20

126 5 0
                                    

First session ay si Marko ang nagbayad. Ang sabi nito sa akin ay siya na muna ang bahala sa una. Kung kulang daw ang magiging pera ko sa pangalawang chemo, sabihin ko sa kanya. Gusto kong mahiya, pero sa tuwing nakikita ko ang kalagayan ni mama ay lumalakas ang loob kong tanggapin lahat ng alok niya.

"Happy first month!" Magiliw na bati ni Marko! Jusko! Nakahiga pa ako sa kama dahil napuyat ako sa trabaho kagabi.

"H-huh?" Antok na antok akong napabangon. "Oh, my god! Monthsary natin ngayon! Happy monthsary!" Aligaga akong tumayo bago siya halikan sa labi. Natatawang hinawakan nito ang bewang ko.

"I have a gift for you," magiliw siyang dumukot sa bulsa bago ilabas ang maliit na kahon do'n. "Necklace for you," ipinakita nito sa akin ang k'wintas na may pendant na buwan. Halatang original 'yon dahil sa kulay at itsura.

"Wow," isinayad nito ang labi niya sa noo ko habang isinusuot sa akin ang kuwintas. "Salamat, Marko," tuwang-tuwa ko siyang niyakap ng mahigpit.

"You're welcome, love," dinampian niya ulit nang halik ang noo ko bago sabihan na gumayak na at magluluto daw kami sa bahay. Alam naman ni Marko na hindi ko pwedeng iwan si mama. Marami ng side effect ang nagpapakita sa katawan nito, may minsanan pang hindi ko na malaman kung ano ang gagawin ko.

"Anong ginagawa niyo?" Natatawang tanong ni mama bago naupo sa high chair. Nagluluto kasi kami ni Marko habang naghahampasan dahil lasang hinayupak ang ginagawa naming spaghetti. "Patikim nga," kinuha ni mama ang sandok kay Marko para tikman ang ginawa namin. Mabilis na napaubo si mama kaya inabutan siya ng tubig ni Marko.

"Ano lasa, ma?"

"Bakit may luya?" Narinig ko ang mahinang tawa ni Marko.

"She told me na lagyan ko nang luya, tita," tatawa-tawang sabi pa ni Marko. "Lasang lugaw ata,"

"Gawa na lang kayo nang bago," pag-iling ni mama, kumuha pa ng tsokolate sa ref para mawala ang lasa ng kinain.

"Grabe kayo sa 'kin! Ngayon ko lang naman niluto 'yang ganyan!" Protesta ko bago itapon ang sauce n ginawa namin.

"It's okay, love. Ulitin na lang natin," nakangusong inirapan ko si Marko.

Sa huli ay siya na ang pinagluto ko. Nanood na lang nang instructions sa YouTube. Namangha pa ako ng matikaman na masarap 'yon.

"May nilagay ka atang poison kaya masarap," natatawang pinahiran niya ng tissue ang gilid nang labi ko.

"Madali lang akong matuto," napanguso ako. Tumayo ako para kumuha ng juice sa ref, agad rin naman akong bumalik sa lamesa. "Punta daw muna si tita sa kwarto," tumango ako bago siya salinan ng juice.

"Side effect daw ang pagduwal, sabi ng doctor na nagki-chemo sa kanya. Lalo tuloy pumapayat si mama ng dahil do'n,"

"Kapag nakadalawang duwal siya sa susunod na mga araw ay itawag mo sa 'kin," mabilis akong tumango. Napatingin ito sa phone niyang nasa lamesa nang mag-ring 'yon. "Excuse me, love," umayos siya nang upo bago sagutin ang tawag, nagpatuloy naman ako sa pagkain. "Ah... What time, Ella?" Napaangat ang kilay ko nang marinig ang pangalan ni Ella. "Ngayon na daw sabi ni manager? Ang bilis naman... Sa monday agad ang kanta... Ah, sa school?" May ilang minuto pa silang nag-usap ni Ella bago patayin ang tawag.

"Ano 'yon? May emergency ba?" Mahinahon kong tanong.

He cleared his throat. "Sorry, love. K-kailangan ko na kasing umalis," pag-utal niya.

"Bakit? Ang aga pa. 'Tsaka hindi pa natin halos nauubos ang niluto na pagkain mo," kunot noong ani ko.

Nagpapaintindi niya akong tiningnan. "Mag-aayos daw ang lahat para sa monday. Kakanta kami sa school natin, kasama ang iba mga sikat na banda. Magsisimula na silang ipakilala kami ni Ella sa lahat," napabuntong hininga ako bago tumango.

It Hurts, I Love YouWhere stories live. Discover now