06

162 6 0
                                    

Trigger Warning: Harassment

"Aga natin, ah," bungad sa akin ni Marko. Nakakainis! Lunes na lunes tapos hindi niya ako sinundo sa bahay!

"'Di mo 'ko sinundo?" Pabagsak akong naupo sa tabi niya.

"Out of gas, sorr--"

"That word dosn't exist," lumabas ang nakakalokong ngisi sa labi niya.

"Yeah," I chuckled. Sumandal ito sa kinauupuan niya at tumutok sa libro.

"Review-hin mo nga ako," I request.

"Sit," he command. Mabilis akong kumuha nang bangko at naupo sa harap niya. "What subject do I teach you?" He asked.

"Teach me how to love,"

Mabilis ang pagkakangiwi niya. Kinuha nito ang mga libro at sinimulang buklatin 'yon isa-isa. "I'm not pro in love, I can't teach you." Nagsimula nitong basahin ang susunod naming topic sa subjects. At dahil sa siya ang nagtuturo ay hindi ko maintindihan dahil nakatingin lang ako sa mukha niya.

Umayos na ako nang upo ng dumating na ang Prof namin. "We have a quiz," bungad nito na siyang ikinaungot naming lahat, pwera ang nasa tabi ko.

"Grabe," naibulong ko sa gitna ng pagsasagot dahil wala akong maisulat sa papel. Hindi ko nga alam kung test ba 'to paakyat sa langit, eh.

"3 over 20," napasapok na lang ako sa hangin. Akalain mo 'yon,nakatatlo pa 'ko. At 'yong tatlo na 'yon ay 'yung natutunan ko kay Marko. "Ilan ka?" Baling ko sa kanya.

"19 over 20," napanganga ako. Bakit siya may mali na isa?! "Na-blanko ako do'n sa number 9," paliwanag niya.

"Naks! Tama ako do'n!" Mayabang kong sabi, ngumiwi na lang siya.

3 hours pa kaming nagklase bago naglunch.

"Sabay ka?" Lumapit si Marko kay Ella.

"Ha? Kasabay ko si Lee, eh," mabagal ang naging pagtango ni Marko sa kanya. "Una na ako, ha? Baka inaantay na ako no'n." Nakangiting tumango muli si Marko bago sa akin lumapit at ayain akong kumain sa cafeteria. At dahil sa pumayag ako sa kanya noon na mag review, inilibre niya 'ko.

"Sabihin mo lang sa akin kung gusto mo si Ella," nagtatampo kong sabi bago kuhanin ang kutsara at tinidor sa kamay niya.

He chuckled. "She's just my friend, okay?" Paglilinaw nito.

"As what you say, paniniwalaan ko 'yan." Pagngiti ko bago lantakan ang pagkain na nilibre niya sa 'kin.

"Biglaan 'yong quiz kanina," sabi ko habang naglalakad kami pabalik sa room.

"Yeah," walang kwentang sagot niya.

"You're so cold when I'm with you," reklamo ko. He tsked.

"I'm not." Pagtatapos niya sa usapan at naunang maglakad. Nakangusong sumunod ako sa kanya at sumabay sa lakad nito.

Dumating ng maghapon na puro tunganga lang ang ginawa ko. Pero hindi pa rin ako makapaniwala na naka 3 ako sa quiz, ang inaasahan ko pa kasi ay zero dahil sa hinulaan ko lang lahat.

"Hanya," lumapit sa gawi ko si Lino matapos ang klase. Nakangiti ito sa akin. Ang bag niya ay nakasukbit lang sa isang balikat. "Sabay ka sa 'kin?" At ayon na naman ang pagngisi niya, pero ngayon ay simpleng ngisi na lang 'yon.

"She's with me," sumulpot sa gitna namin si Marko.

"Libre ko lang siya ng dinner, bro." Pagngiti rin niya kay Marko.

"A-ano... Huwag na," pag-iling ko.

"Sumama ka na," pamimilit ni Marko, muli akong umiling. "Minsan lang na hindi ka sa 'kin masasabay pauwi," kinuha nito ang bag ko sa upuan at isinukbit sa akin. "Take care, okay?" Hindi ko nagawang sumagot ng umalis na siya.

It Hurts, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon