05

162 6 0
                                    

"A-anong nangyayari sa 'yo?"

Natatakot akong napaupo sa ilalim nang isang puno at do'n huminga nang malalim. Makailan ng mangyari sa akin ang ganito, pero hindi mapigilan nang katawan ko na matakot kapag nangyayari 'yon. Simpleng haplos lang ay nagwawala na ang buong sistema ko.

"Okay lang ako," pagngiti sa kanya. Hindi niya tuloy magawa na makalapit sa akin. "May trauma kasi ako sa gano'ng bagay, kaya ganito ang naging reaksyon ko," no'n lang niya nagawang lumapit at abutan ako nang tubig.

"Saan ka naman natakot? May naitanong ba 'ko sa 'yong mali?" Kinakaban niyang tanong.

"Hindi. Nang mahawakan mo 'yong labi ko," natigilan siya, nagpilit ako nang tawa para hindi ito mailang. "Pasensya na kung gano'n ang naging reaksyon ko, kinabahan lang talaga ako ng sobra." Tumayo na ako at inayang siyang bumalik sa room.

Buti na lang at hindi na nito tinanong kung bakit ako may trauma sa gano'ng bagay, sana hindi siya gano'n katalino para malaman 'yon.

"Hanya, thank you sa ballpen," paglapit sa akin ni Ella matapos ang buong klase.

"My pleasure," pagngiti ko bago kuhanin sa kanya 'yon. Bumaling ito nang tingin kay Marko, 'di ko pa inaasahang lalapit ito.

"Anong nangyari diyan?" Napakunot ang noo ko nang matanong ni Marko 'yon kay Ella.

"Ha? Anong nangyayari?" Pagsingit ko bago lingunin si Ella. No'n ko lang napansin ang sugat nito sa gilid ng labi niya. "Napano 'yan?" Tanong ko rin, nag-iwas siya nang tingin.

"W-wala lang 'yan. Ano, balak ko sanang sumabay sa 'yo mag-aral," pag-iiba nito sa usapan.

"Sure. Ikaw, Hanya?" Baling sa akin ni Marko. Nakaangat ang kilay na tumango ako. Aba, hindi ako papayag nang wala ako. Baka kung ano pa ang gawin nila, mababaliw ako no'n.

Nagpunta kaming tatlo sa library. First time ko pang makarating dito dahil hindi naman ako mahilig sa libro. "I'll take care of your bag," nabigla ako nang kuhanin ni Marko ang bag ko habang naglalakad kami.

"Oh, thank you." Todo ang ngiti kong ibinigay sa kanya 'yon. Mukhang lumelevel-up lang ang nararamdaman ko kapag may ginagawa siya na para sa akin. Napaisip tuloy ako kung dahil ba 'yon sa nangyari kanina kaya siya ganito. Pero nevermined, basta ginawa niya 'yon, tapos!

"Ella, about this one?" Nagsimula na agad sila pagkarating sa loob nang library. Kanya-kanya sila ng kuha sa libro, habang ako ay naghanap nang mauupuan at tumambay na lang do'n.

Ang ending tuloy ay si Ella ang naging katabi niya, habang ako naman ay kaharap nilang dalawa. "Don't look at him," bawal ko kay Ella na siyang ikinatawa nito.

"I'll not look at your friend," tatawa-tawa na ani nito habang inaayos ang libro.

"Review about this one," inabitan ako ni Marko nang isang makapal na libro na agad kong inilingan. Shet?! Ako magre-review?! Baka magpadasal lang si mama sa bahay, huwag na lang. "It's all about to our next lesson." Dumiin ang pagkakatingin nito sa mata ko, I gulped. "Hanya Eya," nagbabanta ang tono nito.

"'Eto na nga, eh," I immediately open the book and read it as if I can understand. "The heck am I doing right now?" Naibulong ko na lang sa sarili ko bago dumukdok sa libro at pumikit.

"Wake up," nakanguso akong umayos nang upo at tumingin kay Marko. "I'll treat you again a lunch in monday if you read that," mabilis akong nagbasa.

"How about kiss?" Pagnguso ko bago muling bumaling nang tingin sa kanya.

"What?" Masungit na niyang tugon. I made face, He chuckled.

Nakanguso akong nagbasa hanggang sa dulo. Hindi ko naman magawa na magpanggap na hindi nagbabasa dahil nakabantay itong kaharap ko. Si Ella kasi ay may sariling buhay sa libro, habang si Marko naman ay binabantayan ako. May minsan pa niyang kinuha ang libro sa akin at tinanong ako sa topic na pinag-aralan ko. At sa lahat nang tanong niya, wala akong sagot. Sorry bobo lang.

It Hurts, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon