14

122 6 0
                                    

"Batang 'to! Bangon na!" Namumuryot kong binuksan ang pinto ng kwarto. Sabado naman sana para hindi niya ako gisingin! "May naghihintay sa 'yo! Babaitang 'to!" Nagugulat akong napalabas at sinilip ang maliit naming sala. Bumungad sa akin ang nakaupong si Marko. Nangiti agad siya ng makita ako, napatayo pa.

"Good morning," napapahiya akong tumalikod sa kanya para punasan ang tulo kong laway at muta sa magkabilang mata. Ang aga naman niya! Hindi ako nakapag-ready!

"Good morning," bati ko pabalik bago lumapit sa kaniya, nahihiya.

"Sorry if I'm too early," nilahad nito ang phone niya sa akin. "Can I have your number?" Napapakamot sa ulong tumango ako bago kuhanin ang phone niya at itipa do'n ang numero.

"What are you doing here, Marko? Six quarter pa lang," napapakamot sa ulong naupo siya sa sofa namin, tumabi naman ako sa kanya kaagad.

"Aayain sana kitang lumibot? Enchanted Kingdom lang," mabilis akong tumango bago napatingin sa suot nito. Simpleng sapatos, simplemg damit at simpleng pants. Mukha siya simpleng tao at hindi mukhang mayaman.

"Gagayak lang ako," mabilis akong tumayo at dumiretso sa kwarto. Ang sabi ni mama ay maggagayak na siya nang umagahan para sa aming tatlo. Tutulungan naman ni Marko 'yon, tiyak ko.

Nagpunta na rin ako kaagad sa hapag kainan matapos gumayak. Nagsuot na lang din ako ng simpleng shirt at pants, baka kasi sumakay kami sa mga rides, kaya hindi na ako nagdress.

"Pasensya ka na, Marko. Itlog at hotdog lang stock namin sa bahay," paumanhin pa ni mama habang kumukuha ng kanin at inilalagay sa plato niya.

"Ayoa lang po, tita. 'Tsaka nga po pala..." Napatingin ako kay Marko, nakatingin na rin ito sa akin. "...Nililigawan ko na po ang anak niyo," naubo si mama kaya agad siyang inabutan ni Marko ng tubig.

"A-ano kamo?!" May kalakasan na tanong ni mama, tinitingnan kung totoo nga ba ang narinig niya.

"Nililigawan ko na ho ang anak niyo," pag-uulit ni Marko.

"Aba! Walang problema sa 'kin 'yon! Inaalagaan mo naman nang maayos ang anak ko, kaya payag ako!" Magiliw na pumalakpak si mama bago ulit dumaldal. Napapailing na kumain na lang ako.

Nang matapos kumain ay ipinagpaalam na ako ni Marko kay mama. "May isang oras pa siguro ang byahe, nagugutom ka ba?" Tanong nito sa kalagitnaan ng byahe namin.

"Hindi naman. Okay na ako sa umagahan na kinain natin kanina," napatango siya bago ngumiti. Hindi tuloy siya makatingin sa akin dahil nagmamaneho ito. "Bakit nga pala kayo magkasama ni Ella no'n sa palengke? 'Tsaka ang sabi niya sa 'kin, nagpunta daw siya sa inyo?" Tipid itong tumango sa akin.

"Nagpasama lang siya na bumili. Eh, balak ko rin naman na bumili no'ng oras na 'yon kaya pumayag na ako. No need to worry, no'ng nagpunta siya sa amin ay sandali lang. Inabot lang niya ang prutas at umalis na rin." Malinaw ang pagkakapaliwanag niya ng sabihin 'yon. Agad naman akong tumango, naniniwala sa sinabi niya.

Pagkarating sa Enchanted Kingdon ay agad akong namangha. "Ngayon ka lang nakarating dito?" Umakbay siya sa akin bago ako samahan na pumasok at kumuha ng isang para bang ticket para makapasok. Kulay dilaw 'yon, binutasan pa bago kami pumasok.

"Yes. Ang ganda pala rito," pagngiti ko sa paligid.

"Bakit naman ngayon lang? I mean, you don't have time or what?" Naupo kami sa isang bench.

"Don't have money," natatawang sagot ko. Nangingiting hinaplos nito ang buhok ko bago tumayo at dumiretso sa isang tindahan. Pagbalik ay may dala na siyang tinapay at inumin na para sa amin na dalawa.

"My parents and Ella's parents are friends." Pagsisimula niya habang binubuksan ang tinapay ko bago iabot sa akin. "Ella's mom is artist. Kaya si Ella, balak nang mag-artista."

It Hurts, I Love YouWhere stories live. Discover now