21

120 5 0
                                    

"Pasensya na kung halos umagahin na ako, ma," naupo ako sa katabing hospital bed nito.

"Sabi ko naman sa 'yo na huwag ka nang magtrabaho,"

"Ma, hindi pwede. Malapit na ang second chemotherapy mo, kailangan kong makaipon." Nagpapaunawa kong saad bago siya ipaglagay ng pagkain sa mangkok. Naupo siya at nagsimula ng kumain.

"Paano ang pag-aaral mo? Baka naman hindi ka na nakakapag-aral ng maayos," natatawa akong umiling.

"Nakakapag-aral ako nang maayos, ma. Hindi ko kayang mawala ang pag-aaral ko," napatingin ako sa kaniya ng marinig ang mabigat niyang buntong hininga.

"Pasensya na... Naging pabigat si mama sa 'yo," mabilis kong nakagat ang pang-ibaba kong labi at yumuko. I don't want to cry, kaya agad kong pinigilan 'yon. "Hindi ko gustong magkaganito, pasensya na," habang umiiyak ay kumakain si mama. Mabigat ang mga paa na pumunta ako sa C.R at doon tahimik na umiyak. Agad ko rin namang pinakalma ang sarili, dahil mahahalata ni mama'ng umiyak ako sa C.R.

Pagbalik ko ay maayos na si mama. Hindi na siya umiiyak, ngunit namumula ang mga mata. Agad akong lumapit ng takpan nito ang kanyang bibig at humagulgol, hindi na mapigilan. Maingay akong napayakap sa kaniya at inalo sa pag-iyak.

"S-sana wala na lang akong sakit para hindi ka na nagtatrabaho. Sana normal ang pagtulog mo, na sana katulad ka pa rin ng dati; dati na ako 'yung nagtatrabaho para makapag-aral ka sa gusto mong paaralan..." Napapikit si mama at kumalma para habulin ang hininga dahil sa pag-iyak. "Ang pangarap ko lang naman ay mapagtapos ka at makitang nagkakaroon nang sariling negosyo," napapikit ako ng hawakan niya ang pisngi ko. "Hindi na ako gagaling, Anak. Alam nang katawan kong bibigay na ako sa sarili kong paa," umiling ako.

"Hanggat may nakikita akong ngiti sa labi mo, aasa ako, ma. Hindi masamang umasa at maghirap sa taong mahal mo. Handa akong magpakamatay sa lahat nang sakripisyong ginagawa ko." Lakas loob na ani ko bago salubungin ang kanyang tingin.

"Salamat, Hanya. Salamat sa lahat," nakangiti akong tumango.

Pinatahan ko na siya kaagad matapos naming umiyak. Hindi pwedeng magtagal siya sa gano'n dahil mahihirapan siyang huminga.

Ngayong araw lang ata hindi nakapunta rito si Marko sa ospital. Sa isang linggo na ang 2nd monthsary namin, hindi ko akalain na sa maikling panahon ay marami na kaming nararanasan.

Pagkakain ni mama ng umagahan ay umuwi na ako para makagayak papasok sa school. Wala akong tulog, pero ayos lang. Sa tingin ko nga ay sanay na ng katawan ko ng hindi na natutulog, sanay ng pagod ang katawan ko.

Naghintay ako hanggang alas siete kay Marko kung susunduin niya ako, pero pagkabigo lang ang natanggao ko. Wala siyang tawag o text sa akin. Napapabuntong hininga na ni-lock ko na ang bahay at pumasok na sa school.

Maghapon akong lutang. Marami pang quiz, kaya ang iba sa mga subject ay naibagsak ko na talaga. Wala akong maayos na review, may minsanan ko na lang na nagagawa 'yon sa sobrang busy ko.

No'ng uwian na ay dumukdok ako sa arm rest at pinikit ang mata. Hindi ko alam na nakatulog ako, dahil ng magmulat ng mata ay madilim na at umuulan. Natanaw ko pa ang teacher ko sa harapan.

"Hindi na kita ginising, hija," nahihiya akong napatayo bago sa kanya ngumiti.

"Pasensya na po kung nakatulog ako, Ma'am," napapakamot sa ulong sumabay ako kay Ma'am Diaz na lumabas ng room. Ni-lock na niya 'yon at sinabayan na rin niya ako sa paglabas.

Tinanong pa ako ni Ma'am kung may sundo ako, ang sabi ko ay oo. Dumating na kasi ang sundo niya, umalis na rin kaagad. Inilahad ko ang kamay ko sa ulan, malakas ang bawat patak no'n at alam kong malakas. Nilalamig kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Marko. Alas otso na nang mamatahan ko ang oras.

It Hurts, I Love YouWhere stories live. Discover now