30

129 5 0
                                    

"Akala ko naman kung saang dinner," natatawang ani ko bago naupo sa harap ni sir Matt.

"Sa ngayon ay tipid muna tayo, kaya dito kita ililibre sa karinderya," tumawag na siya nang kumukuha nang order.

"Oh, my god!" Sigaw nang nasa gilid ko. "Siya 'yong ex ni Marko, right?! Siya 'yong kasamang um-acting ni Marko kanina!" Sigaw pa niya kaya agad kaming pinalibutan nang mga tao. Paano nila nalaman na ako 'yon? Sa social media ba? Fuck!

"Excuse us," nagmamadali akong hinatak ni sir Matt palabas at agad na sumakay sa kotse. "What the? Ex mo 'yon?" Gulat ring tanong ni sir.

"Y-yes po," mabilis niyang pinaandar ang kotse nang magsilabasan ang mga tao at sundan kami. "Two years ang itinagal namin,"

"Wow," napailing pa ito. "Swerte mo, ah,"

"Hindi rin po," pag-iling ko.

Simula nang mag-artista siya, inaamin kong magkanda-letse-letse ang pagmamahal naming dalawa. Na para bang naging isang tangang mundo ang dating makapangyarihan namin mundo. Sa paraang para kaming mga robot na naghihintay na utusan nang kung sino.

Pagkahatid sa akin ni Sir Matt ay umalis na rin siya kaagad. He gave me time to think about the issue. Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at tiningnan ang bagong trend.

Hanya Eya. This girl is Marko's Ex. The girl na kahalikan ni Marko no'n sa beach. Well, si Marko at Ella na no'ng time na 'yon. Gano'n ba siya kadesperada para agawin pa ang ex na?

Natawa na lang ako sa issue na 'yon. Kami pa ni Marko no'ng panahon na 'yon, at anniversary namin 'yon! Tandang-tanda ko ang araw na 'yon. Huminga ako nang malalim at nagbasa pa nang ibang comments. Lahat nang 'yon ang mga masasakit na salita tungkol sa akin. May malandi, makati, tanga, bobo at kung ano-ano lang mga masasakit na words.

Pumunta ako sa kwarto at do'n nagkulong. Paano na ako papasok sa cafe? Paano kung pagpasok ko ay biglang may maghagis nang itlog sa 'kin? Pa'no kung sigawan nila ako nang kung ano-ano? Paano kung saktan nila ako? Wala naman akong ginawa, bakit ako na naman 'yong mali sa mata nang mga tao?

That night. Pag-iyak lang ang ginawa ko. Na parang ito na naman ako, bumabalik na naman ang lahat. Nadadamay na ako, nadadamaya na ang pangalan ko. Nandito na naman ako sa mundo na parang ako lang ang tao.

Kinabukasan ay hindi ako pumasok. Wala akong balak na sirain ang sarili kong buhay. Hindi ako kakagat sa pain na inilalagay nila sa daraanan ko. Siguro nga ay sira na ang lahat nang pangarap ko, at ayoko nang madagdagan pa 'yon.

Napatingin ako sa pinto ng bahay nang may kumatok do'n. "Sino 'yan?" Mahinang tanong ko.

"Si Marko. Open the door for me, please." Kumatok pa siya nang makailan. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang simpleng itsura niya. Mukhang wala siyang pupuntahan ngayon dahil simple lang ang suot niya.

"Anong ginagawa mo rito?" Maliit na siwang lang ang ginawa ko. Wala akong balak na papasukin siya.

"Let's talk. We need to talk," aktong hahawakan ang doorknob ng pigilan ko 'yon.

"Bumalik ka na lang sa susunod na araw," isinara ko na ang pinto bago bumalik sa sala at manahimik. Hindi ko naman na narinig pa ang katok niya kaya nakahinga na ako nang maluwag.

Mag-usap? Kailan pa siya natutong luminis? Kailan pa siya natutong makipag-usap at umayos nang problema? Sa pagkakaalam ko ay hindi niya nagawang humakbang pataas no'ng kami pa. Parang ako na lang ang gumagana sa mga makina at siya ang isang sira do'n. Na ako ang sumasapo lahat nang sakit no'n, na ako ang umaayos para maayos lahat.

Sa mga lumipas na araw, laging pumupunta si Marko sa bahay pero hindi ko siya pinagbubuksan nang pinto. Nagmamakaawa na siya, pero hindi ako makaramdam nang awa. Nakikita ko ang sarili ko sa kaniya no'ng araw na nanghihingi ako nang oras.

It Hurts, I Love YouWhere stories live. Discover now