25

129 5 0
                                    

The next day, Marko went to our house and say sorry for everything. I didn't even talk. Wala naman akong karapatan na magsalita pabalik. Wala akong dapat sabihin sa lahat, dahil kahit saan tingnan ay siya ang may mali.

Time blows like wind. Malapit na kaming makapagtapos ng grade 11. 'Di ko nga alam kung pasado pa ba ako dahil hindi naman ako halos nag-aral at puro trabaho ang inatupag ko.

"Hanya," tawag nang teacher ko sa 'kin. Mabilis akong sumunod sa kanya hanggang opisina nito. Naupo siya sa swivel chair bago ipakita sa aking ang card ko. "Wala kang pumasang subject... Kahit isa," bumuntong hininga ako bago ibalik sa kanya ang card ko. "Kailangan mong umulit nang pag-aaral."

"Alam ko po," tipid kong sagot.

"Kung may problema ka man, Hanya. Pwede mong sabihin sa akin dahil guro mo ako," emosyonal niya akong tiningnan kaya agad akong naglihis nang tingin. "Alam kong may problema kayo ng mama mo, sana ay mawala na ang nga problemang 'yon."

"Sana nga po... Sana,"

Hindi ko ipinaalam kay mama na bumagsak ako at kailangan kong umulit-ulit ng grade 11. Ayokong madagdagan ang isipin niya kaya mas mabuting itago ko na lang. Wala na rin naman akong balak na mag-aral, dahil tiyak akong hindi ko kaya ang mga tuition fee pagdating nang college.

"Love," nakangiting pumasok si Marko sa bahay. Tipid akong ngumiti sa kanya.

Today is our monthdsary, eight months na. Gano'n kabilis ang panahon na halos pangangapa lang naman sa daan ang ginawa ko.

"Happy monthsary," nakangiting inabkot niya sa akin ang isang bungkos nang bulaklak na may kasamang mga tsokolate sa loob.

"Salamat. Happy monthsary," tipid akong ngumiti bago kuhanin sa kamay niya 'yon.

"Thank you for accepting me again, love," lumapit siya sa akin at niyakap ako. Magaan ang kamay na yumakap ako pabalik at agad na kumalas.

"Nagluto ako nang tanghalian dito, kumain ka muna," sumunod naman siya sa akin nang pumasok ako sa kusina.

"Nagkaroon kami nang issue..." He cleared his throat. "Maraming tao ang nakahuli sa atin sa bar,"

"Alam ko," kahit hindi ko siya lingunin ay alam kong nagulat siya. "Naging malaking issue 'yon dahil nakita nilang ako ang sinundan mo at hindi si Ella na naiwan sa VIP room, tama?" Nagbaba ako nang plato sa harap niya. "At maraming mga tao ang nagtanong sa 'yo sa isang show kung sino ang kasama mong 'yon, kung ano mo ako? Ano nga ulit ang sagot mo..." Ngumisi ako sa kanya, yumuko ito. "Ang sabi mo ay katulong mo 'ko," mangha akong umalis sa harap niya at ikinuha siya nang tubig. "Ang ganda ko namang katulong para do'n." I chuckled.

"'Y-yon lang ang paraan ko para matakasan ang bashers. Hindi ko gusto 'yon, pero kailangan kasi masisira ang pangalan ko-"

"At ako ang hinayaan mong masira," padabog kong inilapag ang baso sa harap niya. "Baka gusto mong magpalit tayo nang kinatatayuan, baka sukuan mo ang sapatos ko at sabihin mong ibabalik mo na sa 'kin,"

"Love," hinawakan niya ang kamay ko at hinalik-halikan 'yon. "I didn't mean to do that. Gagawa ako nang paraan para hindi na kumalat ang mukha mo sa social media, ako na bahala sa lahat." Aligaga niyang saad at pinaglaruan ang kamay ko. "Kakausapin ko si manager. Kapag pwede ko nang ikalat ang relasyon natin ay ipangangalandakan ko sa buong mundo. Pangako ko 'yan sa 'yo,"

"Hindi. Hindi na 'ko aasa sa pangako mo," iling ko bago bawiin ang kamay sa kanya. "Monthsary natin ngayon, ayoko nang ganito ang ihip nang hangin." Naupo ako sa harap niya at sinabayan siya sa pagkain.

Kailan ba kami nagkaroon ng monthsary na magkasama kami sa buong araw? Dahil sa bawat monthdsary ay siya ang umaalis para sa trabaho. Hindi ko naman siya mapipigilan dahin 'yon ang gusto at pangarap niya. Wala akong karapatan lalo na't hindi pa kami umaabot sa mas mataas na lebel ng pagmamahal.

It Hurts, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon