09

137 6 0
                                    

"May project ulit akong ibibigay. Kung sino ang partner niyo noon ay 'yon na lang din sa ngayon." Announce ng prof namin habang nag-iikot ng tingin. Last teacher na namin siya, tapos nagbigay pa nang project. Kamuryot naman. "Tomorrow ang pass-an," marami ang nagreklamo ngunit nananatili akong tahimik.

Hanggang sa umalis ang teacher namin ay tahimik pa rin ako. "Mauuna na 'ko, Marko," paglapit ni Ella rito after class.

"Wala ka ng kapartner," inayos ko na ang gamit ko ngunit ang tenga ay nakikinig sa usapan nila.

"Okay lang 'yon. 'Di rin naman ako tinulungan ni Lino no'ng nakaraan," natatawang sagot naman ni Ella.

"Sa'n ka gagawa?" Aktong lalakad ng bigla akong hatakin ni Marko pabalik, nang malingunan ay nakay Ella pa rin ang tingin niya.

"Sa bahay niyo na lang siguro,"

"Ha?" Tanong ni Marko kahit na ang linaw naman ng sabi ni Ella.

"Sa bahay niyo na lang. Wala kasing tao sa bahay, baka 'di pa ako makagawa," dahan-dahan ang naging pagtango ni Marko bago ako lingunin.

"Bigyan mo na lang siguro ako ng gagawin," agad kong sabi. "Sa bahay na lang ako gagawa, baka nakakaabala pa ako sa inyo." Nagpilit ako ng ngiti.

"Sigurado ka?" Pagtanong pa ni Marko.

"Oo." Kumuha ako ng papel at ballpen sa bag ko, iniabot sa kanya. "Isulat mo na lang dito 'yong gagawin ko, tapos ipapakita ko na lang sa 'yo bukas." Nag-aalinlangan man ay nagsulat siya do'n. "Salamat," humakbang na ako palayo sa kanila. Ramdam ko ang titig ni Marko sa likod ko, pero wala siyang tingin na nakuha sa akin pabalik.

Sa halip na umuwi ay naisipan kong tumambay sa ilalim ng isang puno, malayo sa school.

"Mukhang mag-isa ka lang, ah," bungad ng tatlong lalaki sa harap ko.

"James, tigilan mo 'ko, wala ako sa mood na makipag-away." Sabay-sabay silang tumawa, pero wala lang sa akin 'yon. Sa halip ay sumandal ako sa puno bago tumingala sa mga lumilipad na ibon.

Aktong susugod ng bigla akong tumayo. Lahat sila ay napaatras ng ako na ang palapit. "Sabi ng patahimikin niyo muna ang buhay ko," sinapak ko ang isa dahilan para maalarma ang lahat. Mabilis ang naging pagkilos nila, pero bago pa tumakbo si James paalis ay sinuntok pa ako sa gilid ng labi ko. Babanatan ko na sana ng may matanaw ako sa gilid ko. "Takbo," mabilis na tumakbo si James. Alam na niya kung ano ang kaya kong gawin sa kanya, kaya tumakbo na ito.

Nakaangat ang kilay na tiningnan ko ang nasa gilid ko. Hindi siya makalapit sa akin, pero tiyak 'kong gusto niya. "What're you doing here?" He asked.

"Nagpapahinga," naupo muli ako sa isang puno at nahiga. Napangiwi pa ako ng mahawakan ang gilid ng labi ko,may sugat 'yon. Tiyak na mapapagalitan ako nito ni mama at nakipag-away ako.

Tahimik na naglakad palapit sa akin si Marko bago naupo sa gilid ko. "Tara na lang gumawa ng project," napatingin ako sa kanya ng mahiga rin ito sa tabi ko. Tinanggal pa niya ang suot na specs bago pumikit.

"Akala ko ba kasabay mo si Ella?" Kasabay ng paglingon ko sa kanya ay ang paglingon niya sa akin, halos isang dangkal na lang ang layo ng mukha namin.

"Inihatid ko na siya sa kanila," tumingin siya sa malamlam kong mata. "Nararamdaman ko kasing lumalayo ka sa 'kin. Bakit?" Muli akong tumingin sa langit at tumitig do'n.

"Wala lang. Pakiramdam ko lang," walang kwenta kong sagot. Baka kasi mamaya ay nakakaabala na lang ako sa 'yo. 'Di ko nga alam kung tama pa bang sumusunod ako sa mga galaw niya, baka mamaya ay nagtitimpi na lang siya na hindi ako itaboy.

"Tara na lang sa bahay, gumawa tayo ng project," tumayo ito bago ilahad ang kamay sa harap ko. "Let's go?" Napapabuntong hininga na inabot ko na lang 'yon at sumunod sa kanya.

It Hurts, I Love YouWhere stories live. Discover now