19

117 5 0
                                    

"Hindi ako makakasama, love." Pag-iling ko kaagad pagdating ng hapon. Dahil nga sa hindi na siya dito mag-aaral ay hinintay na lang niya ako malapit sa cafe dito. "May trabaho ako sa isang simpleng mall, hanggang alas otso lang naman. Tapos lilipat naman ako sa isang cafe sa bayan para magtrabaho ulit, hanggang alas tres siguro." Naupo ako sa harap niya at nakiinom sa kape na hinihigop nito.

"Kaya ko namang tulungan ka, Hanya. Hindi mo na kailangan na magpakapagod nang gano'n," inabot niya ang dalawang kamay ko at pinaglaruan 'yon.

"Ayoko nang umaasa sa iba, Marko. Kilala mo ako," napabuntong hininga na lang siya. Tumawag siya nang waiter at um-order ng kape at cake para sa akin, maraming flavor ang in-order niya kaya naman natuwa ako.

"Kumusta si tita?" He asked in the middle of our conversation.

"Hindi ko alam, Marko..." Binitawan ko ang kutsara bago siya malungkot na tiningnan. "Nakaisang duwal siya kagabi, natakot ako dahil maraming dugo,"

"Gagaling siya, Hanya," napapailing akong nagpatuloy sa pagkain. "Kung gusto mo ay ako ang magbantay kay tita ngayon? Kahit ngayon lang," namimilit ng ani nito.

"Huwag na, Marko,"

"Ngayong gabi lang para ma-monitor ko si tita... Ngayon lang." Napapabuntong hininga na tumango ako.

Pagkaubos nang pagkain ay sumabay na sa akin pauwi si Marko. Gumayak lang ako sandali bago nagpaalam sa kanilang dalawa na aalis na ako. Si Marko ay uuwi daw sandali para makapagbihis at makabili nang makakain nila ni mama, ibibili na rin daw niya ako para pag-uwi ko ay may pagkain sa bahay.

Hindi naman masyadong nakakapagod ang trabaho sa mall. Sinasagot ko lang naman ang mga nagtatanong sa akin ng klase nang damit.

"You're new here," pagkausap sa akin nang isang lalaki. Kung titingnan ay mas matanda lang siguro ito sa akin ng tatlong taon. Si Marko kasi ay isang taon lang ang tanda sa 'kin.

"Opo," ngumiti ako sa kanya dahil 'yon ang isa sa trabaho ko.

"Madalas ako rito, kaya tanda ko ang mukha ng bawat tao rito." Tumango lamang ako. Nagtanong lang siya ng polo tapos ay umalis na rin. Halos ubusin na niya ang paninda kaya sobrang tuwa nang manager dito.

"Mauuna na 'ko," paalam ko sa mga kasamahan kong sales lady rin.

"Ingat, Eya," napakamot ako sa ulo. Sila lang ata ang tumatawag sa akin nang Eya.

Umalis na ako do'n at lumipat sa bayan para sa cafe naman ako pumasok. Ngumiti agad sa akin ang guard do'n, ngumiti ako pabalik bago pumasok.

Wala ng iba akong mapapasukan kaya ito na ang last choice ko. Ayoko namang pumasok sa bar at baka mahalay lang ako ro'n. Ayokong sirain ang trauma ko.

"Pakidala na ito sa table 3," agad akong tumango at dinala ang tray. Dinala ko 'yon sa table na sinasbi niya bago bumalik at maglinis. Gusto kong sumuko sa unang araw pa lang, pero sa tuwing naiisip ko ang kalagayan ni mama ay nawawala ang pagod ko.

Sa isang araw ay wala pa sa isang libo ang kita ko, mabuti na rin 'yon at may napagkukuhanan ako ng pera. Sa sabado't linggo naman ay pwesto namin ang bubuksan ko dahil wala akong trabaho every week end.

Pag-uwi sa bahay ay naabutan kong nakahiga si Marko sa sofa at natutulog. Walang kumot o kahit unan man lang. Ang cellphone nito ay nasa gawing dibdib niya, nakailaw pa ata dahil may liwanag do'n.

Dahan-dahan ko itong kinuha sa kamay niya at tiningnan. Napangiti ako nang makitang picture ko 'yon nasa gallery siya. Nakakalungkot lang na wala pa kaming litrato na magkasama.

Pinatay ko na 'yon at inilagay sa katabi niya lamesa. Pumasok ako sa kwarto ko at ikinuha siya nang kumot at unan. Lumapit ako sa kanya at inilagay ang unan sa gawing ulo nito, inayos ko muna ang electric fan bago siya kumutan nang hanggang dibdib.

It Hurts, I Love YouWhere stories live. Discover now