-iwas siya ng tingin.

"Sumusuko na 'yong katawan ko, anak. Hindi ko alam kung bukas o kahit sa isang araw lang ay hindi na ako himihinga," I sighed. "Himala ang mga gumagaling sa ganitong sakit na katulad ko, anak. Malabong gumaling ako,"

Katulad ng sinabi niya ay hindi ito nagpa-chemo nang pang-anim. Sinabi ko naman sa doctor 'yon, at pumayag sila. Dahil kapag daw mag isang session pa ay hindi na kayanin ng katawan ni mama.

Umuwi na kami sa bahay dahil sa kakulitan niya. Ayoko sana, pero hindi talaga mapigil.

"Magluluto lang ako nang hapunan, ma," tumagilid si mama sa gawi ko at hindi ako sinagot. Napapabuntong hininga na pumasok ako sa kusina at nagluto ng hapunan namin na dalawa.

May kumatok sa pinto maya nagmamadali kong binuksan 'yon. "Hi, love," bumungad sa akin ang naka-mask na si Marko.

"Ang aga mo ata?" Inakay ko siya papasok sa bahay bago isara ang pinto.

"Oo, eh. Miss na kasi kita," yumakap pa siya mula sa likod ko. Natatawang pumasok ako sa kusina ng nando'n pa rin siya at nakakapit sa akin.

"I miss you too," kumuha ako ng kutsara at ipinatikim sa kanya ang niluluto kong kaldareta.

"Sarap," mahihimigan ang pang-aakit sa tono nito.

"Loko ka! Pumunta ka na lang sa kwarto, bantayan mo si mama," agad siyang tumango. Nagnakaw pa siya ng halik sa akin bago pumunta sa kwarto ni mama. Nawala ang ngiti sa labi ko bago napapabuntong hininga na naghain sa lamesa.

I'm just feel... Feel empty. I tried to smile everyday even I'm sad. I Just don't want to show what I feel, neither in my mama. Na nalulungkot at pagod na pagod na ako. Hindi ko pwedeng ipakita dahil alam kong ako na lang ang kinakapitan ni mama. Pero deep in side, sumusuko na 'ko.

"Kain na tayo!" Sigaw ko mula sa kusina. Si Marko lang ang lumabas sa kwarto, alam ko namang nanghihina na si mama para maglakad pa. Kanina nga ay kinakailangan pa ng tatlong nurse sa kanya na magbuhat pahiga sa kama.

It Hurts, I Love YouWhere stories live. Discover now